MSMR - 21

70 4 3
                                    

Simula ng mawala ang lahat , para na akong nabubuhay na mag-isa. walang inaasahang iba , walang makakapitan kapag may problema , walang masasandalan sa tuwing may dinadala. Nahirapan akong makisama sa iba , nag-iba ako , itinuon ko ang atensyon ko sa pag-gawa ng cake , tinapay at mga cookies. 

Tanging iyon ang kinabubuhay ko , hanggang sa makapag-patayo ako ng bakery. Sa lola anastacia ko ipinangalan ang bakery ko (Lola Anstacia's Bakeshop) , dahil na rin sa pagsisipag ko , nagkaroon ito ng ikalawang branch , at ngayon nasa 4 na branch na ang aking napapatayo , pina-ayos ko na rin ang bahay ko , mas malaki , mas makulay. Napatayuan ko na rin si Lola anastacia ng mouselleum niya. 

Kahit mag-isa habang tumatagal sumasaya na rin ako sa buhay ako, 10 taon ang nakalipas , tumatanda na rin ako , walang kasama, napagpasyahan ko na rin na wag nang mag-asawa pa , ayoko nang muli pang masaktan , muling paasahin , at muling sirain. 

Ang araw ko ay nakatuon lamang sa bakeshop , sa aking mga empleyado ,sila ang naging katuwang ko sa lahat. Naging mabait akong amo. Masaya kasing maramdaman na masaya sila sa pagtratrabaho , walang kinakatakutan ba. 

Hanggat isang araw , muling dumating ang liwanag sa buhay ko , nagkakulay muli ang aking mundo. Isang babae ang dumating sa bakeshop , tumulo lang ang aking luha noong nakita ko siya. Ngumiti siya sa akin , at mukhang wala nang bahid ng galit sa puso ko at sa puso niya. 

Bumalik na siya , bumalik na si Shaina. Kasama niya ang anak niya , kamukha ko ang bata , mula sa mga mapupungay nitong mata , at mapupulang labi. Ang kanyang balat ay maputi tulad namin ng kanyang ina. Tumakbo ang bata papalapit sa akin at niyakap ako.

Lumuhod ako sa kanya at niyakap. Tumayo ako upang tignan si shaina , ngumiti lang siya sa akin at ako'y niyakap , senyales na wala na. wala nang poot . wala nang galit ang humaharang sa aming dalawa.

Simula noon naging masaya ako , sa akin tumira sila shaina , magkakasama kami , katulad ko , wala  na rin siyang balak mag-asawa pa, masaya ako para sa kanya. Lagi ko silang kasama sa bakeshop , nagbabantay . Tinuruan ko rin mag-bake ang pamangkin ko , siya nga pala si Sharina. Mula sa pangalan naming dalawa ni shaina.

Simula noon naging panatag na ang loob ko , nabuhay kami ng masayang masaya.

Lumipas pa ang maraming taon , tumanda na rin kami ni shaina , nasa 60 na ako at 59 siya. Pumunta kami sa taong pinagka-utangan namin ng buhay , siya ang humubog sa pagkatao namin ni shaina, at hinding hindi siya mawawala sa puso namin , si LOLA ANASTACIA

dito nagtatapos ang kwento ko ,

------------------------------------------------------------------

Thanks for reading my story , please vote for it , comment and be my fan :D thanks people

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Sister , My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon