<Times Up!>

29 3 1
                                        

POV: Asmudeus

6 o'clock in the morning na pero tulog pa rin siya. Pinagmamasdan ko siya habang natutulog siya. magkahawak ang dalawang kamay niya habang ang ulo niya ay nakadagan dito. Ang talaga niya, para sa akin napaka perpekto niyang babae. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas na magmahal ng ganito at mahalin ng ganito. Hindi ko maisip kung paano niya ako napaamo ng isang leon, Samantalang ako naman ay isang dragon. 

"wifey..." binubulong ko lang. Napangisi ako. Tumitingin ako sa mga mata niyang nakapikit. Para talaga siyang lumiliwanag sa mga mata ko. 

"Hmm.." gumalaw siya at bigla akong niyakap. Ito na naman ang hindi ko maintindihang pakiramdam. Kanina lang ay nilalamig ako, tapos ngayon naman naiinitan ko. Pabago bago ba ang temperature ko? nagpapawis ang mga kamay ko na kailanman ay hindi pa nangyari sa buhay ko.

"I...love..you too hubby" hanggang sa panaginip ba naman wifey ako parin ang iniisip mo? niyakap ko din siya. Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa muka niya. Ang lambot talaga ng buhok niya kaya kapag hinahawi ko ito, ay dumudulas lang at bumabalik ito sa muka niya. Hinawakan ko ang noo niya at pinadulas ko ang kamay ko sa bunbunan niya. Pinapaulit-ulit ko pa ito. 

Nakakarelax, parang araw araw na inaantig ang puso ko. "Wifey gising na" mahina kong sinabi. Nilapit ko pa ang katawan ko sa kanya. "Wifey" mahina ko ulit na sinabi. 

"Hmm?" dumilat siya ng nakangiti. "Hubby?" pumikit ulit siya at ako naman ay bumangon para ipaghanda siya ng pagkain. 

"I love you" mahina niyang sinambit sa akin. Kunyare hindi ko narinig ang sinabi niya. 

Bumaba ako at pumunta sa kusina. Tinignan ko ang refrigerator at puro gulay at karne lang ang nakikita ko.

Nagluto ako ng hindi ko alam na tawag sa pagkaing ito pero ang alam ko ay pinaghirapan ko itong lutuin para sa kanya. Habang pinapakuluan ko pa ang karne, naghanda na agad akong mga plates, water, baso, spoon and fork, and tissue.

"HMMM! Ang bango naman niyan" bumaba na siya at umupo sa sofa. Inilagay ko sa lagayan ang pagkaing niluto ko at inilagay ito sa gitna. Kinuha ko ang kanin at inilagay ito sa isang lalagyanan.

"Gutom ka na ba?" inipitan niya ang buhok niya na parang may siopao sa ulo. Naglagay ako ng upuan sa lamesa para doon siya paupuin. Tumayo siya at pumunta sa kinatatayuan ko. Ang amoy na iyon, ano ba ang gamit niyang pabango? bakit ba adik na adik ako sa amoy na yon? Ang batok niya na maputi at makinis. Hindi ko maiwasang maakit sa balat niya.

Iwinasiwas ko ang ulo ko at ginigising ang sarili 'Aumudeus? tara dito tayo sa kwarto hehehe..' haha! ano ba naman itong iniisip ko? 

"Nakikinig ka ba?" huh? iniusog ko ang upuan at umupo dito. Inayos ko na din ang pagkakaupo ko at kinuha ko ang sandok para paghainan siya. "Wait! sabi ko pray muna" kailangan pa ba yon?

"Wag na! ang arte" nilagyan ko siya ng kanin sa pinggan niya. Napansin kong na nanahimik siya. Tumingin ako sa kanya. Hinawakan niya ang braso ko. Napatigil ako sa oras na ito at napatitig ako sa mga mata niya. Nabitawan ko ang hawak ko. Parang uumiyak ang mga mata niya, Parang may Springkles haha! Hindi ko maintindihan."Pray muna?" kinuha ko agad ang kamay ko at itinago ito sa hita ko.

"ah?" ang tagal na naming magkasama pero ngayong araw lang talaga nangyare sa akin ang ganitong pakiramdam. "Thank for this, Thank for the food, and please blessed the food that you gave. Thank you" dumilat na ako. Kukuhanin niya ang sandok ng pagmamahal. HUH?! PAGMAMAHAL? ANG KORNY! "Let me?" nabitawan niya ito at ako ang nag sandok sa kanya ng pagkain

"Kaunti lang ah" ayoko pa naman ng madalang kumain "Opss! tama na" ang konti naman. Dinagdagan ko pa ito para mabusog siya.

Natapos kaming kumain  at bigla may nag door bell

"Who's that?" nakita ko sa monitor si kuya kaya binuksan ko.

"KUYA?" parang nagmamadali siya, Nakita ko ang mga braders niya sa likod ni kuya

"Asmu! kukuhanin na namin si Chrisnite" Biglang sumakit ang puso ko. Gumilid lang ako sa pintuan at pinadaan sila.

"Teka? bakit kayo nandito?"

POV: Chrisnite

"Teka? bakit kayo nandito?" ang mga braders ko nasa likod ni Gerald.

"Chrisnite ito na ang oras para umalis ka" nanamlay ang katawan ko. hindi ako makatayo mula sa kinatatayuan ko. Sumasakit ang damdamin ko at parang may humihili sa kaluluwa ko. "HINDI! HINDI AKO AALIS!"  hinawakan ni Gerald ang kamay ko pero kinuha ko ito agad.

"KAILANMAN! HINDI KO IIWAN ANG HUBBY! HINDING-HINDI KO BIBITAWAN ANG KAMAY NIYA!" pumunta ako kay Hubby at hinawakan ko siya ng mahigpit. "Wifey.. You need to go with them"  nawalan ako ng pag asa at parang nanginig ang mga tuhod ko.Nanginginig ang bibig ko kaya Hinawakan ko ito. "hindi ko kaya Hubby" hinawakan ako ng Cherry at Marzi

"BITAWAN NIYO NGA AKO!" pero ayaw pa din nila. Napatigil ako ng makita ko si Marzi na lumuluha "Please... please tama na Chrisnite" napaiyak ako ng makita kong tumalikod si Hubby at binitawan ang kamay ko

"Asmu! aalis na kami" parang hindi niya lang kami narinig. Habang sumasara ang pintuan ay nakita ko siyang nag out of balance

"HUBBY!" sumenyas siya na okay lang siya habang nakatalikod "Tara na" ang hubby ko na matagal kong minahal ay iiwanan ko dahil sa kagustuhan ng pamilya ko. Dahil sa engagement! ENGAGEMENT!

Pumunta kami sa isang malaking bahay at sumalubong doon si mom and dad. "Baby ayos ka lang?" inilagay niya ang kamay niya sa balikat ko, na agad ko namang tinanggal. "Leave me alone"  pumasok ako sa isang kwarto at umupo ako sa isang kama.

"Baby.." binuksan niya ang pintuan "Eat ka muna" lumapit siya sa akin "ilayo mo yan"  tumalikod ako sa kanya. "Baby kailangan mong magpalakas para sa flight tomorrow" sumarado ang pintuan. 

"NOO!" binasag ko ang isang platito. AYOKONG MAWALAY SIYA SA AKIN! hinagis ko ang lahat ng unan palayo sa akin. "WHAAAA!" hindi ko mapigilang umiyak ng malakas at sumigaw ng malakas. Sobrang sakit! Hindi ko siya iiwanan! kahit anong mangyari. Hinahagis ko ang lahat ng bagay na makita ko sa tabi ko. Hindi ko kayang mawalay sa tabi niya! Hindi ko kakayanin na mawala siya! ikamamatay ko ang ano mang bagay na ikasasakit niya.

"AYOKO!" bumuhos ang luha ko. Niyakap ko ang tuhod ko at doon umiyak. MAHAL NA MAHAL KITA HUBBY! 

Pumasok si daddy sa kwarto ko "Baby what happened?" nanginginig akong tumingin sa kanya "Dad.. ibalik mo si Hubby" hinang hina kong sinabi sa kanya "Baby, hindi pwede" nakita ko si mom sa likod ni dad "BAKIT HINDE!" Bigla akong sinampal ni dad, napahawak ako sa pisngi ko. 

"Baby, I'm sorry" sobrang sakit, para atang dumudugo ang pisngi ko. Pero mas masakit ang mawalay sa Hubby ko. 

"SORRY?! YAN BA ANG MASASABI NIYO SA AKIN? KUNG INIISIP NIYO NA MAGAGAYA AKO SA LOVE STORY NINYO! PWES! HINDI YON MAGKAKATOTOO! kailan man hindi ko magugustuhan si Gerald! dahil ang tanging laman ng puso't isip ko ay si ASMUDEUS!" kinuha ko ang kapirasong bubog sa lapag "BABY! DON'T DO THAT!"

" KUNG IKAMAMATAY KO NA MAWALA SIYA SA BUHAY KO! PWES! NGAYON PALANG MAGPAPAKAMATAY NA AKO" may pumigil sa kamay ko na laslasin ang pulso ko "Wifey..don't do that" nabitawan ko ang hawak kong bubog "mamamatay ako kapag nawala ka sa mundong ito" nananaginip ba ako? nanlalabo ang paningin ko

"GET OUT!" lumabas ang parents ko at pumasok si Marzi "Chrisnite! nakakainis ka!" napatingin ako sa kanya "Iniisip mo lang palagi ang ikakaligaya mo, hindi mo naisip na hindi lang naman si Asmudeus ang nagmamahal sayo" napaiyak ako sa sinabi niya. Umupo siya sa tabi ko "Kahit anong mangyare Chrisnite nandito lang kami para sa iyo" niyakap niya ako "Marzi! wala na! wala ng pag asa" Umiyak ako ng umiyak sa kanya.

Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon