POV: Chrisnite
Pumasok ako ng kwarto ko. Pakiramdam ko ay wala na ang masasayang pangyayari sa buhay ko. Ngayon ko lang napansin kung gaano kalungkot ang kwarto na ito. Nagkabukas ang bintana at hinahangin ang kurtina. Lumapit ako sa bintana, nakikita ko siyang nasa baba pero lahat iyon ay nawawala na parang bula. Nararamdaman ko ang pagyakap niya mula sa likod ko.
"Nalulungkot kaba Wifey?" niyakap ko din siya at hinawakan ang kamay niya. Oo para talaga akong nababaliw.
"Oo Hubby" nakakulong ako sa isang bahay na puno ng kalungkutan at pasakit. "Hubby I'm so sorry" pinabayaan ko lang ang luhang umaagos.
"Wifey sorry pero aalis na ako" huh? HUBBY!
"Hubby! wag mo naman akong iwanan" tinatanggal niya ang pagkakayakap niya sa akin. Ang mainit at komportable niyang katawan ay kumalas na din sa akin. "HUBBY! NASAN KA NA?!" lumabas ako ng kwarto ko at umakyat sa taas ng ng bahay
"I Love You Wifey" tumalikod siya at nawala ng tuluyan. HUBBY! Bakit mo ako iniwan? bakit mo ako binitawan?
pumunta ako sa baba at pilit na binubuksan ang pintuan pero nakalock mula sa labas. "BAKIT?!" bakit ba nila ako pinapahirapan ng ganito
"Hubby mahal na mahal kita" kinuha ko ang bag ko at hinanap ang cellphone ko
Nandito pa ang cellphone ko, kinuha ko agad ito at tinawagan ko si Hubby
"HUBBY!" para akong matutumba sa kinatatayuan ko. Hinawakan ko ang sofa at unti-unting umupo dito.
"Wifey?" napatakip ako ng bibig ko. Gusto ko ng yakap niya, gusto ko ng halik niya, gusto ko ng kakulitan niya at kahit ang pagkagalit niya sa akin. LAHAT YAN AY HINAHANAP KO NGAYON! at yan ay matatagupuan ko lang sa kanya.
"Hu-hubby" wala na akong masabi sa kanya, parang may pumipigil sa lalamunan ko na magsalita at sabihin sa kanya na wag akong iiwan.
"Wifey I'm so sorry dahil hindi kita na protektahan" napakagat ako sa labi kasabay na tumingin sa kisame para maiwasan ko ang pag agos ng luha.
"Wifey I'm so sorry pero hindi ko kayang ipagtanggol ka sa kanila" bakit ba siya na so-sorry sa akin? wala naman siyang nagawang masama! "Wifey, matutuloy ang pagpunta mo ng states" napahinto ako sa sinabi niya, parang bigla akong nawalan ng pag asa na ilaban pa ang pagmamahalan naming dalawa. Oo wala pa kami sa tamang edad para dito pero hindi ko ata kakayanin kapag wala siya.
"Wifey? I'm so sorry dahil pati ang engagement niyo ay matutuloy" nabitawan ko ang cellphone ko at napaupo ako sa lapag. niyakap ko ang tuhod ko at tinago ang muka ko. HINDI! HINDI! hindi siya dapat mawalan ng pag asang ipaglaban ito.
"WIFEY! nasa labas si kuya ng bahay ninyo!" nakaload speaker ang cellphone ko kaya naririnig ko parin siya. Nakita ko siya sa bintana at mabilis na umakyat sa gate atsaka kinuha ang susi sa bulsa niya. Binuksan niya ang pintuan at niyakap ako
"Chrisnite.." kinuha niya agad ang kamay ko at tinulungan niya akong umakyat palabas ng gate, wala kasi sa kanya ang susi ng gate kaya napilitan kaming umakyat nalang dito. Pumasok agad kami sa kotse at pinaandar niya agad ito. "Pupunta tayo sa condo ni Asmu" ang bilis ng patakbo niya kaya nag seatbelt ako.
"Gerald salamat sa lahat ng tulong mo" napatingin siya sa akin ng saglit at saka tumungo.
umakyat agad kami ng condo at pumasok sa isang room. Iniwanan niya na ako at isinara ang pintuan.
"Hubb....Hubby!" nakita ko siyang nakayakap sa binti niya at nakatago sa sulok
Napatayo siya at pinunasan ang luha niya "Totoo ba ang nakikita ko?" pinunasan ko ang luha ko. Ang dami niyang sugat sa muka, at ang gulo gulo ng buhok niya.
BINABASA MO ANG
Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]
Teen FictionPano kung ang isang babae BOYISH ay mainlove sa isang romantic guy ? "ANG DREAMBOY KO AY BAD BOY!" yan ang dream boy ni Chrisnite pero pano kung ang tadhana mismo ang magbigay daan para paglapitin ang isang mabangis na LEON sa TUPA? ikaw? anong sati...
![Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]](https://img.wattpad.com/cover/16572499-64-k115588.jpg)