POV : Chrisnite
Ito na kaming apat
"Kasi hinalikan ako ni Jonvie"
"HA?!" pare-pareho silang nagulat "Shh! wag nga kayong maingay"
"Tapos, tapos, tapos?" atat lang Zrikia
"Ahmm tapos na picturan kami" nanlaki ang mga mata nilang apat
"NAPICTURAN?!" sabi wag maingay eh "SHH! wag nga kayong maingay"
"And then" bumibilis ata ang pagkain nila ah
"And then... Yung nag picture ay si..."
"Si....??" -Cherry
"Si Asmudeus" parang nagalit ata silang apat
"WHAT! binablack mail ka niya brad?" ngayon lang niya na gets? Zrikia talaga
"Oo, para makuha ko iyon... Kailangan kong tumupad sa kasunduan namin"
"KASUNDUAN?!" ang sarap magmura kaso lang parang hindi ko na kaya eh "Shh! wag maingay"
"Kailangan kong maging GF niya" nanahimik silang lahat
"OMYGOSH!" sabay sabay talaga?
"Friend susuportahan kita" sabi ni Zrikia
"Ako din" sabi ni Cherry, Tinignan namin si Marzi
"Ikaw Marzi?" tumingin siya sa akin, sa amin pala.
"Gaano ka tagal ang pagiging masyota niyo?" ang lawak talaga ng pag iisip niya
"6 months eh" napakagat ako ng labi ko doon ah
"WHAT?!" parang nalungkot ang mga muka niya
"Paano kung main love ka sa kanya?" isa pang tanong na hindi ko kayang sagutin Marzi
"Tapos luhaan kang lumapit sa amin" exaggerated naman itong si Zrikia
"Tapos...Tapos idadamay mo na naman kami sa problema mo" napaluha ng kaunti itong si Cherry, OA mo teh
"Yan ang hindi ko pa masasagot sa ngayon"
"Tsk.Tsk.Tsk. Tandaan, nasa huli ang pagsisise" oo alam ko iyon Marzi
"Teh magkwento ka naman tungkol kay Devil" sabi pa ni Cherry
"Wait! Speaking of the Devil" napatulala si Zrikia at nalalag ang kinakain niya sa bunganga niya
"OMYGOSH!!"
"YIEE!"
"COOL!"
Tinatakot ba nila ako?
“White….Devil” nakatulalang sinabi ni Marzi
Napalingon ako sa likod
OMYGOSH! Nandito siya? Ano namang ginagawa niya dito? “Mga brad! Itago niyo ako bilis!” bigla silang natauhan at agad nilang itinago ako
Nasa likod nila ako. Kinuha ni Marzi ang dyaryo pantakip sa muka niya. Si Cherry naman kunyare umiinom ng juice tapos si Zrikia ang look out namin.
“mga brad papunta na sila” kinakabahan ako. Sobrang kinakabahan talaga ako
“Sino dito si Devil One?” napakamot tuloy ako ng ulo “Tsk! Wag ka ngang malikot diyan Chrisnite” nakaupo kasi sakin si Marzi
Biglang tumahimik ang lahat. Sumilip ako ng kaunti. “Babe? Kamusta kana?” sabi ng babae at biglang yumakap sa kanya.
“Hindi ikaw si Devil One!” mukang galit nag alit ata siya ngayon?
“Honey!” may isang babae ang lumapit sa kanya.
Nagulat ako ng pinaluputan niya ito sa bewang.. Parang hahalikan niya ata..
Ayokong makita..
No! wag mong “WHAAA!” napahinto silang lahat sa ginawa ko
Tinanggal niya ang pagkakapalupot dito at nagmadaling pumunta dito “Parating na siya” sabi ni Zrikia
“Whaaa!” biglang sumigaw din si Marzi na parang ako
“Kayo ang mga kaibigan niya diba?” nakakatakot niyang sinabi
“Huh?” nagmaang maangan si Zrikia
“hindi.. Hindi noh” obvious naman itong si Cherry
“Ano bang problema mo?” yan ang Marzi ko, Matapang.
“Hahaha! So, hindi ako nagkakamali” ngumisi siya “Kayo nga talaga ang tinatawag nilang THE BRADERS” kinakabahan ako
“KAPAG HINDI NIYO NILABAS SI DEVIL ONE… HUMANDA KAYONG TATLO” binabantaan niya ba ang mga braders ko?
“Haha! Wala akong pakelam sa—“ alam kong hindi magpapatalo si Marzi kaya kailangan ko ng magpakita para hindi na lumala ang sitwasyon
“Nandito ako” umalis si Marzi at tumayo ako. Inayos ko ang buhok ko.
Huminga siya ng malalim “BAKIT KA NAGTATAGO?!” naku! Dapat hindi na ako nagpakita
BINABASA MO ANG
Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]
Teen FictionPano kung ang isang babae BOYISH ay mainlove sa isang romantic guy ? "ANG DREAMBOY KO AY BAD BOY!" yan ang dream boy ni Chrisnite pero pano kung ang tadhana mismo ang magbigay daan para paglapitin ang isang mabangis na LEON sa TUPA? ikaw? anong sati...