MSMR - 8

40 0 0
                                    

habang tumatagal ang relasyon nila shaina at fernan , lalo kong nakikita ang improvement mula sa aking kapatid. Binago siya ni fernan .

Ang dating brat , pabaya, walang modo , at makapal ang mukha na SHAINA , naging isang mabait , matulungin at mahiyaing SHAINA. Akala ko noon , di na siya magbabago , pero eto , nasa paningin ko siya , tila ba nalampasan niya na ang ate niya.

Dumaan ang ilang taon , patuloy na tumitibay ang kanilang relasyon , ako wala pa rin , nag-iisa. Si Shaina ay nakapagtapos na ng pag-aaral , grumaduate siya sa kursong Psychology , o diba! akalain mo!. Ako grumaduate din , angkaroon ako ng sarili kong bakery , masaya ako , sa mga nangyari sa aming magkapatid. 

Si fernan naman , minana niya ang kompanya ng kanilang pamilya , minsan na lang siyang dumalaw sa bahay. Pero sa tuwing dumadalaw siya , tumitingin siya sa akin ng patago , di na siya ganun kasayang kasama , di tulad noon , di tulad noon bago pa mangyari ang paglayo ko sa kanya.

SI Shaina ay kasalukuyang nagtratrabaho sa isang specialist hospital. 

Kung titignan ko siya ngayon , mas masaya siya , mas matagumpay kung ikukumpara sa akin.;

Hanggang ngayon di pa rin sila nagpapakasal , di ko alam ang dahilan , dahil na rin sa busy sa trabaho si shaina , minsan na lang kami magkwentuhan. Lagi ko na lang siyang pinag-be-bake ng cake. kasi alam kong gustong gusto nya ang timpla ko , kumpara sa mga nabibiling cake sa labas. 

Minsan ,.sabado ng gabi , day-off ni shaina. Nagkaroon kami ng oras para mag-bonding , niyaya nya ako sa labas para manood ng sine at kumain.

"Ano ate game ka?, dapat minsan nag-eenjoy din tayo

"ahh? , sige basta ba sagot mo ,bakit naman hindi!"

"haha , oo ikaw pa , malakas ka kaya sa akin"

Ang layo na talaga niya sa akin , siya na ang nagbabayad ng lahat , kuryente , tubig , pati telepono at iba pang gastusin. 

Di na rin nagpapadala sila mama at papa. Nasa amerika na sila at bumibisita na lang tuwing pasko. Kadalasan pa hindi sila natutuloy.

Nanuod kami ng movie na drama. No Other Woman. Nagulat ako pero yun ang pinili niya. Sa title pa lang , halatang tungkol sa mga kabit. Hindi na ako tumanggi dahil libre nya naman , kahit na minsan tinatamaan ako.

Habang kumakain kami matapos manuod , kinwentuhan niya ako. 

"Siguro kung ako si anne curtis, at nalaman kong karelasyon ko eh nangangaliwa?, baka ikamatay ko , di ko kayang mawala sa akin si fernan. Sa tingin ko nga siya na ang magiging asawa ko eh Ano sa tingin mo ate?."

My Sister , My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon