Dahil sabado naman at walang pasok si shaina, inutusan ko muna siyang mamalengke. Dahil mag-aayos pa ako ng bahay. Pagkatapos maglinis nag-isip ako ng pwedeng gawin,
Alam kong nakakapagod ang maglakad sa initan na may maraming bitbit, kaya't naisip kong mag-bake ng cake para kay shaina , pinili ko ang strawberry flavor, mahilig kasi ako rito , dahil ito yung unang flavor na tinuro sa akin ni Lola Anastacia.
Bawat dekorasyon at preparasyon na ginawa ko para sa cake ay binuhos ko ang pagmamahal. mahirap i-explain kung paano pero , ang turo sa akin ni lola, "Kung may gagawin ka, ibuhos mo na ang lahat , at wag kakalimutan ang pagmamahal" nung bata pa ako , di ko maintindihan ang gusto niyang sabihin , pero habang tumagal , nalaman ko na rin ang gusto nyang malaman ko.
Na-miss ko tuloy si lola , umupo ako saglit , at muling inalala ang nakaraan , nakaraan na kasama ko pa siya, masaya ang bawat segundo ko nun. Para akong nasa langit , di ako nakaramdam ng takot noong kasama ko siya, ibang iba sa sitwasyon na meron ako ngayon.
Biglang may kung sinong kumatok sa pintuan ,
"Oh! baka si Shaina na yan!, kawawa naman yung kapatid ko"
dali dali akong pumunta sa sala at ipinagbukas siya ng pinto, pero nagkamali ako , unti unti kong nakita ang isang lalaki , nagulat ako , bumilis ang kabog ng puso ko . si fernan , si fernan ang kumakatok at pilit pumapasok.
"pasok ka, wala pa si shaina eh ,namalengke, kaya ako muna ang nandito"
di ako makatingin sa mga mata niya , nahihiya ako , agad akong tumalikod at naglakad ,pero pinigilan niya ako , hinawakan niya ang aking braso , naramdaman ko ang lambot ng kanyang mga kamay nadumampi sa aking balat.
Kakaibang pakiramdam ,
"mag-usap tayo , please"
Niyakap ako ni fernan at binulong ang mga katagang yan.
Nagulat ako , sa ilang segundo niya akong yakap , parang napa-amo niya ako , para akong pusa na tuwang tuwa sa pag-dampi ng kanyang balat sa aking katawan.
Ngunit naalala ko si shaina , agad kong tinanggal ang kanyang mga kamay, humarap ako sa kanya at nagulat ako sa kanyang ginawa , sinalubong niya ako ng isang halik, kakaibang halik ang naramdaman ko.
Yun ang una kong halik. Naramdaman ko ang malalambot niyang mga labi. lasang cherry , matamis. Tumulo ang aking luha , para bang masaya ako na binabagabag ng aking konsensya.
tinulak ko siya , papalayo
"Mali ito , mali! , ayokong saktan ang kapatid ko"
Nagsalita siya
"pero ito ang totoo! , ito ang nararamdaman ko , para sayo to sarah , sayo lang"