MSMR - 2

56 1 0
                                    

Iba-iba ang pinagkaka-abalahan namin ni Shaina, Pareho kaming nag-aaral , kumuha ako ng Culinary Arts , at siya naman pa-lipat lipat ng course. Medyo naging pabaya kasi si Shaina sa pag-aaral,

Puro inom, party, gala ang inaatupag niya. Eh kahit sariling kwarto niya di niya maayos eh.

Pag wala naman kaming pasok , nasa bahay lang ako , naglilinis, nagluluto , naglalaba, oo para talaga akong katulong nung kapatid ko, gagawin ko lahat para sa kanya.

Pero isang araw, may dumating na lalaki sa bahay, si Fernan, Gwapo si fernan . 

Galing siya sa marangyang pamilya, kaya nga noong una nagulat ako , bakit siya napadalaw sa bahay. Di naman kami ganun kayaman katulad niya , may kaya lang. 

Pormang porma si loko, pormal na pormal , parang umaakyat ng ligaw, nakapolo siyang checkered, black and white, tapos nakasuot siya ng itim na slacks, oh diba! binyag lang ang drama .

May dala siyang bulaklak noon, akotong tatanungin ko siya kung bakit siya napadaan, pero bago pa siya magsalita, sumingit si Shaina "wow, sino tong gwapong ito!" , "di ko alam , di nga siya pamilyar sa akin". Bumaba si shaina at pinagbuksan ng pinto si fernan , akala ko pa naman papa-alisin niya, "ito talagang babaeng to".

Noong una tahimik lang kaming tatlo , pero binasag ng magaling kong kapatid ang katahimikan "Hey, ano pangalan mo? ang tahimik mo naman !" , "Ako nga pala si Fernan , gusto ko sanang umakyat ng ligaw". Nagulat ako sa sinabi niya , parang nanlamig ako , di ako sigurado , di kasi malinaw kung sino ang gusto niya.

Tiyaka , di ko nga siya kilala nuh! , "Nakita mo na ako noon . kaklase mo ako sa culinary Sarah"

nagulat ako sa sinabi niya. Sa bagay wala naman akong pake sa mga classmate ko, basta nakapasok ako , yun na yun , "Ganun ba? , ah eh sinong liligawan mo?" Magsasalita na siya ng aktong sumingit si Shaina "Okay lang sa akin Single naman ako eh! , maganda ako , gwapo ka!"

Nagulat ako sa sinabi niya,. parang di babae, nagulat din si fernan , tanging ngiti lang ang sinukli niya.

"Sige , ikukuha ko muna kayo ng makakain at maiinom" , sinabi ko yun , para maka-iwas sa ganung usapan. Nahihiya kasi ako eh.

Pagtayo ko , nakita ko ang kakaibang tingin sa akin ni fernan , di ko maipaliwanag , pero di ko na lang pinansin yun. Tsaka nakita ko yung kamay ni Shaina na nakaikot na sa mga braso ni fernan. Umalis na lang ako at Kumuha sa ref ng makakain nila.

"Oh ano boto ka ba ate?" , yan ang kagulat-gulat na tanong sa akin ng kapatid ko , parang di na siya nahiya, pero pinabayaan ko na lang at baka mag-away na naman kami.

Pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref , kumuha ako ng pinalamig kong cookies na kaka-bake ko lang . Ayoko kasi ng mainit na cookies , mas masarap pag malamig. Nagtimpla na din ako ng Iced tea. At naghanda ng tray na may platito at dalawang baso. 

Hinatid ko yun sa sala at nabigla ako sa tanong ni Fernan

My Sister , My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon