<Main Hospital>

37 2 3
                                    

POV: Chrisnite

  “Gutom kana siguro” oo gutom na ako.

Bumangon ako.

“Ito kain ka muna” susubuan niya ba ako? ‘Ito kain ka muna’ naaninag ko si hubby,nakita ko siyang nakangiti.

“Ang ganda ng ngiti mo ah” bigla siyang nawala at nakita ko na naman si Jonvie

“Ah.. oo nga kasi ang sarap ng lugaw eh” parang lugaw na kinain ko sa Secret House

“Ang totoo niyan, dala ito ni White devil” bigla akong inubo “Ito tubig” inubo na naman ako. Totoo bang si hubby ang nagpadala nito?

“Okay kana ba?” tumungo lang ako at pinakain niya nalang ulit ako.

“Bakit ka ba nakipagkasundo sa kanya?” alam niya?

“ano bang pinagsasabi mo?” sige, magtanga tangahan ka lang Chrisnite

“Alam ko na, 6 months kayong mag syota.” Napakagat ako ng labi ko

“Oo totoo yon, at iyon ay dahil sayo” mukang nagulat siya sa sinabi ko

“Anong ibig mong sabihin?” akala ko baa lam niya na? sige na nga sasabihin ko na ang totoo sa kanya

“Nung araw na hinalikan mo ako, na picturan niya iyon. Kailangan niya akong maging GF para hindi niya ito ipagkalat” tapos ang usapan

“Eh bakit ikaw ang dinamay niya?”

“Tinatanong pa ba yon? Ang saklap naman kung ikaw ang maging GF niya” hay naku! Makatulog na nga lang

Humiga ako, nagtalukbong ako ng kumot, at pinatay ang ilaw sa lamesa ko.  Umupo siya sa sofa na malapit sa akin, Kita ko parin siya dahil sa ilaw na galling sa buwan.

May narinig akong kanta.. Ito yung kanta na tinutugtog ni hubby sa piano. Pagkamulat ko ng mga mata ko.

“Hindi ako magaling pero kaya ko pang tumugtog” totoo ba ang nakikita ko ngayon? Pinikit ko ulit ang mga mata ko at biglang nawala na ito

“Hindi ka ba makatulog?” gising parin pala siya

“Ah oo eh” nilapit niya pa ang sofa sa higaan ko

“Siya ba ang iniisip mo?” tanong nito sa akin

“Ah sino? Wala naman akong iniisip eh” aminin mo na kase..

“Alam kong iniisip mo siya kahit itanggi mo pa” inilagay niya ang isang kamay niya sa gilid ng higaan ko

“huh? Hindi kaya” sige magsinungaling kappa Chrisnite

“Oo, namimiss mo siya. Alalahanin mo, kasunduan lang ang lahat ng iyon” alam ko naman iyan eh. Pwede bang wag nalang natin itong pagusapan?

“Siya ay isa sa pinakanakakatakot na estudyate pero ang puso niya ay totoong mabuti” tumayo siya at binuksan ang kurtina. Nakatingin kaming pareko sa buwan. Bumangon ako ng kaunti para maisandal ang ulo ko.

“Magaling siya sa mga instruments.. Sa totoo nga habang wala kapa sa school, ang talino at kilalang kilala siya bilang Mr.Mr.” kilala niya bang lubos si hubby?

“Pero last year ng wala kapa sa school nagbago siya, na ikinagulat ng lahat. Ang tawag sa kanya Mr. Mr. ay napunta sa tawag na White Devil” nakikinig lang ako

“Madaming natakot  sa kanya, dahil sa lakas niya. Ang dami niya ring girlfriend”

“Sabi niya wala pa daw siyang nagiging girlfriend” tumingin siya sa akin

“Oo wala pa talaga siya sineryoso. Ikaw palang talaga. Puppy love lang naman palagi ang nagaganap sa relation niya sa ibang babae. Parang wala lang. Ka flirt niya lang talga.

“Wag mo siya iiwan, ang daming nagbago sa kanya dahil sa iyo” bakit niya ba ito sinasabi? “Ang dami niya ng iniwasang bisyo” alam ko yon “At higit sa lahat, Magtiwala ka lang palagi sa kanya, No matter what happen”

“Remember wag kang maiinlove sa kanya. Dahil sa anim na buwan lang kayo magsyota”

“Bakit mo ba yan sinasabi sa akin?” hindi na siya makatingin

“Matulog ka na nga” ay! Bakit parang nagging serious agad siya?

Ilang saglit lang ay bumalik na siya sa sofa at natulog

“WIFEY!” nakita ko si hubby

“Oh nandito ka pala?” napangiti ako sa pagkakakita ko sa kanya.

“Wifey wag mo akong iiwan ah” niyakap ko siya

“Iiwan saan?” ang weird niya ngayon ah

“WIFEY!” bakit nandito na ako sa kotse?

Nakikita ko si hubby na umiiyak sa labas ng kotse. Binubuksan ko ito pero hindi ito bumubukas

“Mamang driver pakibukas ang pinto” kahit hindi nan aka lock, hindi ko parin mabuksan kahit ang window ko.

Tumingin sa akin ang mamang driver

“Bawal!” SINO SIYA? BAKIT PINIPIGILAN NIYA AKO?

“HUBBY!”

Hinahampas niya ang kotse at pinipilit itong buksa

“WIFEY!” rinig na rinig ko ang boses niya

“HUBBY!” hindi ko mabuksan! Umaandar na ang kotse

“CHRISNITE!”

“CHRISNITE!”

Pagdilat ko.

“Chrisnite!” hingal na hingal ako. Naramdaman kong may umagos na luha sa magkabilang mata ko. “Tubig..” iniabot niya agad ito “Ito” ininom ko agad

“Ano ba ang nangyayari sayo?” oo naalala ko na ang Secret House. 3 days nalang at ibebenta na ito ng daddy ni hubby.

“Kailangan kong mapigilan iyon” napatingin siya sa akin

“Ang ano?” hindi ko pwedeng hayaan na mawala ang bahay na iyon. Kailangan kong mapigilan mabili ang Secret House. Nararamdaman kong mahalaga kay hubby ang bahay na iyon. “Ang ano?” hindi ko siya sinagot

“Kailangan ko ng pera” hindi na ako makapagisip ng paraan

“Pera? Para saan?” oo hindi niya talaga ako maintindihan

“Pera para sa mahalagang bagay” nagtataka talaga siya

“Anong bagay? at Gaano ba karami ang kailangan mong pera?” hinawakan ko ang kamay niya

“Tulungan mo ako please” siya lang ang isa sa matatakbuhan ko

“Oo tutulungan kita basta sabihin mo lang sa akin kung anong dahilan”

“May isang tinatawag na bahay na Secret house sa Batangas” parang nanlaki ang mga mata “Oo alam ko nga iyon”

“Kailangan mong mapigilan ang bumibili nun” tinanggal niya ang kamay niya

“Ang totoo niyan, kami ang bumibili nun. Ang plano ng parents ko ay sirain iyon at lagyan ng resort” nawalan ako ng gana at lumayo ako ng kaunti. Napayuko ako at hindi ako makagalaw. Bakit kung kalian kailangan niya ako, saka naman wala akong magawa?

“Pero gagawin ko ang lahat para mapigilan ang parents ko”  nabuhayan ako sa sinabi niya. Hindi ko napigilang mayakap siya

“Thank You! Thank You talaga!” sobrang saya ko

“Teka… Hindi ako makahinga” inilayo ko na siya sa akin 

Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon