MSMR - 12

31 0 0
                                    

Lumalalim na ang gabi , pero di pa rin ako maka-tulog , iniisip ko , kung ano ba ang iniisip ni fernan , ano ang binabalak niya , baka sabihin niya kay shaina ang nakaraan naming dalawa. Pero habang malalim ang aking iniisip , biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto , binuksan niya ang ilaw , si shaina ang pumasok sa aking kwarto

"Oh shaina? , bakit gising ka pa? ,"

"Ate ano ba yung pinag-awayan niyo ni fernan? , naguguluhan ako eh?"

Nakikita ko sa mukha niya ang matinding pagtataka , agad akong nag-isip ng madadahilan , para di na rin masyado pang isipin ng aking kapatid ang pinagtalunan namin ni fernan

"Tinanong niya kasi ako , kung pwede ka na ba nyang pakasalan , nagulat lang ako at medyo nainis kaya nataasan ko siya ng tono, alam mo naman na takot ako na mahiwalay ka sa akin diba?"

Lumapit si shaina sa akin ,. niyakap niya ako , niyakap niya ako na parang wala nang bukas, na parang di na kami muli pang magkikita.

"Ate salamat! , alam ko namang mahal na mahal mo ako eh , sinakripisyo mo ang maraming oportunidad sa buhay , para lang sa akin"

"wala yun , kapatid kita eh, sinu-sino pa ba ang magtutulungan? tayo tayo lang din naman diba?"

"o sige ate matutulog na ako , yun lang naman ang gusto kong malaman eh"

niyakap ko si shaina at hinalikan siya sa noo at sinabi ko sa kanya na

"Di na baleng mag-sakripisyo ako , wag lang ang kaisa-isang kapatid ko"

Ngumiti kami pareho at tuluyan nang nilayasan ng takot at kaba.

Kinabukasan. katulad ng masayang araw , ipinagluto ko siyang muli ng almusal , mas lalo kaming naging close ni shaina , at masaya ako sa ganitong sitwasyon naming dalawa

My Sister , My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon