MSMR - 14

53 0 0
                                    

Maraming preparasyon ang ginawa nilang magkasintahan, tuwang tuwa ang kapatid ko , ngayon ko lang siya nakita na ganun , ganun kasaya. 

June 14 ang itinakdang kasal ng aking kapatid at ni fernan, minsan dahil may trabaho si fernan sa akin lumapit si shaina para pagdesisyunan ang tungkol sa cake nila sa kasal

"Ate , pwede bang ikaw ang gumawa ng cake ko? , kasi cake mo lang ang tanging cake na natikman ko na masasabi kong masarap"

Napaiyak ako , niyakap ko ang aking kapatid , sinabi ko sa kanya na kahit anong gusto niya para sa kasal , umiyak kami sa isa't isa , dahil alam namin na malapit na kaming mag-hiwalay.

"Maging masaya ka sana , alam ko naman na diyan ka masaya , isa yan sa mga pangarap mo diba?"

inaayos ko ang buhok ng aking kapatid , umiiyak siya , nararamdaman ko na masaya siya sa kasal , pero malungkot siya dahil mahihiwalay na ako sa kanya

"Salamat ate ah , strawberry yung cake ko ah! "

Nagtawanan lang kaming dalawa , na parang walang nangyari at napag-usapang paghihiwalay.

Ilang araw na lang at kasal na ni shaina ,

Iniisip ko na yung batang lagi kong kasama , kakampi sa lahat ng laban

eh mawawala na , maghihiwalay na kami ng landas , kailangan niya nang bumuo ng pamilya.

Sinigurado ko na bawat natitirang araw na nalalagi na magkasama kami ay magiging masaya, nag-bake ako ng nag-bake ng cake para sa kanya , tuwang tuwa naman siyang tinitikman ang mga ito , at namimili ng ihahanda para sa kanyang kasal.

Pero sa bawat gabi na dumadaan at araw na lumulubog at lumilitaw , nasasaktan ako para sa aking sarili , pinalayo ko si fernan , 

sa tuwing naliligo ako , umiiyak ako , para pag labas ko , may dahilan ako kung bakit basa ang aking mga mata. 

Sobrang down ako , pero sobrang galak ko , dahil naibigay ko ang magandang bagay na habang buhay na makakasama ng kapatid ko , aalagan at mamahalin siya , si fernan

My Sister , My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon