Masayang idinaos ng bawat pamilya ang reception , maraming tao . Umabot ng 500 pataas ang bisita. Maganda naman ang resulta ng cake , natikman na rin kasi ni shaina . Tuwang tuwa siya . Pinakilala niya ako sa lahat ng bisita , inakbayan niya ako at pinagmalaki na ako ang gumawa ng cake , nagpalakpakan ang mga tao.
pero naisip ko , "Paano kung malaman niya ang totoong nararamdaman namin ni fernan" panigurado kamumuhian niya ako , masisira ang lahat ng plano niya sa buhay.
Habang kumakain ang mga tao , naglakad lakad ako , meron kasing malaking garden , sa gilid ng event area. Medyo tinagalan ko kasi wala ako sa mood makipag-usap kahit kanino. Nagulat ako dahil biglang may humawak ng braso ko , si papa , agad niya akong kinausap.
"Anak , may problema ka ba ?"
"Po? , wala po pa."
"Wag mong itago yan , walang lihim ang hindi nabubunyag"
Nagulat ako sa sinabi ni papa , parang may alam siya. Kahit pala malayo sila sa amin ng matagal na panahon , kilala pa rin niya ako. lalo na kung paano ako mag-isip, muling bumugso ang aking nararamdaman. parang akong bulkan na sasabog. Niyakap ko si papa , at umiyak.
"Iiyak mo lang yan , di rin maganda ang nagkikimkim, mabigat sa pakiramdam"
Pagkatapos kong umiyak , bumalik na rin kami sa reception, kumain kami ng sama sama , masayang masaya ang mga magulang ko si shaina at si , Fernan.
Noong mga oras na yun , parang wala na akong nararamdaman pa , mas okay na rin yun , nakakapagod mag-isip. Para akong nabubuhay sa dilim , na pilit hinahanap ang liwanag. Liwanag na magsasalba sa akin sa pagtatago.
ilang araw ang lumipas , pero parang normal lang. Naka-uwi na rin ng states sila mama at papa , si shaina nasa bahay na nila fernan. Pumunta ako sa libingan ni lola , anibersaryo kasi ng pagkamatay niya. Bumili ako ng puting rosas at ilang kandila.
Pagdating ko sa sementeryo , ngiti ang sinalubong ko kay lola , ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari , si lola lang talaga ang kaya kong pagsabihan , sa ngayon.
