MSMR - 1

94 1 0
                                    

Ako si Sarah Manalo , 19 years old , simple lang ako , pero mataas ang pangarap. NBSB (No Boyfriend Since Birth) dahil na rin sa angkin kong kasungitan. Kakaiba ang pangarap ko , gusto kong magtayo ng sarili kong bakery, oo nga pala magaling kasi akong mag-bake ng ibat ibang delicacies.  

Mapa- Cupcake , cake , cookies , brownies at kung ano ano pa. Hilig ko yan , yan rin ang masasabi kong talent ko , talent ko na naman ko pa sa lola ko , si Lola Anastacia. Bata pa lang ako malapit na ako sa aking lola, lumaki kami ng kapatid ko sa kanya. Nasa states kasi ang parents ko , dun sila nagtratrabaho , at kung umuwi sobrang dalang. 

Magaling si Lola Anastacia sa baking, meron kasing business ang mga ninuno namin na bakery, naaalala ko pang noon sa pugon pa siya nagba-bake. Pero kahit di kontrolado ang init ng apoy , masarap pa rin ang mga nagagawa nya. Noong 9 yrs old ako , sinimulan na ni lola ang pagtuturo sa amin ni shaina ng baking.

Teka, si Shaina pala ay kapatid ko.

Sobrang opposite ko si Shaina, madaldal siya at walang bahid ng hiya kapag nakikipag-usap sa iba. Medyo maganda siya tulad ko , (mayabang lang?) haha , mahilig rin siya sa abubot. Lagi ko ngang pinapagalitan yan dahil sa pakalat-kalat palagi ang mga gamit niya.

18 years old lang si Shaina, mas bata lang siya sa akin ng isang taon , kaya minsan kapag magkausap kami, parang kambal lang. Mahilig rin siyang pumunta sa Bar , at sa mga sayawan. Niyaya niya ako , pero ayoko , bukod sa di ako umiinom , di ako marunong sumayaw. 

Busy rin ako sa pagbabantay kay Lola Anastacia.

Noong 16 pa lang ako , nagkasakit na si lola , lagi na niyang dinadaing ang sakit sa kanyang gulugod at sa iba pang parte ng kanyang katawan. May arthritis si lola , pero ayaw niyang magpagamot. Dahil na rin sa mahal , ay di na umaasa si Lola na hahaba pa ang buhay niya.

Balik tayo kay Shaina,

Hindi siya lumaking malapit kay lola , dahil na rin sa iba ang ugali nya.

Matigas kasi ang ulo ng kapatid ko , kahit ilang beses mo pagsabihan dedma lang siya.

Hinayaan na lang ni lola na ganun , ayaw niya namang mas lalong lumayo ang loob ni Shaina sa kanya.

Marami ring manliligaw si shaina , nagkaroon siya ng iilang boyfriend , minsan niya na akong ni-reto sa iba , pero ayoko eh , di ko sila type (choosy?) haha.

Di tumagal noong 18 years old ako , namatay si Lola  

Nabuhay kami na independent ni Shaina, ako ang tumatanggap ng padala nila mama at papa.

Natuto kaming tumayo sa sariling paa.

Marami rin kaming naging problema ni Shaina sa isa't isa , pero bilang nakakatanda ako sa kanya , pinagpapasensyahan ko na lang siya. Siya na nga lang ang kasama ko , mag-aaway pa ba kami?

Kahit naman minsan nasasaktan ako , di na lang ako nagsasalita.

Likas kasi kay shaina ang pagiging matapang at masakit magsalita. Naalala ko nga noong mga bata pa kami imbes na ako ang magtanggol sa kanya, siya pa ang nagtatanggol sa akin,

Isa na rin yun sa mga dahilan ko , kung bakit ko siya sobrang mahal.

Alam ko naman na kahit ganun sa akin ang kapatid ko mahal na mahal ako nun.

Pero siyempre darating at darating sa buhay namin ang mga problema , na kahit sabihin nating malalampasan,

hindi basta basta , 

My Sister , My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon