MSMR - 13

32 0 0
                                    

Agad na sinundo ni fernan si shaina , para ihatid ito sa trabaho , idinadaan niya na lang si shaina sa trabaho bago siya pumasok sa sarili nitong trabaho.

Sa tuwing nakikita ko , kung paano niya alagaan ang kapatid ko , di na ako natatakot na baka saktan niya lang si shaina , nararamdaman ko , na kahit papa-ano unti unti niyang sinasanay ang sarili na mahalin si shaina. Mahirap ito , pero pilit nyang kinakaya, para lang mapatunayan na mahal niya ako"

Nang mga sumunod na linggo , normal na ang aking pag-iisip , di na katulad noon , na halos , di ako makapag-concentrate sa mga ginagawa ko , dahil sa sobrang kakaisip .

Ilang buwan pa ang lumipas at isang pangyayari ang bumulabog sa buhay namin ni shaina.

Nasa park kaming 2 noon para mamasyal, nang biglang lumuhod si fernan at naglabas ng singsing , napakaganda ng singsing , halatang mamahalin ito , malaki ang bato na nakapatong dito at ginto ang bilog na nagsisilbing katawan ng singsing.

"Shaina, will you marry me?"

nakita ko ang galak sa mukha ng aking kapatid na agad namang tumingin sa akin , tinatanong kung maari na ba niyang pakasalan si fernan, maraming  ang pumasok sa isipan ko noon , Tama ba na hayaan kong pakasalan ni shaina si fernan? , tama bang lokohin namin ni fernan habang buhay ang kapatid ko? , tama ba na hayaan kong mapahamak ang kapatid ko sa pagpili ng maling desisyon?

tanging ngiti lang ang nasabi ko kay shaina

"OO fernan , papakasal ako sayo , mahal na mahal kita! , sobrang mahal kita!"

Niyakap ni fernan at shaina ang isa't isa , tumingin sa akin si fernan at nakita ko ang luha na tumulo mula sa kanyang di maipaliwanag na mata. Napaiyak ako , napaiyak ako na di ko alam kung bakit. Basta ang alam ko , mawawalay na si shaina sa akin, bubuo na siya ng pamilya. iiwan niya na ako

"oh ate bakit ka umiiyak, ikaw rin fernan?"

tanong na ikinaalarma namin ni fernan 

pero parehas lang kami ng sagot

"Masaya lang ako sa mga nangyayari, di ko kasi inaasahang mangyayari ito"

My Sister , My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon