MSMR - 11

36 0 0
                                    

"Gusto mo ba talagang malaman kung paano fernan?"

Agad ko siyang tinanong at mariin niya naman itong inalam at tinanong, hinawakan niya ang mga braso ko , at niyakap , tinulak ko siya at sinabing

"Mahalin mo ang kapatid ko , kalimutan mo na ako , siguro sa ganung paraan , malalaman ko na mahal mo rin ako"

Nagulat si fernan sa mga nasabi ko , pero yun ang totoo , paulit-ulit ko lang din sasabihin na ayokong masira ko ang buhay at tiwala sa akin ng kapatid ko ,

"Sigurado ka ba diyan, sa sinabi mo?"

seryoso ang tingin niya sa akin , sinisigurado niya kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari, gusto niya talagang mapatunayan na mahal niya ako

"OO fernan , yun , yun lang ang hiling ko"

"Kung ganun , wala akong magagawa , susubukan kong mahalin ang kapatid mo , sana wag mo pagsisihan ang desisyon mo , binigyan kita ng tyansa mamili muli , pero muli mo rin itong sinayang"

"Wala akong sinayang! , para to sa kapatid ko , para sa kanya ang lahat ng paghihirap ko"

Ginulantang kami ng pagbukas ng pinto , pumasok si shaina ng nakangiti , nakita niya kami ni fernan na tila dismayado sa isa't isa

"Ate ? anong nangyare , amy pinagtatalunan ba kayo ni fernan? , Babe? may problema ba?"

Agad akong ngumiti at sinabi kay shaina na maliit na bagay lamang iyon , humingi ako ng sorry kay fernan at tinapos ni fernan ang paguusap namin ng sinabi niyang 

":Mahal , , uuwi na ako at bukas may pupuntahan tayo kasama ang ate mo"

nagulat ako , wala akong alam na lugar na pwede naming puntahan?

My Sister , My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon