<Is this the last moment?>

24 3 2
                                    

Pupunta ako ngayon sa Secret House at makikipag kita ako kay hubby.

*Kring

“Hello hubby?” kinakabahan ako, kailangan ko na talaga sabihin sa kanya ang totoo

“Hi” bakit ang tipid ng sagot niya sa akin?

“nandito na kami ngayon sa tapat ng Secret House”  natatakot akong malaman niya ang lahat.

“Bilisan mo nga!” sinabi na may nakakatawang tunog. Para niloloko niya ako nag alit siya

“Galit ka ba?” bigla niya ng binaba ang cellphone

****

“WIFEY!” nagkangitian kaming dalawa “Wifey take a seat”

“Hubby gusto kitang yakapin” binuka niya ang dalawa niyang kamay at nakangiti sa akin. Yumakap ako sa kanya.

“Wifey? Miss mo na agad ako?” oo miss na miss na talaga kita

“Hubby I’m so sorry sa lahat” hindi ko na siya kayang tignan sa mga mata,

“Huh? Para ka namang mawawala niyan” pinaharap niya ako sa kanya. Nakayuko akong humarap sa kanya at pinunasan ko agad ang mga luhang pumapatak. Para akong pinapatay ng sobra sa ginagawa ko, Parang hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.

“Oh? Bakit ka umiyak wifey?” niyakap ko ulit siya ng mahigpit, pero pinaharap niya ulit ako sa kanya “Wifey naman? Umiiyak ng walang dahilan?” mahal na mahal talaga kita hubby. Hindi ko kayang isipin na ako ang sisira sa pangakong ito.

“Hubby! Malapit na akong umalis” dineretso ko nalang siya dahil sobrang sakit na ng aking mga mata, para ngang may bato na humaharap sa lalamunan ko, at parang hindi ako makahinga sa tuwing nakikita ko siya

“Ano bang drama yan wifey?” bakit baa yaw mong maniwala hubby? Bakit parang hindi ka makapaniwala na iiwan kita. Iiwanan ka ng babaeng minahal mo ng totoo.

“Hubby…” hindi ko talaga kaya. Paano ko ba sasabihin? “Malapit na ang flight ko papuntang states” bigla niya akong niyakap.

“Wifey naman, wag ka ngang nagbibiro ng ganyan” ayoko na!

“Hubby mas maganda kung kalimutan mo nalang ako…..” sobrang sakit! Sobrang sakit ng sinasabi ko sa kanya pero kailangan kong patatagin ang sarili ko. Kumalas ako sa pakakayakap niya at tumalikod ako

“Wifey!” hinawakan niya ang isang kamay ko “Sabi mo hindi mo ako iiwan” sorry hubby! Pinaasa kita sa wala

“CHRISNITE!” si Gerald nandito?

“KUYA?! Bakit ka nandito?” mas lalong hinigpitan ni hubby ang pagkakahawak sa kamay ko

“Chrisnite tara na” pinipilit kong tanggalin ang pagkakahawak ni hubby sa kamay ko pero ay niya itong bitawan

“Kuya anong ibig sabihin nito?” lumapit sa akin si Geral at hinawakan ang isa ko namang kamay

“She’s mine Asmudeus” hinatak ako ni Hubby papalapit sa kanya

“WHAT DO YOU MEAN KUYA?!” galit nag alit na si hubby

“I SAID SHE’S MINE!” pinapunta niya ako sa likod niya

“KUYA NARIRINIG MO BA ANG SINASABI MO?!” hinawakan ko ang balikat ni Hubby “Hubby..Sasama na ako sa kanya” lumapit ako kay Gerald

“See? Sabi ko naman sayo She’s—“

*BLAG!

Sinuntok niya si Gerald

“MATAGAL NA BA KAYONG MAY RELASYON!” tumingin siya sa akin ng sobrang sakit. Dapat kasi sinabi ko na sa kanya habang maaga pa

“Hubby” wala na akong masabing pangalan

“Alam mo ba Asmudeus? Pagkatapos niya ng pagaaral, magaganap na ang engagement namin?” teka? Bakit niya sinasabi ang lahat? Ako dapat ang magsasabi niyan kay Hubby

“HAHA! At alam mo ba na pupunta siyang states at iiwanan ka niya” tumayo ito mula sa pagkakabagsak sa suntok ni Hubby  “Hindi lang yon…. Plano na talaga naming paasahin ka sa huli” wala yon sa mga nangyayari. Bakit nagsasabi siya ng hindi totoo?

“WOW! ANG GALING NIYO TALAGA” sasampalin niya dapat ako pero pinigilan ito ni Gerald. Nakasangga parin ang kamay ko dahil natakot ako sa gagawin niya.

“WAG MO SIYANG SASAKTAN ASMU!”

“HAHA! GALING MO TALAGA CHRISNITE! AT IKAW GERALD! MGA WALA KAYONG KWENTA! SIGE MAGSAMA KAYONG DALAWA!” tumalikod siya. Hinabol ko siya at niyakap mula sa pagkakatalikod niya

“Chrisnite….tanggalin mo ang kamay mo” ayoko Gerald! Sasama ako sa kanya

“Sorry pero hindi ko kayang iwanan ang Hubby ko! SIYA LANG ANG MAHAL KO!”kinuha ni Hubby ang kamay ko at hinatak ako papalapit sa kanya. Pumasok ako sa sasakyan niya at ganun din siya. Nakita ko si Gerald na nakatingin sa aming dalawa.

“BAKIT MO AKO NILOKO?!” ang bilis ng patakbo niya sa sasakyan, Nakakatakot talaga siya.

“KAILAN MAN HINDI KITA NILOKO HUBBY!” biglang nagpreno ang sasakyan, muntik ng masubsob ang muka ko sa harap pero buti nalang at naka seat belt ako

“ANONG SABI MO?”

“HUBBY! HINDI AKO SASAMA SAYO KUNG HINDI KITA MAHAL! HINDI AKO SASAMA SAYO KUNG IIWANAN LANG KITA!” isang nakakabinging katahimikan

“Hubby… Nag file ang parents ko ng engagement para sa aming dalawa ni Gerald. Hindi ko nga alam na nag file na sila” kumalma kaming dalawa mula sa aming pagkakaupo

“Bakit hindi moa gad sinabi sakin ito?” hinawakan ko ang dalawang kamay niya

“Dahil ayokong mawalay sayo na hindi nagpapaalam” pinunasan ko ang luhang umaagos mula sa aking mga mata papunta sa aking pisngi “Kapag nalaman ng parents ko na alam ko na ang plano nila, Sigurado akong mabilis akong luluwas ng bansa at iiwan ka” nakita ko ang luhang pumatak galing sa mata niya, at wala akong alinlangang pinunasan ito “Nalaman na nila kahapon na alam ko na ang plano nila kaya nag pa schedule agad sila ng flight ko. Sorry hubby! Hindi ko kayang tuparin ang lahat ng pangako natin” hindi ko talaga siya kayang iwanan.

Lumabas kami ng sasakyan. “Teka saan tayo pupunta Hubby?” sinusundan ko lang ang paa niya

“Mabilis nila tayong mahahanap kung dala ko ang kotse kaya mas mabuti kung iiwan ko nalang ito” tumungo ako. Tama siya, ayoko ko ding mawala siya sa piling ko kaya gagawin ko ito hindi lang para sa akin kundi para sa aming dalawa

“CHRISNITE!” napapalibutan na pala kami ng mga pulis

“DAD?!” hinawakan ko ng mahigpit si Hubby

“Chrinite baby! Come near me!” si Gerald? Bakit nila kami pinagkakaisahan

“Hubby, I don’t want to let go of you hand” bakit parang hindi niya hinawakan ang kamay ko

“Wifey, Sumama ka na sa kanila” tinanggal niya ang kamay ko sa kanya “NO! HUBBY!” kinuha ako ni Gerald at Si Hubby naman ay sumama sa kabilang side

“HUBBY!”  

Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon