MSMR - 7

39 0 0
                                    

nabigla ako sa mga sinabi niya , parang pinapa-ikot niya ako sa aking palad.

hinampas ko siya , hinampas ko siya ng paulit-ulit

"Bakit ngayon lang! , ngayon lang kung kailan huli na , mahal ka ng kapatid ko , sobrang mahal na mahal ka niya"

sa sobrang iyak ko eh napaluhod ako sa harap niya , hindi ko alam ang nangyayari , pero napaluhod ako sa sobrang hinagpis na aking nararamdaman. Para akong paru-paro na gustong lumipad , pero di ko magawa dahil bali ang aking pakpak.

"Sarah , natakot lang ako na baka masira ang pagiging magkapatid niyo , kung dederetsuhin ko siya , ayokong mahirapan ka"

Sinampal ko siya ng malakas , naiinis ako sa mga sinasabi niya

"bakit!? , kapag tinuloy ba natin to , di na masisira ang kung anong meron kami?, nag-iisip ka ba?"

Hinawakan niya muli ang aking mga braso , hinila niya ako at muling niyakap, pero pilit akong nagpupumiglas.

"Ayoko! , di bale nang ako ang magdusa , wag lang si shaina, ayoko , kalimutan mo na ako"

pina-alis ko siya , tinulak ko siya palabas , nakita ko ang dismaya at pagka-lungkot sa kanyang mga mata , pero sino ba ako para saktan si shaina? .

nawala ang pag-asa ko para sa aming dalawa , sinara ko ang pinto at muli akong lumuha. 

Ilang oras ang dumaan at nasa sala lang ako , nag-iisip

may kumatok , at mukhang si shaina na

"Hello ate! , eto na tapos na ako mamalengke , ayusin na natin to"

sobrang saya ng kapatid ko , habang tinitignan ko siya , para siyang bata na binigyan ng bagong laruan. Naiisip ko na lang ang mararamdaman niya kung sakaling di ako magpaparaya.

"Oh umiyak ka ba?"

agad akong tumalikod at sinabing

"Hindi napuwing ako kanina , habang naglilinis , pero okay lang ako"

"may cake diyan , ginawa ko para sayo"

ngiti at yakap ang una kong natanggap mula sa kanya

"wow! thank you ate , salamat dito ,"

"kung sakaling may gusto ka , sabihin mo sa akin , ibibigay ko sayo ah"

natuwa ako noon , pero hindi pwede , hindi pwedeng umamin ako.

Niyaya ko muna siyang kumain bago kami mag-ayos ng mga pinamili at magluto na , para sa hapunan.

napakasaya ko noong araw na iyon bilang ate , pero di bilang nagmamahal.

My Sister , My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon