MSMR - 16

35 0 0
                                    

kakaiba pala ang pakiramdam , kapag nakikita mo ang sarili at kaisa-isa mong kapatid na naglalakad papuntang altar. Ang ganda ni shaina ngayon , kakaiba ang kanyang wedding gown , makintab ito , at sobrang haba. 

Halos umabot sa tenga ni shaina ang kanyang ngiti. Bata pa lang kasi kami , isa na sa mga pangarap ni shaina ang magpakasal sa simbahan. At ngayon parang lahat ng panaginip at pangarap. Abot kamay niya na ngayon. 

Pero nawala ang ngiti sa aking mukha. Nakita ko si fernan, ang gwapo niya sa suot niyang tuxedo , inayos din ang kanyang buhok. At sa paulit-ulit na pangyayari. Matinding selos pa rin ang aking nararamdaman , magkahalo ang selos , saya. Para akong nababaliw, tuluyan nang mawawala si fernan. 

Tinanong na sila ng pare

"Lalake , tinatanggap mo ba si shaina , upang maging iyong kabiyak , sa hirap man o ginhawa?"

"O..p..o"

Napa-upo ako sa gulat, pero anong karapatan ko , ako naman ang nagpalayo sa kanya eh. 

"Ikaw babae, tinatanggap mo ba si fernan , bilang iyong kabiyak , sa hirap man o ginhawa"

"OPO"

Para akong tinamaan ng kidlat , sa sakit ng aking nararamdaman , tumakbo ako palabas ng simbahan , di ko na kayang pigilan ang pag-hagulgol.

Pagkatapos ng kasal , agad akong tinanong ni Shaina,

"Ate , bakit ka umalis sa kasal ko? , bakit ka umiiyak"

Akala ko di , niya ako napansin , nag-isip ako ng dahilan 

"Di ko lang kasi matanggap na mawawala ka na."

"Wag mo na lang isiping mawawala ako , kapatid mo naman ako , bibisitahin din naman kita"

"Talaga?"

"oo naman ate , ikaw pa"

"Tara punta na tayo sa reception , tikman mo na ang pinakamasarap na cake sa buong mundo"

"hahaha , ikaw talaga ate!"

Nakita ko si fernan mula sa pinto ng simbahan , nakatingin siya sa akin , malungkot , pero di niya pinapahalata , ngumingiti siya.

My Sister , My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon