POV: Chrisnite
Pagkagising ko ng umaga..
nakita ko agad sa gilid ng higaan ko ang box na binigay sakin ni hubby. Isang box na hindi ko pa alam ang laman. Hinawakan ko ang pisngi ko kung saan niya ako hinalikan. Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako. Tumingin ako sa salamin, parang hindi ako napuyat, parang hindi ako haggard, at parang dumadalas na ang pag ngiti ko sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari.
Ngayon lang ako gumising na hindi nakasimangot. Niyayakap ko ang sarili ko kagaya ng pagyakap niya sakin kagabi.
Naligo agad ako dahil alam kong susunduin niya ako. Nagbihis ako ng PE uniform dahil may practice kami ngayon. Na miss ko na ang mga best friends ko.
*Beep
Ayan na siya. Bumaba agad ako. "Mom and dad.. Kuya! aalis na po ako" hindi ko na sila pinansin, hindi muna ako kakain. Siguro sa school nalang ako kakain, para hindi ko na paghintayin si hubby.
Nakasandal siya ngayon sa sasakyan "Bago?" tanong ko, kasi kahapon puti yung kotse niya, tapos ngayon pula naman? "Oo" ngumisi siya
Aba! mukang maganda din ang gising niya ngayon ah?
"Pasok na sa bago kong kotse" pinagdiinan niya pa talaga yung saling BAGO
****
Tsk! ang traffic, baka hindi na ako makapag almusal nito "Nabuksan mo na yung regalo ko?" nakatingin siya sa traffic light, parang pati siya naiinip narin.
"Ah.. hindi pa eh" nilabas ko ang regalo niya mula sa shoulder bag ko "huh? bakit naman?" hinawi ko muna ang buhok na tumatakip sa muka ko
"Ah.. diba sa rule mo bawal ko gawin ang isang mahalagang bagay hangga't wala akong permission galing sa'yo?" ngumiti siya tska ginulo gulo ang buhok
"Hhaha! oo nga pala! ABA! ang bait na ng wifey ko ah" napangiti ako ng sobra
"Syempre mabait ka sakin eh" yumuko lang ako at pinipigilan kong ngumiti
"Buksan mo na kaya?" galaw galaw naman Chrisnite. Bilis gumalaw kana.
pagkabukas ko "Oh my Gosh!" natuwa ako sa nakita ko.. kwintas.. Nasikatan pa ito ng araw kaya kumikinang sa sobrang ganda.
"HAHA nagustuhan mo ba?" magsasabi ba ako nun kung hindi ko gusto?
"Oo ang ganda... Sobrang ganda" ano kayang itsura ko ngayon? Nakakahiya nga ba?
huminto kami, nandito na pala kami sa school?
"Akin na" binigay ko sa kanya ang kwintas. "Mas maganda kung ako ang maglalagay" tumalikod ako sa kanya pero pinigilan niya ako "Wag kanang tumalikod" habang isinusuot niya sakin ang kwintas na may nakalagay na Chrismudeus. Ang lapit na naman niya. Hanggang sa nakaharap na siya sakin.
Nakatulala kaming dalawa. Parehas ba kaming hindi makagalaw?
"I love you" pagkasabi niya niyan, bigla niya ang hinalikan.. Naka pikit siya, kay pumikit din ako. Sobrang sarap ng paghalik niya. Nararamdaman ko ang pagkacomportable ko sa kanya. He gently put his hand on my cheeks, pagkatapos ay inilagay niya ito sa likod ng leeg ko.
Inilayo niya ang labi niya... Lumayo ang muka niya "I Love you" sabi niya sakin, pero ano ba ang nangyayari sakin? Bakit ako nahihiya?
"Wag ka ngang ganyan sakin" mag iba ka ng topic Chrisnite! ISIP! ISIP!
"Ahmm.. buti pala hindi tayo na huli" yan ang biglang lumabas sa bibig ko
"Mahuhuli ang ginagawa natin? Kaya kaba nahihiya?" kamot ulo ako dun ah
"Ahmm. hindi...yung ano.." mag isip ka nga Chrisnite "Mahuli, kasi diba student license palang ang dala mo.. Tapos wala kapang professional driver na kasama, Atsaka nasan ba si Mang?" oh see? ang galing ko talaga
"Ah.. oo nga kasi alam kong mangyayari ito kaya hindi ko muna siya pinasama pero papunta na yon. Para mamaya ihatid kita"
"Nag almusal kana ba?" tanong niya sa akin. Hindi pa nga eh libre mo nga ako hubby
"Ah oo nag almusal na ako" sarcastic kong sinabi
"Ah... are you sure?" tumungo ako
Bigla niyang pinisil ang ilong ko "Sinungaling.." hindi naman obvious ang pagsisinungaling ko
***
Nandito kami ngayon sa canteen
"Anong order mo?" tanong niya sa akin "Ah.. eh.. Bread lang" paborito ko yan eh "Tsk! Ahm.. two Beef steak nga" hala hindi naman iyon ang order ko eh
pag upo naming dalawa "Bakit mo inorder itong Beef steak? Sabi ko kaya bread lang" tinanggal niya lang ang tray hindi ako pinansin "Huy!"
"Tsk! kumain ka na nga diyan ayoko ng hindi malakas kumain" magkakafats ako nito eh
"By the way, paano mo nga pala na nagsisinungaling lang ako kanina?" yan na naman ang ngiti niyang nakakapagpahinto ng mundo ko
"Ah yun ba? Simple lang, Sa mga mata mo" ang tipid naman ng sagot niya "Sa mga mata mong iyan, alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi" akala ko naman wala siyang mood sakin
***
"BRAD!" pagtingin ko sa likod. Magkakasama sina Zrikia, Marzi at Cherry
"Oh kamusta na mga brad" sagot ko
"Tsk! Bakit ba lagi kayong magkasama ni White Devil?" takteng tanong ni Cherry na yan
"Oo nga noh" yan tuloy sinundan ni Marzi
"Basta mahabang kwento" umupo muna kami sa table

BINABASA MO ANG
Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]
Teen FictionPano kung ang isang babae BOYISH ay mainlove sa isang romantic guy ? "ANG DREAMBOY KO AY BAD BOY!" yan ang dream boy ni Chrisnite pero pano kung ang tadhana mismo ang magbigay daan para paglapitin ang isang mabangis na LEON sa TUPA? ikaw? anong sati...