Pumunta kami sa isang condo. "Hay ang init" humiga ako sa sofa at doon nagpahinga. Pumunta ang isang maid namin na si Manang Nang at inutusan ang maid sa tabi ko na kumuha ng airconditioner at yung isa naman ay pinapaypay niya.
May isang babae na nag abot ng juice sa akin. Tumingin ako sa paa niya, siya ay naka heels na ang tansya ko ay 4 inches and blue ang kulay ng shoes niya. Ang puti ng balat niya at parang ang kinis talaga. Blue din ang palda niya hanggang sa pantaas niya. Ang ganda ng muka niya at nakakulot pa ang buhok niya. ANG BONGGA! "Who you?" tanong ko sa kanya. Kinuha ko ang juice, I think mango juice. Paano niya nalaman na mango juice ang favorite kong inumin?
"Hindi mo ba ako natatandaan?" tinignan ko siya ng matagal pero wala naman akong nakilala na ganito kagandang babae. Siguro model siya na sumuot ng dress na denesign ko. Trending naman kasi ang mga designs na ginawa ko eh.
"Am I asking kung alam ko?" umabante ang isang paa niya pero tumigil din siya. Nagpamewang ito at isang himala nang biglang umalis ang mga maid ko sa tabi. Ikinagulat ko ito kaya napatayo ako at inilapag ang mango juice sa lamesa.
"HEY! Ano bang problema mo!" tumaas ang kilay niya. May pumunta pang dalawa sa likod niya. Pare-parehas sila ng design ng damit pero ang naka green yung isa tapos naka pink naman yung isa pa.
"GIRLS! sabunutan niyo siya" agad na umabante ang dalawang babae "Siguraduhin niyong mapapahiga siya diyan sa sofa" lumalapit sila pero hindi ako umaatras. Magpapatalo ba naman ang queen?
May humawak sa kabilang braso ko, dito sa kaliwa. Inialis ko ang pagkakahawak niya at bigla namang may humawak sa isa ko pang braso. Ngayon, hindi ko na sila kayang saktan. "Bitiwan niyo ako!" may naramdaman akong kakaiba sa kanilang dalawa. Hindi nila ako sinusuntok pero "WHAHAHAHA! TAMA NA!" grabe ano bang ginagawa nila? para akong tanga dito na tawa ng tawa. Bakit ba nila ako kinikiliti? yan tuloy at napahiga ako sa sofa.
"YES! PERFECT!" -pink na dress
"HAHAHA! GOOD!" -green na dress
"Teh? te wala ka talagang naaalala?" sumimangot ako sa kanila. Iniayos ko ang jacket ko at tumayo. Aalis na ako! wala akong panahon para sa daldalan. "Te! iiwanan mo na naman ba kami?" napatigil ako sa paglalakad ko. Naramdaman kong may lumapit sa akin. Tumalikod ako at hinarap ko itong naka green. Parang kilala ko na nga sila pero wala lang akong matandaan. Biglang sumakit ang damdamin ko na kailanman ay hindi pa ito nangyayari sa akin.
"Bakit? Sino ba talaga kayong dalawa?" mahinhin kong sinabi sa kanila. May babaeng lumuha na sinundan naman ng isa pa, at ng isa pa.
"Brad!" bigla nila akong nilapitan at yumakap sa akin. Napaluha ako dahil wala talaga akong maalala. Parang nakaramdam ako ng awa sa kanilang tatlo.
"Teka? sino ba kayo?" hindi parin sila tumitigil sa pagyakap sa akin para bang namatayan sila sa lakas ng pag iyak nila.
*****
"brad ano ba ang nangyari sayo?" sabay sabay kaming umupo.Nandito kami sa dinning room. Hinanda ni Manang Nang ang mga pagkain sa mesa.
"Huh? bakit niyo ba ako tinatawag na brad?" hindi ko talaga sila naiinitindihan. Ang OP ko talaga sa kanila. hindi ko naman kasi ma gets yung sinasabi nila tungkol sa past ko daw.
"Brad ako si Zrikia" kakaibang pangalan naman nitong naka pink "Siya naman si Cherry" itinuro niya yung naka green "Ang itong katabi ko, ay si MARZI!" ang lakas ng boses parang walang kagalang galang. "AT TAYO ANG THE BRADERS!" talagang sabay sabay sila sa salitang 'The braders' bakit kaya?
Ang tahimik namin ngayon dahil pinagsabihan ko silang manahimik nalang. Paano ba naman kasi parang mga taga-bundok. Ang lalakas pa ng boses nila.At parang palenke itong dinning room pag nag sabay sabay sila.
