MSMR - 5

45 0 0
                                    

Sa tuwing makikita ko ang saya sa mga mata ni Shaina , parang di na rin masama ang payagan ko siya na makipag-relasyon kay fernan , pero lagi ko paring isinasa-isip ang mga huling kataga na binitawan ni fernan "IKAW ANG GUSTO KO" , 

Aminado ako na kahit papa-ano , may konti akong nararamdaman para sa gagong yun. Pero sa tuwing iisipin ko na gusto ko siya , paano na lang ang kapatid ko? , anong mararamdaman niya. 

Kung ilulugar ko ang sarili ko sa posisyon niya , baka siguro . Makalimutan kong may kapatid ako.

 minamahal? 

"Ate !!! andito na ako!" narinig ko na ang boses niya ,ang boses ng nakakabata kong kapatid. naka-uwi na siya galing sa date nila ni fernan. Masayang masaya ang mga mata niya, 

Nitong mga nakaraang araw, iba na rin ang kinikilos niya, nag-aaral siyang mabuti ,nagiging masipag siya sa mga gawaing bahay. Masaya ako bilang kapatid sa mga pagbabagong ito , oh! ambait ko nuh. Pero seryoso, 

"magandang hapon" , bati mula sa labas, narinig ko ang isang boses na di ko malimutan , boses na nabwibwisit ako , sa tuwing naririnig ko. Ewan ko ba, Si Fernan dumalaw na naman. Dalaw siya ng dalaw araw araw. Kung anu-ano ang dala niya, prutas, tsokolate, bulaklak. Talo pa naming magkapatid ang namalengke sa dami. 

Pero masaya naman kami sa aming mga natatanggap, pero sa nararamdaman naming tatlo, mukhang hindi.

Malaking kasalanan ang gagawin ko, kung mamahalin ko siya. 

"Pasok ka, andito si shaina"

hindi ko pinapahalata sa kanilang dalawa na naiilang ako, dahil na rin sa pag-iingat kong di mapansin ni shaina.

"Halika rito! na miss kita honey"

nagulat ako sa sinabi ni shaina, wala akong ka-alam alam sila na pala. Pero parang selos ang bumalot sa akin, talo ko pa ang asawa na nakatuklas ng pambababae ng asawa. 

"kayo na?" , yan ang tanong ko sa aking kapatid, biglang lumapit si shaina sa akin at hinawakan ang aking kamay, pinakilala niya na sa akin si fernan "Ate , siya si fernan, ang boyfriend ko

Imbes na matuwa , iba ang naramdaman ko , tumahimik na lang ako at umalis

Nagulat ang aking kapatid sa aking inasal, pero inen-tertain niya na lang si fernan at pinabayaan na lang ako na umakyat.

My Sister , My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon