<Look like Gerald?>

18 2 0
                                    

"HAHA!" may narinig akong malakas na tawa sa likod ng building. Papunta kasi ako sa mall ngayong araw na ito pero nakapagdecide akong sunduin muna ang mga braders ko. Pumunta ako sa likod ng condo. Ngayon ko lang nalaman na may garden pala dito. 

"Garden of gold" ang pangalan ng garden na ito. Binuksan ko ang gate at pumasok ako doon. 

"Yeah I'am really excited to see Chrisnite" nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ko. Umupo ako at nagtago dito sa mga halaman. May  nakita akong linta sa legs ko "WHAAA!" napatalon ako sa sobrang takot. Nakita ko ang lalake na papalapit sa akin. "Miss earthworm lang naman yan eh" huminto ako sa pagkakatalon ko, naalala ko ang sinabi niya  "Yeah I'am really excited to see Chrisnite" napatalikod ako at mabilis na naglakad. Sa sobrang madali ko ay bigla akong nadapa

Hindi!

Hindi ako nadapa! 

May humawak sa braso ko. 

"Miss dahan dahan ka nga" ang amoy na iyon ay kaparehas sa pabango na kay Gerald. Napatingin ako sa kanya. Kamuka siya ni Gerald. Hawak niya parin ang braso ko. 

"Miss kilala ba kita?" parang kilala ko na nga talaga siya, Hindi ko lang maalala kung saan pero parang pamilyar ang muka niya. 

"Ikaw? Kilala ba kita?" wala akong maalala sa kanya kundi ang amoy na iyon. "SUMAGOT KA! KILALA BA KITA?!" tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. 

"CHRISNITE!" tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Marzi 

Nawala na siya! nawala siya na parang bula.

POV: Asmudeus

Pumunta ako dito sa garden para walang makarinig ng boses ko. "Haha!" pinapatawa talaga ako ni kuya. 

"Yeah I'am really excited to see Chrisnite" makikita ko na din sa wakas ang pinakamamahal kong Wifey

"WHAA!" napatayan ko ng call si kuya dahil sa sigaw na narinig ko. Tumakbo ako papalapit doon. Nakakatawa dahil may tumatalon na babae. Siguro nabaliw siya "WHAA!" para siyang takot na takot. Lalo akong lumapit at nakita kong nalalag ang isang bulate. 

Yumakap siya sa akin "Miss earthworm lang naman yan eh"  huminto siya at inilayo ako sa kanya. Pasimple pa itong babaeng ito parang akala mo hindi obvious na stalker ko. Bigla siyang tumalikod siguro dahil nahiya sa akin.

Teka sobrang bilis niya. Baka madapa siya. CATCH! nahawakan ko ang braso niya bago pa man siya madapa.

Para akong natauhan o parang natulala. Parang nahawakan ko ang braso ni Chrisnite.Parang naalala ko ang lahat ng pinagsamahan namin. Nagkatinginan kami sa mata. Ang mga mata na katulad ng mata ni Chrisnite. Itim na itim at bilog na bilog. Parang umiiyak na mga mata. Parang lungkot na lungkot sa paghinga.   

"Miss kilala ba kita?" isang kaakit-akit na amoy ng buhok. napangiti ako sa sobrang ganda niya. Sumayad ang braso niya sa kamay ko nang bigla siyang kumalas sa pagkakahawak ko sa braso niya.

"Ikaw? Kilala ba kita?"  naiiyak niyang sinabi. Bakit parang kilala ko na siya dati pa. Lumuha siya na parang may gusto siyang kunin "SUMAGOT KA! KILALA BA KITA?!" nagulat ako sa sinabi niya. Biglang tumawag ang kuya ko ay nagmadali na akong umalis nang tumalikod siya sa akin. Mukang may taong paparating sa garden.

"Hello kuya?" 

"Nandito na siya" masaya ako at makikita ko na ang babaeng minahal at ang nagpapasaya sa akin

"Salamat kuya" 

pumunta ako sa tamang location na binigay sa akin ni Kuya. 

"kuya nasan na siya?"  umiling iling lang siya. Parang nagaalinlangan siya

"Naaksidente siya" biglang sumakit ang dibdib ko. Napahawak ako sa isang baso at binato ko ito sa sobrang galit ko.

"HINDI TOTOO YAN!" itinukod ko ang kamay ko sa lamesa para hindi ako matumba pero bumagsak pa din ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Pinikit ko ang mga mata ko. Nananaginip ba ako? 

"I'm so sorry" pinilit kong kalimutan siya ng ilang taon pero hindi ko kaya. Nag hintay ako ng limang taon. "SORRY? IKAW ANG DAPAT NAGAALAGA SA KANYA" sinugod ko si kuya at sinuntok ko siya. Sinuntok ko siya hanggang sa mahiga siya.  

"Asmu! hindi pa siya patay!" umuubo niyang sinabi ito "Nawalan lang siya ng ala-ala!" tumayo ako at tumakbo papuntang kotse. "Kailangang mahanap ko siya!" 

~~~ 

Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon