MSMR - 15

38 0 0
                                    

Unti-unti nang dumating ang araw ng kasal ni Shaina , nandun ang buong pamilya , si mama , si papa , ako at si shaina. Masaya  , lalo na nang dumating sila papa at mama.  Kumpleto kami , parang noong mga bata kami , Wala namang tutol ang aking mga magulang , masaya sila sa nangyari sa buhay ni shaina. Yung inaakala nila na mapapariwala , siya pa palang mas naging successful sa buhay.

June 14 , dumating na ang araw na pinakahihintay ng pamilya , maaga akong gumising , ginawa ko ang pinakamalaki at pinakamasarap kong cake . Binuhos ko ang lahat ng pagmamahal ko sa aking kapatid sa pag-gawa nito. Masusi kong ginawa ang mga detalye , pero habang ginagawa ko ang espesyal na cake na ito. Lumuluha ako at napatanong sa aking sarili.

"Masaya ka ba sa desisyon mo sarah?, okay lang ba sayo na habang buhay magdusa? para na rin kay shaina?"

Binulong ko yun sa aking sarili. Tanging ngiti lang at luha ang aking sagot.

Ngiti , dahil masaya ako para kay shaina at Luha para sa tuluyang pag-iwan sa akin ni fernan.

Maaga kaming umalis dahil idadaan pa namin ang cake sa reception area. At tuluyan kaming dumiretso sa simbahan , kami lang ni shaina ang magkasama , sila mama at papa , pati na rin sila Fernan at ang kanyang pamilya ay nasa simbahan na.

Habang bumibiyahe kami , hinawakan ako ni shaina sa kamay , pinipigilan niya ang luha , para na rin sa di masira ang make-up niya. Tinignan ko siya , pero sa iba siya nakatingin , pinipilit nyang wag maging emosyonal at sinabi niya sa akin 

"Ate , ayokong maging panget sa kasal ko , pasensya ka na , di ako pwedeng umiyak" sinundan niya ang makahulugang mga salitang iyon ng tawa , tanging ngiti at halik ang binigay ko sa kanya.

Malapit na kami sa simbahan , bago siya bumaba , may binulong siya sa akin , na talagang nagpaluha ng todo sa akin

"Thank You ate , salamat ah , oras na "

nasira ang make-up ko noon , ako pa man din ang bridesmaid nakakahiya ang panget ko.

"Tanggapin mo na lang sarah , maging masaya ka na lang para kay shaina" yan ang bulong ko sa aking sarili 

My Sister , My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon