"I MISS YOU"

39 4 2
                                    

POV:Chrisnite

pagdating ko ng bahay, Teka bakit nakabukas ang ilaw? 

"Bye wifey" kanina niya pa ako tinatawag na wifey. Aksidente ko lang naman na natawag siyang hubby eh. Ewan ko nga kung paano ko siya natawag na ganun 

"May tao na pala sa bahay ninyo eh"  napataka ako sa kanya 

"Oh! I remember" pagkuha ko ng cellphone ko "13 missed calls!" tsk sabi kasi ni daddy bukas niya pa ako dadalawin eh.

"Bakit?" tumingin ako sa kanya

"Kanina pa pala nila ako hinihintay" parang naging matamlay siya ngayon ah. "wag mong kakalimutan ang mga rules ah"

"Oo na" kinindatan niya ako bago siya umalis

"Ito na naman sila, Sigurado akong may ka blind date na naman ako bukas or ngayon" ewan ko ba dito.

Pumasok na ako ng bahay

"OH MY HIJA!" si mom OA na naman

"Anak okay ka lang ba?" pati si daddy nahawaan na din ni mom

"Okay lang ako"  umupo ako

"Anak bukas may papakilala kami sayo" sabi ko na nga ba eh

"Anak super gwapo niya... kikiligin ka talaga sa kanya" hay naku mom.. nandyan naman si dad oh

"Edi sayo na" pabulong ko sa hangin

Pumunta kami sa dinner room

"Ang tagal ni Prince ah" speaking of kuya Prince... LAGOT! kailangan ko ang cellphone ko. Kinuha ko ang bag ko ng palihim at kinapa kapa ko ang loob ng bag ko. Ayun! sakto nahahawakan ko na.

Nagrereklamo na ang Cellphone ko, Sobrang lowbat na talaga. Kailangan kong magmadali

TO: kuya Prince

Kuya wag mong sasabihin kay mom and dad ang tungkol sa relationship namin ni Asmodeus

Sending...

Sending...

ang bagal naman "EHEM! no cellphone please" nakatingin silang dalawa. Tumunog ang pintuan.

"Oh my son! Let's eat together?"

*KRINGGG! ring tone ni kuya 

muka na receive niya na

Tumungin siya sa CP niya tapos tumingin sakin "Let's eat na?"

"WAIT!"

"Let's pray first"

pagkatapos naming kumain ay nagsipuntahan na kami ni kuya sa kwarto namin

From : Hubby

WIFEY! YOU NEED TO EAT EARLY! 

To : Me

Oo na boss

From: Hubby 

Don't call me boss nga 

To : Me 

Okay Sir

nag ring ang phone ko 

Hubby is calling...

"Hello?" kumakain ako habang nag lalaptop

"Wifey, Don't forget to drink your medicine ah"  sus yan lang pala ang sasabihin niya

"Oo na hubby" 

"Wifey pwede ka bang pumunta sa 3rd floor, terris niyo?" siguro nandoon siya 

"Wait.. papunta na ako" pagpunta ko.. 

"Maganda ang view noh?" oo yung mga stars ang ganda talaga "Pero mas maganda ka pa diyan wifey" kinilig naman ako 

"Korny mo hubby" pero deep inside... Hahaha! gusto kong tumawa ng malakas

"Korny pero nakangiti ka" teka paano niya alam?

"Haha may camera ka siguro noh? tapos inoobserbahan mo ako dito" hihi! Ang sweet niya naman 

"Wala noh, Kasi nandito ako sa likod mo" tatalikod dapat ako kaso biglang may yumakap sakin 

"Kahit nilalamig ka, nandito ako para yakapin ka" ang boses na iyon... Oo si hubby ko nga 

"Teka paanong--" ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko "Shh.. hindi kasi ako makatulog eh" napangiti ako sa kanya 

"Na mimiss na agad kita" niyakap ni pa ako ng mahigpit  "Kahit hindi tayo tunay na mag syota, pakiramdam ko magsyota na talaga tayo" oo ganun din ang nararamdaman ko 

hinalikan niya ako sa pisngi "I miss you.." bakit parang iba ang halik na iyon? parang bumilis ang tibok ng puso ko? 

"I miss you" hinalikan niya ulit ako.. Bakit ngayon ko lang ito naramdaman? 

binaba niya ang dalawang kamay niya sa waist ko. Para kaming sumasabay sa malakas na hangin. 

Pinaharap niya ako sa kanya "Aalis na ako..." teka wag muna. Gusto ko pang may yumayakap sakin. 

"Ito para sayo" may binigay siya sa akin na isang box namay ribbon atsaka isang rose sa harap nito

"Para saan?" tumalikod siya at bumaba 

baka malaglag siya... 

"May kausap kaba diyan?" papunta si kuya, itinago ko ang gift sa isang upuan na may damit 

"Huh? wa..wala ah.. Ikaw kaya ang kausap ko" whoo! ang galing ko noh?

"Bilisan mo, matulog kana" 

"Sige susunod na ako" umalis na siya

tinignan ko ang baba ng terris pero wala na siya "Ang bilis niya talaga"

kinuha ko ang gift, pumunta ako sa baba at pumasok sa kwarto

"Kailangan ko pa kaya ng permisyo bago ko ito buksan?"

Hay naku... Hirap talaga kapag ang boyfriend mo ang batas. 

Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon