Paano ba ako makakalimot sa lahat kong kasalanan,katangahan at problema sa buhay?
"Hi" napatingin ako sa gilid ko
"Ahmm.. Hi David?" sinandal niya ang likod niya sa pader
"Alone?" sa tuwing naririnig ko ang salitang 'Alone' naririndi talaga ako "Sorry" bigla na naman akong nalungkot
"Ah David?" hindi ako tumitingin sa kanya pero alam kong nakatingin siya sa akin ngayon. Lumapit siya ng kaunti sa akin at sumipol ng mahina. "Paano ba matatanggal ang problema ko? kahit kaunting sandali lang" nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Punta tayong bar" BAR? BARD?! BAR?!! kailanman hindi ko pa inisip na pumunta sa lugar na 'yon
"Wag na siguro" hinila niya ako, pero pinipigilan ko siya
"Wifey naman eh" nakita kong naghaharutan ang dalawang galunggong sa harapan ko. Hinawakan ko ang kamay ni David at ipinatong ito sa balikat ko. Nagkasalubong kaming apat
"Oops? kakabreak lang, tapos nakahanap agad ng bago?" asar talaga itong bubuyog na ito. umiwas ako ng tingin ko
"Babe tara na nga" PATAY KA TALAGA SA AKIN DAVID! SINONG BABE HUH? tinanggal ni Asmudeus ang pagkakayakap niya kay bubuyog. Sinamaan ko lang siya ng tingin. EYE-TO-EYE CONTACT!
"Let's go na babe" nilandian ko talaga ang pagkakasabi ko. Lalong hinigpitan ni David ang pakakahawak niya sa balikat ko. Imbis na dumaan kami sa gilid nila, ay pinilit kong dumaan sa gitna nila para mapaghiwalay silang dalawa.
"EHEM! BABE I'M SO EXCITED!" nagparinig nga ako sa kanilang dalawa
"Wifey. Are you ready? Baka kasi hindi ka pa ready eh" napahinto ako sa sinabi niya. Saan sila pupunta ngayon?
"Masakit yon pero pagtumagal ay mawawala din ang sakit" napalunok ako. Anong gagawin nilang dalawa?
Babalik sana ako pero biglang hinagip ni David ang balikat ko "Wag mo silang abalahin" seriously? Am I doing wrong?
Wrong Move ata itong ginagawa ko eh.
Nandito kami ngayon sa Ice cream shop. Sorry kung hindi ko alam ang pangalan ng Ice cream shop na ito, Kasi naman hindi ko na napansin sa sobrang kakaisip sa mga problema ko.
"AT ALAM MO BA ANG MAS MASAKIT?!" napapaluha ako
"YUNG MAKITA KO SILANG MAGKASAMA AT WALANG GINAWA KUNDI MAGKULITAN" oo tama! masakit mang isipin ang mga nangyayari pero mas masakit kung hindi mo ito sasabihin.
"WALA AKONG MAGAWA KUNDI UMASA SA WALA!" UMAASA SA WALANG PAG ASA!
"Hoy! relate na relate kaba sa teleserye?" ito na nga at parang naiiyak na ako diba
"Heh! tumigil ka nga" lumapit siya sa counter at biglang
*BLACK!
What? wala na ang pinapanuod ko?
"Thank you" sabi niya sa lalaking na sa counter "Kuya penge naman akong number mo" ay mali! sa bakla pala
***
dumating na ang gabing inaabangan ko. "YEAH RIGHT?" tawa parin siya ng tawa.
"Hoy tumigil ka na nga sa kakatawa, Parang simpleng joke lang eh.." hindi pa rin siya tumitigil
hanggang sa
"AW!" muntik pa kaming mabunggo sa track
"Sorry" baliw naman kasi eh.
nandito na kami sa bar
"Grabe ang ingay naman dito" may nagsasayawan sa papatay-bukas na ilaw. May umiinom naman. SHAKS! may nagkhahalikan pa sa gilid ng pintuan
"Dito na tayo sa room" pagbukas namin ng room
"HUY!" biglang nagulat ang lalaki at lumayo sa babae "SORRY PARE!" nag sorry nalang si David at isinara nalang itong muli.
"Dito pala!" binuksan niya ang isang room "Boss nakahanda na po ang lahat" sabi ng isang bouncer
pumasok kami sa loob at nakita ko ang napakadaming alak sa gilid ng lamesa.
"Umupo ka na" hindi ako umiinom, at kahit kailanman ay hinding hindi ako iinom ng alak
"Anong gusto mo?" tanong nito sa akin na may hawak na baso sa kaliwang kamay niya
"Ice Tea lang" kinuha niya ang isang bote na may nakalagay na 'Alcohol Free' syempre kailangang tignan ko yon noh
"Bakit kaba nag iisa kanina?" hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo dahil lalo lang akong masasaktan "Hindi okay lang kahit hindi mo na--"
"Masakit sa akin na biglang iwanan ako ng mga kaibigan ko at sumama sa kaaway ko. Mahirap ding tanggapin na ang taong mahal mo ay kasama ng kaaway mo" nagsimula na akong uminom...
Uminom..
Uminom ng Juice "MASAKIT SA DAMDAMIN KO!" bakit parang ayaw tumulo ng mga luha ko
"JOKE BA YAN? HAHAHAHA" ano bang tingin niya sakin? CLOWN NA NAGPAPATAWA SA KANYA
"UMAYOS KA NGA!" binato ko siya ng takip ng bote, napakamot siya sa muka niya kung saan ko siya natamaan atsaka ngumiti sa akin na parang sinasabing 'Hindi ako nasaktan'
NAKAKAASAR!
nakipagsayaw ako sa lalaking umayaya sa akin. Grabe ang saya naman pala dito! wala akong naiisip kundi sumayaw na parang baliw
WHOO!
Tapos biglang nag iba yung sound at napalitan ito ng wiggle
"Ate tara sayaw pa tayo" ayoko na, naantok na ako. Nakakahilo din pala ang mga ilaw na ito at parang pagod na pagod na talaga ako
"TARA ATE!" pumasok ako sa isang kwarto na hindi ko alam kung anong room no. Bumagsak ako sa isang sofa na malambot
"Hi girl" antok na talaga ako. Parang tinatamad na akong tumayo.
*BLAG!
yan lang ang narinig kong tunog sa pintuan.
"Hubby?"
BINABASA MO ANG
Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]
Teen FictionPano kung ang isang babae BOYISH ay mainlove sa isang romantic guy ? "ANG DREAMBOY KO AY BAD BOY!" yan ang dream boy ni Chrisnite pero pano kung ang tadhana mismo ang magbigay daan para paglapitin ang isang mabangis na LEON sa TUPA? ikaw? anong sati...