<Identity of my Enemy>

50 4 2
                                    

"Cherry sino ba yon?" tinanong ko ulit siya 

"Siya ay si A..Asmudeus" bakit nanginginig siya 

"Takot ka ba?" tanong ni Marzi. tumungo siya, Saktong traffic kaya huminto kami

"Asmodeus kasi ay may meaning" nakinig lang kami sa kanya "devil of sensuality" nagtaka kami sa kanya 

"Ano namang nakakatakot dun?" umayos kami ng pag kakaupo at umandar muli ang kotse 

"Siya ang tinatawag nilang leader of White Devil" hindi na ako nagtaka dahil kaya niyang angasan ako. "Ganun ba?" kalmado lang akong nagsalita.

"Bilisan mo na Cherry" sabi ni Zrikia "Ah sige Thanks"  bumaba na siya at dumiretso na kami sa bahay ko 

Nandito na naman ako sa bahay kong malungkot "Ang sarap matulog!" 

***

Pag gising ko ng umaga 

"Oh No!" patay baka ma late ako. 

saktong dumating ang driver ko "Miss?" kumakatok na siya sa pintuan 

"Teka lang ha" naligo ako ng sobrang bilis 

Time check : 7 o'clock 

Tsk! 30 minutes nalang. Asar naman

"hue!" nakasakay din ako sa wakas. "Tara na?" tanong ko sa kanya

"Miss yung bag niyo po?" Ay nga pala! TAN-G-A ko talaga

***

"Hoy Zylkai" napatingin ako likod "DITO!" nakita ko siya sa taas, sa open area.

lumapit ako sa kanya "Ano na naman ba?" galit kong sinabi, ngumisi lang siya at kinindatan ako, dahilan para samaan ko siya ng tingin.

Biglang may lumapit na mga lalaki. Tama! iyan 'yung mga kasama niya kahapon

"Pre halikan mo nga yan" ngumiti siya na parang demonyo

"Halikan mo nga ako Zylkai" natatakot ako sa kanya. Hinawakan niya agad ang dalawa kong kamay. 

"Hahaha!" nanginginig ang katawan ko. Hindi niya dapat ako dinudumina!

Ginawa ko ang tinuro sakin ni daddy na self defence. Mabilis kong nakalas ang kamay ko at agad ko siyang sinampal "Wala kang karapatang hawakan ako ASMUDEUS!" 

tinignan ko ng masama ang mga kasama niya sa likod niya. Sinenyasan niya ang mga ito na iwan kaming dalawa. Sabay sabay silang lumayo sa aming dalawa

"Wag mong matawag tawag ang pangalan ko sa school na 'to" nakakatakot ang pananalita niya. "Ang cute mo pag natatakot" nagulat ako sa sinabi niya. Nag smirk tska kinuha ang litrato niya sa bag niya.

"Akin na nga yan" kinukuha ko pero hindi ko makuha "Haha! Be my girlfriend muna" sinampal ko ulit siya

*PLAK*

"Pang ilang sampal mo na ba sakin yan?" tumingin ako ng malalim sa kanya. Parang may kuryenteng lumalabas sa mga mata namin

"Oo na, Be my Girlfriend in 6 months"  napatawa ako ng kaunti sa kanya pero bumalik agad ako sa seryoso kong muka "Deal!" nahawakan kami ng kamay

"Pero paano ko malalaman kung na delete mo na ang lahat ng pictures?" kailangan kong maging wise sa pagkakataong ito

"Magtiwala kalang sakin" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko "Girlfriend na kita ngayon" hinalikan niya ako. Oo hinahalikan niya ako. Hindi ito pwede! Mali itong ginagawa ko

Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya para pigilan siya pero nilagay niya ang isang kamay niya sa likod ng batok ko. 

Bigla siya napalayo "PRINCE!" napasigaw ako dahil pinaglayo niya kaming dalawa at saka niya pinagsusuntok si Asmodeus "Umalis kana dito!" tumungo lang ako at umalis na agad

POV: Prince

Gago ka! "WALA KANG KARAPATANG HAWAKAN ANG KAPATID KO DEUS!" mali ang ginawa niya. Pinagsasamatalahan niya ang pagiging bad boy sa school na ito. Hinalikan niya ang kapatid ko, pinaka iniingatan ko, pinaka pinag kakatiwalaan ko, at mahal ko higit pa sa buhay ko.

Walang nakakaalam na magkapatid kami dito sa school dahil hindi kami nag uusap. Madaming beses na ako iniligtas ni Chrisnite kaya siya naman ngayon ang tutulungan ko

"HAHAHA!" tumawa siya "HINDI MO BA ALAM NA GIRLFRIEND KO SIYA?!" napahinto ako sa panununtok ko sa kanya 

"ANONG SABI MO?!" totoo ba ang sinabi niya? pero kung totoo man yon, paano na ang pangako niya kay daddy? Hindi siya pwede mahulog sa lalaking ito. Hindi siya ang para sa kanya. 

umubo umubo muna siya "GIRLFRIEND KO ANG KAPATID MO! teka... magkapatid pala kayo? May kapatid pala siya?" nainis ako sa mga pinagsasabi niya

"Mas mabuti kung mananahimik ka nalang, kung totoo ngang kayo na ng kapatid ko, Tumututol ako" tumalikod ako "Masasaktan kalang sa huli... Hindi pala, Baka siya pala ang masaktan sa huli" lumunok ako "Once na sinaktan mo ang kapatid ko, malalagot ka sakin" nagpatuloy ako sa paglalakad ko.

"Salamat Pre!" yan ang huli kong narinig sa kanya

Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon