Revealing

51 2 0
                                        

"Sino ba si Asmudeus" niyakap ako ni Gerald pero nilayo ko siya. "Sino siya!" tumingin siya sa akin, lumuha siya pero hindi ko iyon pinansin "GERALD... Please..." pinunasan niya ang luha niya 

"Kapag sinabi ko ba sayo hindi mo ako iiwan?" hindi ako pwedeng sumagot sa isang tanong na hindi ko kayang panindigan "Oo! hindi ako ang dapat na nandito! Kundi si Asmudeus! Siya ang dati mong mahal!" yumakap siya sa akin "At hanggang ngayon kahit ang lapit ko sayo... Alam kong mahal mo pa din siya"

lumayo ako sa kanya at humakbang paatras "KAILANGAN KO SIYANG MAKITA" hindi siya sumasagot "BAKIT?!" nag aalinlangan ang muka niya 

"I'm sad to say this pero nasa hospital siya ngayon" biglang sumakit ang lalamunan at puso ko. Parang may isang taong pumipigil sa akin paghinga. Lumuha ako pero pinunasan ko ito ng mabilis. "Mamamatay na siya kaya pwede ba!" lumapit ako sa kanya at sinampal ko siya ng malakas

"NAPAKA SELFISH MO! WALA KANG AWA SA KANYA!"

"CHRISNITE! GERALD" napatingin ako.

"Zrikia?!"

lumapit siya sa aming dalawa "Pwede ko ba siyang makausap?" tumungo ako at umalis na. Hahanapin ko siya. Kahit saang hospital pa iyan!

POV: ZRIKIA

"Zrikia anong ginagawa mo dito?" oo si Gerald! siya ang nagmahal at ngayon ay ang nananakit sa puso ko

"Bakit mo tinatanong Gerald?" napakagat ako ng labi sabay sampal sa kanya "KULANG PA ANG SAMPAL NA YAN! SA LAHAT NG PANANAKIT MO DITO!" tinuro ko ang puso ko

"DI BA MAHAL MO AKO?! PERO NGAYON SINASAKSAK MO ANG PUSO KO!" kinuha niya ang kamay ko pero agad ko itong kinuha mula sa kamay niya. "At ngayon sasaktan mo na naman ako?" sobrang sakit ng ginawa niya. Ang dami kong pinagpalit para sa kanya. "Alam mo ba ang pakiramdam na iniwan at sinaktan?" hinampas ko ang dibdib niya

"ALAM MO BA ANG PAKIRAMDAM?!" pinigilan niya ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko

"HINDI NA KITA MAHAL ZRIKIA! SI CHRISNITE NA ANG NASA PUSO KO! AT IKAKASAL NA KAMI" natakip ako ng bibig, nabingi ang mga tenga ko at umagos ang mga luha ko

"Mahal mo ba talaga siya?" pinigilan ko ang pag agos ng luha ko pero hindi! hindi ko siya dapat minahal!

"OO! AT HINDI NA KITA MAHAL!" bumagsak ako sa sobrang gulat. Dinaanan niya lang ako at umalis na. Hindi ko na dapat siya minahal!

SOBRANG SAKIT!

SOBRANG SAKIT!

napahawak ako sa dibdib ko. WALA AKONG MAGAGAWA! Kailangan ko itong tanggapin.

POV: CHRISNITE

kailangan ko siya mahanap!

"Asmudeus po ang name niya" naka tatlong hospital na ako pero wala pa din siya

"Ma'am room 306 po" nagmadali akong pumunta sa room 306

Mabagal kong binuksan ang pintuan "Asmudeus? Hubby?" nagmadali akong pumasok at isinara ang pintuan.  

"Wifey na nanaginip na naman ba ako?" umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang isang kamay niya 

"Hubby? I'm so sorry kung nawala ang ala-ala ko at ngayon ko lang naalala na may ganitong lalaki pala na nagmahal sa akin"  nakapikit siya pero nagsasalita siya. 

"Wifey..Mahal na mahal kita" napahawak ako sa bibig ko. Ayokong marinig niya akong umiiyak. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya "Mahal na mahal kita" niyakap ko siya pero hindi ko hinigpitan dahil alam kong masakit pa ang katawan niya

"Hubby mahal din kita... Mahal na mahal" hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit "Di ba walang bibitaw?" tanong ko sa kanya. Ito kasi ang isa sa naaalala kong panaginip. 

"Salamat at naaalala mo pa din" tumigil na ako sa pag iyak. "Matutulog na ako wifey... bantayan mo ako..." tumungo lang ako at hinawakan ko ulit ang kamay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Dec 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon