Chapter 5 <Hubby>

36 3 1
                                    

“Hubby?” wala bang tao dito?

“BAH!” ay palaka! Grabe naman itong si Hubby ang kulit

“Hubby naman eh” niyakap niya ako mula sa likod

“Parang kaylan lang Wifey, Nung ang sama pa ng ugali mo” hinawakan ko ang dalawang kamay niya na nakayakap sa akin

“Wifey ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Wag mo ng tatanggalin ang kamay mo ah” hindi ko maiwasang maisip ang pagtatagpo naming dalawa. Dahil sa picture, kaya kami ngayon ay magkasama. Dahil na rin siguro kay Jonvie na nakilala ko nung una.

“Wifey mahal na mahal kita, Kahit anong mangyari hinding hindi kita papalitan” parang natamaan ako sa sinabi niya. “Wifey magkano ka ba?” anong sabi niya? Aba! Ano ako bayaran?

“ANONG SABI MO?” hindi ko matanggal ang kamay ko

“Haha! Joke lang naman Wifey. Kasi alam mo mas mahal ako sa’yo” tumawa na naman siya ng malakas

“Haha.. nakakatawa Hubby” ang korny niya naman. Pero okay lang, kayakap niya naman ako eh.

“Wifey, Inudoro kapa?” aba ano to? Fliptop or pick up?

“Bakit sa lahat ng bagay, Sa inudoro mo pa ako ipinagkumpara Hubby?” asar to ah

“Kasi muka mo palang, parang taihan na” tumawa na naman siya

“Ah ganun?” magisip ka nga Chrisnite na pangbato dito “Pozo negro ka ba Hubby?” ayan na pinaharap niya na ako sa kanya

“Bakit?” ano na naman ito. Bakit pinapalapit niya ng pinapalapit ang muka niya? Baliw ba siya, PAANO AKO MAKAKA CONSENTRATE? “kasi…” kinakagat niya ang labi niya “Kasi.. ano Hubby” ngumingiti na naman siya.

“Ano nga Wifey?” ano bayan nakakalimutan ko na ang sasabihin ko

“Kasi…” nilapit niya ang ilong niya sa ilong ko “Ano… KASI HUBBY! WAG KA NGANG GANYAN!”

Lumayo siya sa akin

“Wifey, Kili-kili ba kita?” ayan tuloy nawala ako sa sarili ko

“Bakit Hubby?” kinindatan niya ako

“Ay sorry! Amputi mo kasi eh” sarcastic niyang sinabi “Ano Wifey?” aba! Oo naalala ko na

“Sige. Hubby Pozo Negro kaba?” kumamot ulo siya “Bakit?”

“HALA? NGAYON MO LANG NALAMAN?” Oopss.. sorry naman Hubby, Biruan lang naman eh.

“AH GANUN AH!” bigla niya akong tinulak sa sofa niya. Inayos niya ang kwelyo niya, lumapit sa akin, at dinaganan ako. Whaa! Ano tong nararamdaman kong init? 

“Wifey, kama kaba?” anong kalokohan na naman ito Hubby? “Ba-Bakit?” Inhale bilis! Exhale agad Chrisnite! Whoo!

“Kasi ang sarap mong higaan” nanlaki ang mga mata ko “Hu-Hubby? Anong ginagawa mo?” ngumingiti siyang parang demonyo

“Haha! Patay ka ngayon sa akin” bigla niya akong kiniliti sa dagiliran ko

“WHAHAHA! HUB..HUBBY!” Whaa! Ayoko na, Hindi ako makahinga!

“AKALA MO WIFEY AH” nasaibabaw ko siya ngayon at patuloy parin sa pagkikili sa akin.

*Blag! Bigla akong nalaglag at ngayon ay ako naman ang nasaibabaw niya. Aba!mabawian ko nga. 

“Ah Ganun Hubby?” kiniliti ko siya sa leeg, sa tagiliran pero walang epekto sa kanya “HAHA! AKALA MO AH!” napaupo ako sa sofa niya. SHIZ! PATAY AKO! Ang lakas pa naman ng kiliti ko

“TA-TAMA NA HUBBY!!” Ayaw parin niya? Baka mamatay ako sa pagkalimot sa paghinga nito. Ito nalang ang naiisip kong paraan.

Hinalikan ko  siya, bigla siyang huminto at hinawakan ang likod ng leeg ko. Huminto siya at nagkatingin kami sa mga mata

“Bakit mo yon ginawa?” biglang iba ng atmosphere?

“Ayaw mo kasing tumigil eh”

***

“Gabi na Hubby” hindi parin kami umaalis dito. Kakatapos lang kasi naming kumain

“Oo nga eh” hindi siya makatingin sa akin

“Hubby? What’s wrong with you?” nakakapagtaka siya

“TSK! ANG TAGAL NAMAN!” wow huh? Ang layo ng sagot.

*PLAK!

May malakas na tunog mula sa labas “Hubby ano yun?” ngumiti siya sa akin ang hinatak ako palabas ng bahay

“LOOK!” nasa likod kami ngayon ng bahay na ito. Ang ganda ng tubig na umaagos sa gilid ng pader. Ang ganda din ng mga bulaklak na nakapaligid dito. Ang daming kandila na nakalagay sa lapag ng sahig.

“Wifey. Try this one” medyas? Anong gagawin ko diyan?

“Para saan?” pinaupo niya ako sa isang upuan, tinanggal ang sandals ko at ipinasuot ang medyas na hawak niya

“Wifey. Masarap maglakad dito lalo na kapag wala ang sapatos mo” hindi naman kasi bako-bako yung sahig nito kaya okay lang

“tatayo na ba ako Hubby?” tumungo siya sa akin. Inilapat niya ang kamay niya ay sabay kaming umakyat sa bawat hagdang matapakan namin. Oo ang sarap talaga dito. Ang lamig sa paa at masarap din ang simoy ng hangin

“Wifey, aakyat pa tayo ah. Wag kang titingin sa baba” bakit kaya? Bahala na si Batman basta susundin ko siya.

“Parang nakakapagod na Hubby” nakakaloko kong pagkakasabi.

“Nandito na nga tayo eh” humarap kami doon “WOW!” ang ganda ng view dito. Kitang kita ko pa din ang mga kandila sa baba na natatakpan ng mga babasaging kagamitan

“Maganda ba Wifey?” oo naman noh? Hindi ko ba masasabi yon kung hindi ako nagandahan diba?

“Wala akong masabi Hubby” boyish kong sinabi sa kanya

“Haha! Maganda na para sayo ang ganyan? Wifey, darating ang araw na may mas maganda pa akong makikita kesa sa bahay na ito at may mas masaya pa akong mararanasan kesa sa nakikita kita ngayon ” tumingin kami sa isa’t isa “At iyon ay ang mapakasalan ka at magkaroon ng cute baby diyan sa tiyan mo” napangiti ako sa binitawan niyang salita.

Hinawakan niya ang kamay ko “Sana sa huli tayo pa din ang magkasama” tama ka Hubby, Sana nga magkatotoo iyan. 

Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon