Isang Buwan na ang lumipas masaya ako dahil nawala na ang sakit ko. Nagkaroon pala ako ng over patigue. Kailangan ko daw kasing magpahinga kaya dahil doon, Hindi ako pinakilos ng parents ko. Araw araw naman ang dinadalaw ng braders ko. Hindi ko na nga lang nakikita si hubby. Hindi ko na rin siya sinasagot sa mga tawag at text niya dahil alam kong problemado parin siya hanggang ngayon, kahit na hindi naituloy ang pagbili sa Secret House.
Pagpasok ng kotse sa school ay pinababa na ako sa harap ng Building 1.
“WIFEY!” nagulat ako ng biglang hinawakan niya ako sa kamay ko
“Ha…hub..Hubby?” nanginginig ako. Patay na naman ako
Hinatak niya ako sa tagong lugar
“Saan kaba nagpunta?!” alalang alala ang muka niya
“Huh? Kasi nagkasakit ako” totoo naman eh. Sasabihin ko na ang totoo, tutal alam niya naman din kung nagsisinungaling ako o hindi
“BAKIT HINDI KA NAG TEXT OR TUMAWAG? BAKIT HINDI KA NAG TE-TEXT BACK? BAKIT HINDI MO SINASAGOT ANG MGA CALLS KO?” hindi ko alam na magkaka ganito siya
“Ayoko ko lang kasing magkaproblema ka” niyakap niya ako ng mahigpit
“ALAM MO BA NA SOBRA AKONG NABALIW NG HINDI KITA MAKAUSAP NG ISANG BUWAN?” bakit nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya
“Sorry akala ko kasi, kapag iniwasan kita. Mawawalan ka ng problema” pinaharap niya ako sa kanya. Pumatak ang isang luha na nanggaling sa mata niya
“ALAM MO BA KUNG GAANO AKO NAG AALALA SAYO?” pati ako napaluha. Hindi ko siya kayang umiiyak sa harap ko. Hindi ko siya kayang nag aalala ng ganito
“Sorry…” pagkasabi ko nun, pinunasan niya agad ang mga luha ko
“Miss na miss kita Wifey” niyakap niya ulit ako. Niyakap ko din siya
“Miss na miss na din kita hubby” hinarap niya ako sa kanya
“Alam mo ba Wifey? Naririnig ko ang boses mo bago ako matulog? Alam mo ba kung gaano ako nag aalala sayo? Alam mo ba kung gaano ko nasasaktan sa ginawa mo? At alam mo ba..halos hindi ako makatulog kakaisip sayo?” kung alam mo lang din hubby. Kung alam mo lang kung gaano ko ginawardiyahan ng parents ko para hindi ako makalabas ng isa pa naming bahay sa Makati.
“Sorry kung pinag alala kita hubby” nag iba bigla ang atmosphere. Nakita ko siyang nakatingin ng malalim sa akin
Nakatingin siya sa labi ko. Nararamdaman ko ang pag iba iba ng temperature ng katawan ko. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko.
“Namimiss ko na din ang labi mo Wifey” anong ginagawa ko? Sampalin ko kaya ang sarili ko. Bakit ako napapangiti sa kanya?
“Wifey, I Love You” oo alam ko na naman yon hubby kahit hindi mo na sabihin sa akin
“Hubby, I Love You too” naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya
Hinahalikan niya ako…
Isang halik na may pagka komportable… sobrang tagal…. Ayaw kumalas ng labi ko sa labi niya…
Inilagay ko ang dalawang kamay ko balikat niya at niyakap siya. Hindi ko maintindihan ang kusang pag galaw ng kamay ko.
Hinawakan niya ang likod ko.. sa may part ng bewang..
Gaano ba katagal?
….
Sa wakas kumalas na din siya. Hinawakan niya ulit ang dalawang pisngi ko..
Hahalikan niya na naman ba ako?
Ay hindi naman pala. Pinagdikit niya lang ang mga noo naming dalawa.
“Thank You” ang weird niya ah?
“Thank You saan?” ngumiti siya sa akin
“Thank You sa lahat ng ginawa mo.. Binago mo ang buhay ko” Ayiee..pinipigilan pa kasi Chrisnite eh. Ngumingiti na yan..
Aba ayaw parin ni Chrisnite ah. Ngiti agad
“Haha! Nakatulala ka naman sakin eh” pinisil niya na naman ang ilong ko
Kinuha niya ang shoulder bag ko at saka inakbayan ako. Sige akbayan mo lang ako.Nakakakilig hubby.. Tinanggal ko ang kamay niya
“Why?” tigilan mo nga ako ah
“Wag mo nga akong akbayan?” ngumiti na naman siya
Ano bang klasing ngiti yan? “HAHA!” tumawa na naman. Ito ba ang epekto ng pagkawala ko?
“You’re so cute” inakbayan niya na naman ako. Ang bigat naman nito.
“Tsk! Ano ba namang tao ito oh” bulong ko sa hangin
“What did you say?” patingin ko sa kanya. Whaa! Ang lapit ng muka niya “Ah.. ano” iniiwas ko agad ang muka ko sa kanya
“What?” wag kang titingin sa kanya
“Ah..” pinalapit niya pa ako sa kanya
“Did you say I Love You hubby and please kiss me?” huh? Hindi ko naman sinabi yon ah?
*Muwah
Kiniss kiya ako sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]
Teen FictionPano kung ang isang babae BOYISH ay mainlove sa isang romantic guy ? "ANG DREAMBOY KO AY BAD BOY!" yan ang dream boy ni Chrisnite pero pano kung ang tadhana mismo ang magbigay daan para paglapitin ang isang mabangis na LEON sa TUPA? ikaw? anong sati...