"Mam mayroon po siyang amnesia" biglang nalaglag ang spoon ko sa babasaging pinggan "Manang NANG! HOW MANY TIMES DO I TOLD YOU NA NEVER MONG IPAPAALALA SA AKIN ANG SAKIT NA YAN!" alam ko na talaga na may sakit ako. Nalaman ko iyon ng magising ako sa isang kwarto. Napilitan ang parents ko na umuwi dito sa Pilipinas para daw mas mabilis ang recovery ko. Sinabi ni Kuya Prince na depress daw ako sa pagkawala ng mahal sa buhay tapos muntik pa daw akong magpakamatay. Hay naku! naglaslas pa nga daw ako eh. Napatingin tuloy ako sa pulso ko. Hindi ko daw talaga kinaya kaya bago daw ako mapa-Ospital ay nag request daw ako na pipilitin kong marecover basta umuwi lang ako ng Pinas. Tapos ito na nga.
"OMG TEH!" itinago ko ang kamay ko sa baba ng lamesa. iniusog ko ang upuan ko at mabilis na tumayo "Wala na akong gana sa pagkain" tumalikod ako sa kanila. May narinig akong upuan na umusog nang makalabas na ako ng dinning room. Mukang susundan ata ako ng isang babae. "Yaya pakiligpit nalang ang pagkainan pagkatapos nila" binilisan ko ang paglakad ko para hindi na nila ako masundan.
Pumunta ako dito sa rooftop. May swimming pool dito at malakas ang hangin. At least. Walang makakakita sa akin dito. Tinanggal ko ang shoes ko at lumapit ako sa pool. Umupo ako malapit dito at inulublob ko ang dalawang paa ko. Kahit galing ako sa pagod ay hindi ko na inisip na baka mapasmado ang paa ko.
"Brad, ako ito si Marzi" napatungo ako dahil sa tangkad ng babaeng ito. Umupo siya na nakatukod ang heels niya. "Layuan mo ako! Hindi kita kilala" umusog ako ng kaunti pero lumalapit pa din siya. Tinanggal niya din ang sapatos niya at inilubog ang mga paa niya sa pool.
"Katulad ka parin ng dati Chrisnite" napatingin ako sa kanya, mukang kilalang kilala niya nga talaga ako "Alam mo ba namiss kana naming mga kaibigan mo" nag inhale siya ng mahaba at nag exhale agad. Napangisi siya at tumingin sa langit "Alam mo hindi lang ako ang nakakamiss sa'yo" tumingin ako sa kanya pero nakatingala pa din siya "Pati ang iniwan mong hubby" parang pamilyar ang pangalan na iyon sa akin. "Nang malaman naming tatlo ng braders na nacoma ka, ay naaksidente si Asmudeus" bahagyang napaluha siya pero alam kong pinipigilan niya lang ang mga ito. "At alam mo ba ang mas masakit?" nakikita ko siyang patuloy na lumuluha. Nanginginig ang mga labi niya at parang sobrang sakit ng pinagdadaanan niya "Palagi siyang naghihintay na babalikan mo pa din siya" hindi ko alam kung bakit pagkalunok ko ay sumabay ang pagtulo ng luha ko.
"Teka? gaano mo ba ako kakilala?" pinunasan ko ang luha ko at nagkatinginan kami. Ngumiti siya kahit na lumuluha siya
"Kilala kita hanggang ulo hanggang paa. Pero hindi ko nga lang alam kung nasaan na ang dating Chrisnite na dati ay umiiyak sa harapan ko" napakagat siya ng labi at pinunasan ang luha niya. "Dating mahina, ngayon ay sobrang lakas na parang MARZI" hindi ko alam kung bakit ko ba siya niyakap. Hindi ko nga alam kung bakit kusang gumagalaw ang katawan ko."At ngayon ako ang dinadamayan niya. Chrisnite naaalala mo pa ba si Asmudeus?" sino na naman ba ang binabanggit niya?
"Kailangan ko ba siyang kilalanin?" inalis niya ang pagkakayakap niya sa akin at sinamaan ako ng tingin
*PLAK! aba? sinong may karapatang sampalin ako?
bakit hindi ko magawang sampalin din siya? ngumiti siya na parang nakakaloko "CHRISNITE! IKAW NGA YAN! 5 YEARS? ANG NAWAWALA KONG KAIBIGAN" ganun ba talaga katagal akong na coma? 5 YEARS? niyakap niya ako at ganun din ang ginawa ko. Pakiramdam ko ay nasa akin na ang lahat sa araw na ito. Parang kumpleto ang pagkatao ko ng may yumakap sa akin na may buong pagmamahal.
BINABASA MO ANG
Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]
JugendliteraturPano kung ang isang babae BOYISH ay mainlove sa isang romantic guy ? "ANG DREAMBOY KO AY BAD BOY!" yan ang dream boy ni Chrisnite pero pano kung ang tadhana mismo ang magbigay daan para paglapitin ang isang mabangis na LEON sa TUPA? ikaw? anong sati...