<House for sale>

19 2 0
                                    

dinilat ko ang mga mata ko. ang kalat ng kwarto ko. Ang mga unan ay nakakalat tapos yung mga gamit ko ay nagkalat din. Yung mga pinapili namin ay nasa lapag. Tumingin naman ako sa gilid. 

"Yuck!" bigla akong natapat sa paa ni Zrikia. Inilayo ko agad ito

*Kring

lumapit ako sa lamesita at kinuha ang cellphone ko 

"Hello?" 

*Kring! 

inilayo ko ang cellphone ko, ang lakas naman kasi ng ringtone. Tulog pa talaga ang utak ko, hindi ko pa kasi nasasagot yung call tapos ng 'Hello' agad ako

Pinindot ko ang accept

"Hello?" 

"Baby.. papunta na kami diyan"  nanlaki ang mga mata ko. Ang kalat ng kwarto ko. Ang dami pang kanin na nakakalat sa carpet. Maipapautos ko naman ito pero baka hindi na ako umabot at makita pa ng parents ko ang pinag gagawa ko sa buhay ko. 

"Mom wag nalang kaya?"  napakamot ako ng ulo ko "Mom kasi diba?... Ahm"

"Tsk.tsk.tsk baka may tinatago kang lalake diyan ah" nagulat naman ako sa sinabi niya

"Mom hin--"

 "You don't need to complain, sige ikaw nalang pala ang mag hanap ng bahay natin ngayon kasi may lakad kami ng daddy mo" hay naku! buti nalang at nasalba ako ni daddy. Kung hindi 'IM DEAD'

end~~~

hindi ko talaga magising itong mga ito. Tulog talaga sila, kaya ako nalang ang hahanap ng bahay namin. 

Nag shower ako at nagbihis ng maayos. Bumaba ako ng condo gamit ang elevator tapos sumakay sa sasakyan ko. Hinintay ko saglit ang driver ko ng ilang minuto ang driver.

Nagikot kami sa isang Village pero wala akong magustuhan. Pumunta naman kami sa isa pang Village. Umikot kami dito. May isa akong napansin na bahay. Hindi man ganun kabago ang kulay pero bigla nalang kusang pinahinto ko ang driver. Bumaba ang agent na kasama ko. 

"Yes ma'am?" 

****

Pumasok ako sa loob ng bahay. "Ma'am nagustuhan niyo po ba itong bahay?" inikot ko ang bahay. 

lima ang kwarto dito at meron pa itong taas. Open area ang rooftop. "WHAA!" nagulat ako nang tumila ang agent at nawalan ng malay. Tumingin ako sa gilid at nakita ko ang isang lalake. Hindi ako natakot sa kanya kahit na parang ang dungis niya. Nakayakap siya sa tuhod niya at nakayuko.

"Okay kalang ba?" bigla siyang tumayo at ngumiti sa akin. Ang puti ng muka niya, ang itim ng buhok niya, kahit hindi maayos ang pananamit niya, parang kitang-kita parin ang kagwapuhan niya.

"Chrisnite? Wifey?"  kilala niya ako. Papalapit siya sa akin pero paatras ako ng paatras. 

"Sino ka?" bakit lumalapit na naman ako sa kanya. "Hubby" biglang lumabas sa bibig ko ang salitang iyan

"Wifey" biglang dumilim ang paligid ko at parang naging gabi ang umaga. May yumakap mula sa likod ko 

"Teka paanong--" ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko "Shh.. hindi kasi ako makatulog eh" napangiti ako sa kanya 

"Na mimiss na agad kita" niyakap ni pa ako ng mahigpit  "Kahit hindi tayo tunay na mag syota, pakiramdam ko magsyota na talaga tayo"  

hinalikan niya ako sa pisngi "I miss you.." 

"I miss you" hinalikan niya ulit ako.

binaba niya ang dalawang kamay niya sa waist ko. Para kaming sumasabay sa malakas na hangin. 

Pinaharap niya ako sa kanya "Aalis na ako..."  

"Ito para sayo" may binigay siya sa akin na isang box namay ribbon atsaka isang rose sa harap nito

"Para saan?" tumalikod siya at bumaba 

bigla siyang nawala. Kahit anong ikot ko sa rooftop na ito, ay wala padin siya. Pinikit ko ang mga mata ko, at pagdilat ko, ay nakita ko ang isang lalaki na nakaupo.

"Kilala ba kita?" susuntukin ko dapat siya pero bigla niyang hinawakan ang kamao ko. Napunta ako sa isang paaralan na pinalilibutan ng mga estudyante.

"Ikaw kilala ba kita?" nanghina ang mga mata ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Napakagat ako sa labi ko at napa iyak. 

Sino ba siya? bakit ako naiiyak ng ganito? Bakit sumikip ang dibdib ko na parang hindi ko kinakayang huminga. "Miss na miss na kita" napaupo siya.  

"Ma'am nandito na po tayo sa bahay" panaginip lang pala. naglalaway ba ako? bakit parang galing ito sa mga mata ko?

"Ma'am umiiyak ka po ba?" pinunasan ko lang ito at kunyareng nag uunat. "Hahay.. nakaka antok talaga"

ano kaya ang ibig sabihin ng mga iyon?

Hindi kaya..... 

Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon