<Trip Lang>

19 2 0
                                    

"Sino ba talaga siya?" sama-sama kaming naglalakad dito sa mall. Nagkakamangha din, dahil sabay-sabay ang paglakad namin. Kumakain kami ng ice cream sa isang cup. Ang cheap pero ang sarap talaga.

"Brad siya ang boyfriend mo" biglang nalaglag ang kinakain ko at naubo ko. 

"Brad! sayang naman yung Ice cream" sabi nitong si Cherry. Hinahawakan ni Zrikia ang likod ko at hinihimas ito. 

"Okay kana ba?" tanong ni Zrikia. Grabe ang ganda din nitong babaeng ito, tapos ang bait pa.Para siyang anghel sa sobrang puti. Ang amo ng muka tapos ang liit ng ilong. "Ah oo" sagot ko. 

Umupo kami sa bench "Pagod talaga" hinintay namin si Cherry bago kami magkwentuhan. Napanganga ako sa laki ng dibdib niya. Opps! may nakabangga siya lalaki pero hindi naman siya natumba. Mukang nag sorry ang lalaki sa kanya. Nginitian lang ni Cherry tapos ngumiti na parang aso. Ang laki pala ng pwetan niya? humarap siya at biglang nagbago ang image niya. Kanina nang nakaharap siya sa lalake ay nakangiti tapos ngayon pagharap sa amin ay nakakatakot ang muka, para bang demonyo na ngumingiti. Napatingin kami sa babae, na mukang girlfriend ng lalake na nakabangga ni Cherry. Hinampas niya ang lalake tapos pinagbabato ng mga hawak nitong gamit.

"HAHA!" nagulat kaming tatlo dahil hindi namin napansin na nasa harap na pala namin si Cherry.

"Grabe ka naman Cherry, pinag away mo pa ang mga syota" kumindat lang siya at ngumiti sa amin.

"tama lang yon dahil malapit na naman ang Valentine's day. Kasi alam niyo guys, ang ganyang lalake ay naghahabol lang ng regalo sa babae sa Valentine's day" Uupo siya sa tabi ko. Umusog ang dalawa, kasi nasa gitna ako kanina.

"brad ang laki naman ng bass mo" dineretso ni Zrikia. Biglang tumawa ng malakas si Cherry ng makaupo siya. Napahawak siya sa tiyan niya, Habang kami ay naghihintay na sabihin niya kung bakit siya tumatawang mag isa

"Brad ano na?" napayuko lang ako habang nag uusap sila. Gusto ko kasing tanungin sila about sa past memories ko eh.

"Chrisnite kanina kapang hindi nagsasalita"

tingin sa gilid

tingin sa kaliwa

Tingin sa braders na nasa kaliwa

 at tingin kay Marzi na nasa kanan ko.

"Gusto ko lang sana mag favor" hindi sila nagsasalita, siguro hinihintay lang nila akong mag salita "Pwede bang tulungan niyo akong alalahanin ang lahat?"

"YUN LANG PALA EH!" sabay-sabay sila tapos bigla kaming tumawa.

"Pero bago namin sabihin sayo ang lahat" -Zrikia

humarap sa akin si Cherry at napausog naman si Zrikia na katabi niya. Humawak siya sa kamay ko na sinundan naman ni Zrikia at ni Marzi.

"Treat us?" sinabi ni Cherry na patanong

Nagbeautiful eyes ang tatlo. Naalala ko tuloy si Princess kaso lang naiwan namin sa California. Hindi kasi siya pwedeng sumama. Kamuka nila ang asong kong iyon. "Fine!"

"WHOO!"

****

Naka taas ang mga kamay nila at ganun din naman ang ginawa ko. "Brad itong artwork shirt gusto ko" tumungo lang ako, mura lang naman dito kaya okay lang, tska madami naman akong dalang money sa bag ko eh.

"Brad bagay ba?" tanong ko sa kanila. Ngumiti lang sila tapos sabay-sabay na ngumiti

"BAGAY NA BAGAY!" naka thumbs up nilang sinabi.

pumunta naman kami sa rest room.

"Haha! I'ts more fun In the Philippines" may nakita kaming tarpaulin bago pumasok ng Girls room. Hinintay muna naming maubos ang mga tao. 

"Brad ang sakit ng puson ko!" ni-lock namin ang rest room na ito. Kahit na nakakahiya ang pag lock ni Marzi sa pintuan, ay pinabayaan ko nalang. Ikanga nila 'IT IS MORE FUN IN THE PHILIPPINES' 

"Bakit naman kasi ngayon kapa nagkaroon?" binuksan ni Marzi ang isang pack ng napkin tapos kumuha ng isa. Lumapit siya sa cubicle ni Zrikia tapos inaabot sa baba ng butas ang hawak nitong napkin

"Thanks brad" sabi ni Zrikia na ngayon ay namimilipit sa sakit sa tiyan. Lumabas si Zrikia ng Cubicle at lumapit sa isang salamin. Nag ayos din kaming tatlo samantalang si Cherry ay nananahimik at nakasandal sa pader.

"Wait.. Smells bad" napahawak ng ilong si Marzi at ganun din ang ginawa ko.

"Ba-baka mens--" napatakip siya ng bibig hanggang ilong "Hehe.. mga brad gusto ko na atang umuwi kasi malapit ng lumabas yung kinain ko eh" hindi pa talaga sinabi ng diretso ni Cherry.

Lalabas na sana kami pero biglang napahinto kaming apat. Lumapit si Marzi sa gripo tapos binasa ang gilid ng buhok niya. Nagsahod din siya sa kamay niya ng tubig pero agad din itong naubos dahil ito ay unti unting natatapon. Nilagyan niya kami ng kaunting basa sa muka. Medyo ginulo niya din ang buhok niya.

Siya na mismo ang nag bukas "Hey! why did you lock the door?" sabi niya sa guard at sa janitor na mukang naka assign. Ang daming babaeng nakapila.

bumulong si Zrikia sa amin dalawa ni Cherry "mukang nanghihingi ang mga yan ng autograph" napangiti lang kami. Ang galing niya kasing magkunyare na  nalock kami sa loob eh. 

Nag give way ang mga tao sa amin dahil ang iba ay talaga naiihi na.

"Galing ko ba?" napatawa kaming apat nang makalabas ng banyo.

****

Naunang umuwi si Cherry. Nandito na kami sa condo. Gumamit kami ng elevator para mas mapabilis. Pumunta kami sa room ko na 101 na may nakalagay na 'VIP ROOM'  sa gitna ng pintuan. Kinuha ko ang card tapos nag swipe ako doon. 

"Brad? Sleep Over?" napangiti kaming lahat tapos pumasok kami sa kwarto. Malaki naman ang kama at ang kwarto kaya hindi na kami manroroblema dito. 

Naunang nagtanggal ng shoes si Zrikia tapos tumalon sa kama. Kumuha siya ng unan tapos binato ito sa akin. "AH GANUN?" naghampasan kami ng unan hanggang sa nakisali si Marzi.

*KRING!

nagising ako nang tumunog ang Cellphone ko.. 

Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon