Nagulat ako sa mga nasabi ni Shaina, parang tumaas ang balahibo ko. Buti na lang at di kami nagkatuluyan ni fernan , dahil kung naging kami , baka siguro nasira ko ang kinabukasan ng kapatid ko , wala ang shaina na kapatid ko na nasa harap ko ngayon.
"siguro .... matagal na rin naman kayo ni fernan, parehas kayong may trabaho , parehas kayong fullfilled na sa mga pangarap niyo , kaya't bakit hindi"
Sa mga salitang nabitawan ko , parang naramdaman ko ang kirot na pilit sumasakit mula sa puso ko. Pero pinipigilan kong mahalata ito ng aking nakababatang kapatid.
"eh paano naman ate yung sa kabit? , anong masasabi mo? , paano kunwari si fernan may kabit anong gagawin mo?"
Nagulat ako , kinabahan ako sa sinabi nya , parang may alam siya na wala,
"e di papatayin ko yung kabit niya!"
tumawa kaming dalawa , na parang simpleng joke lang ang lahat. buti na lang at natuto akong ngumiti , kasi kapag hindi ? , baka matagal na nya kaming nabuko ni fernan
"Shaina!!"
narinig ko ang boses ni fernan , nagulat ako , akala ko kaming dalawa lang ni shaina
"oh fernan andyan ka na pala , upo ka rito , nag-uusap kasi kami ni ate tungkol sa kabit"
nakita ko ang reaksyon sa mukha ng lalaking minsan kong minahal na pasikreto
"ah... eh .. bakit nyo naman napag-usapan yan?"
Nauutal si fernan
"honey, wag kang matakot haha XD , nanuod kasi kami ni ate ng No Other Woman"
agad na nagsalita si fernan
"haha , ganun ba , ano ba yang pinapanuod niyo"
isag ngiti lang ang ibinalik ni Shaina
lumuwag ang aking pakiramdam , atleast alam kong wala siyang alam
