MSMR - 18

33 0 0
                                    

kung minsan , tumatawag si Shaina sa bahay para kamustahin ako , busy na rin kasi siya sa trabaho. Pero isang balita ang sinabi niya sa akin. Balita na sumampal sa mukha ko.

"Ate Buntis ako, may pamangkin ka na!"

kinilabutan ako , ang lalaking mahal ko , may anak na sa kapatid ko, pero mali rin naman kung magsisisi pa ako , huli na ang lahat.

"Huh? , bakit parang ang bilis naman?

nagulat din ako sa mga salitang nasabi ko , parang di ako excited na ewan.

"Di ka ba masaya?"

Agad kong binago ang ihip ng hangin , 

"masaya ako , congrats sis! , tawagan mo lang ako , kung kailangan mo ng tulong ah."

"Ocge ate ,ingat ka diyan ah"

di ko alam pero parang napansin niya ako , parang nakakaramdam na si shaina , nararamdaman niya na may bagay akong tinatago.

Minsan , nagpasama siya sa pagbili ng gamit ng baby niya ,i mean baby pala nila ni fernan. Agad ko naman siyang sinamahan. Ayoko namang isipin niya na , pinapabayaan ko na siya.

Naglakad kami sa department store ni shaina , iba ang mood niya, para siyang may dinaramdam.

Hanggat may nakita akong isang crib. Ang ganda , kulay asul ang crib , unisex ang crib kaya walang problema , agad ko itong itinuro sa kanya. Nagustuhan niya rin naman , agad ko iyong pinakuha sa lalaking nagbabantay sa gilid . Pumunta naman kami sa mga damit, oo nga pala babae ang magiging anak nila . Marami kaming nakitang maganda , pero di pa rin maipinta ang mukha ng kapatid ko. Pero atleast nakabili kami kahit wala siya sa mood, dahil na rin siguro sa buntis ang kapatid ko.

Habnag kumakain kami tinanong ako ni shaina,

"Ate , may itinatago ka ba sa akin?

Nabuhay ang diwa ko sa tanong niya , kinabahan ako , mukhang nakakaramdam na nga talaga

"Anong gusto mong sabihin?, di ko maintindihan"

"May nakita kasi ako sa cellphone ni fernan kagabi , at sinabihan mo siya na tigilan ka na niya"

"Shaina , wala yun , binibiro niya kasi ako"

Pero nagulat ako sa reaksyon niya , lumuha siya , sinampal niya ako ng malakas , nabigla ako , nagkatinginan kaming dalawa , nangyayari na ang kinakatakutan ko , alam na ni shaina ang lahat

"Akala ko kung sinong babae lang ang umaahas sa asawa ko , shit! kapatid ko lang pala"

nasaktan ako sa sinabi niya , minura niya ako at tinawag na ahas

"Nagkakamali ka , matagal na yun , hindi pa kayo kasal , pero pinigilan ko ang asawa mo"

"e di lumabas rin ang totoo , minsan mo nang nilandi ang asawa ko"

nakatingin sa amin ang maraming tao , nakatayo na kasi si shain habang nagsasalita.

My Sister , My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon