Hinila niya ang kamay ko palabas ng building
“BAKIT KA NAGTATAGO?! SA SUSUNOD HINDI KA PWEDENG MAGTAGO“ pakiramdam ko mas mahigpit pa siya sa tatay ko “SIGURO KAYA KA NAGTATAGO DAHIL MAY KA FLIRT KA” sumosubra na siya ah
*PLAK!
Hindi ko napigilang sampalin siya “SUMOSOBRA KANA AH! IKAW NGA HAHALIKAN MO NA KANINA YUNG BABAE EH!”
“HAHAHA!” bigla siyang tumawa “NAGSESELOS KABA?” ang lakas ng boses niya
“Grabe ka talaga” napaiyak ako sa sinabi niya. Akala niya ba magloloko ako sa kanya? “Di ba kasunduan lang naman ito? Ano bang ikinaseselos mo?” parang sumakit ang puso ko sa sinabi niya.
“Oo alam ko yon! Pero hanggat may nasa kasunduan tayo.. Hindi ka dapat ganyan” ito na naman yung sakit ng ulo ko. Parang nauulit na naman ang pagsakit nito tulad ng nangyari sakin noong nakaraang araw.
“Teka.. Okay ka lang ba?” napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit. Para itong binibiyak ng unti-unti.
“Wifey! Wag ka ngang umarte” ang labo. Dumidilim ang bawat gilid nito. Ang dilim.. Sobrang dilim
POV: Jonvie
“Bakit nagsisigawan sila doon?” pumunta ako pababa ng building. Nakita ko si Chrisnite na sinisigawan ng lalaking iyon
“Grabe ka talaga” iyan ang narinig ko dito sa kinatatayuan ko. Lumapit pa ako sa kanila.
“Oo alam ko yon! Pero hanggat may nasa kasunduan tayo.. Hindi ka dapat ganyan” kasunduan? Anong klaseng kasunduan ang tinutukoy niya? Biglang hinawakan ni Chrisnite ang ulo niya. May sakit pa rin ba siya? Bakit.. HALA! Hinawakan siya ng lalaki at tinnulungang makatayo
“Teka.. Okay ka lang ba?” nakatingin siya sakin
“Wifey! Wag ka ngang umarte” tama ba ang narinig ko? Wifey? Anong klase call sign yon?
Binuksan ko agad ang kotse kong nakaparada sa harap ko. “BILISAN NIYO!” binuhat agad niya, pinagbuksan ko sila ng kotse at saka niya ito inilagay sa loob. Pumunta ako sa driver’s seat.
Nandito kami ngayon sa private hospital. “Papunta na dito sila tita” sinabi ko kay White Devil
“Kaano ano mo ba siya?” tanong nito
“Isa ako sa kaibigan ni Chrisnite” tinignan niya ako ng masama
“Kung may gusto ka sa kanya… Wag mo ng ituloy na ligawan siya” paano niya nalaman? Oo nagkakaroon na ako ng gusto kay Chrisnite.
“Anong ibig mong sabihin?” tumayo siya at hinimas himas ang noo ni Chrisnite
“She’s mine, matagal na kaming mag syota” hindi totoo ang mga sinasabi niya ngayon “After our treaty ka nalang manligaw sa kanya, dahil masasaktan ka lang kung itutuloy mo ang panliligaw sa kanya” ibig sabihin may kasunduan nga talaga sila
“Alam kong nacu-curious ka about sa kasunduan namin.. Mas maganda kung hindi mo nalang ito aalamin” hindi ko siya maintindihan. Paano niya nababasa ang iniisip ko? “Sa loob ng anim na buwan kaming mag syota”
Ito ang ikanagulat ko. 6 months na magsyota? Nagbabanta kaya siya sa buhay ni Chrisnite kaya pumayag ito na maging syota niya sa loob ng anim na buwan?
“Aalis na ako, papunta na ang mga parents niya” humawak siya sa door knob
“Teka paano ka nakakasigurado na papunta na sila?” huminto siya at tumingin sa akin “Alam ko kung anong oras sila makakapunta dito dahil alam ko kung gaano kalayo ang distance ng bahay nila dito” nakakamangha siya. Ang talino niya.
Lumabas na siya at ilang sandali lang. Biglang bumukas ang pintuan at nandiyan na ang parents ni Chrisnite
“Oh! My daughter” alalang alala si tita
“Sige tita and tito I need to go na po”
Tumanim sa utak ko ang salitang iyon ‘She’s mine’ hindi ito lumabas sa isip ko. Hanggang ngayon hindi ako mapakali. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang plano nitong White Devil.
Lumabas ako at pumuntang SM para mamili ng prutas at inumin
Tawagan ko muna si Zrikia para ipaalam na nasa ospital si Chrisnite
“Hello Zrikia?” walang sumasagot. “Nasa main hospital ngayon si Chrisnite”
“WHAT?!” napalayo ko ang cellphone sa tenga ko. Sabi ko na nga ba sasagot agad ito kapag ang topic si Chrisnite eh
“Nasa Private Hospital siya ngayon, doon sa Main ah” bigla akong pinatayan “di manlang nag thank you”
Bumalik na ako sa hospital
“Whaa! Wag mo kaming iwan Chrisnite” may umiiyak sa loob ng room ni Chrisnite. Hindi ito pwedeng mangyari. Hindi pa siya patay. Binuksan ko agad ang pintuan at nakita ko ang tatlong katropa niya
“BAKIT? ANONG NANGYARI?!” inilapag ko agad ang dala kong mga pagkain sa sofa at lumapit sa kanya
“SUMAGOT KAYO!” pagtingin ko ay nakangiti silang lahat “Anong problema niyo?”
“WHAHAHAHA!” nakita kong gumalaw ang kamay ni Chrisnite
“Chrisnite nandiyan na ang jowa mo” nakita kong nakatingin siya sakin. Nakangiti at parang maamong leon na tumitingin sakin. Aaminin ko, gandang ganda talaga ako sa kanya.
“AYIEEE”
Tumalikod ako dahil hindi ko na mapigilang mapangiti sa kanya. Kunyare kinukuha ko ang isang Apple at hinugasan ito sa may lababo.
“Brad CR lang kami ah” parang natatawa pa silang lahat
Ginayat at unti unti ko itong hinihiwa sa tabi niya
“Ang bait naman” napatingin ako sa kanya, ngayon ay bumangon siya ng dahan dahan
Napatingin ako sa mga mata niya
“AW!” bigla akong nasugatan. Nabitawan ko ang kutsilyo at bumagsak ito sa lapag. Kinuha ni ang kamay ko pero inilayo ko “Malayo yan sa bituka” sagot ko
“Wait! Let me!” dahan-dahan kong inilapit ang kamay k.o
Kinuha niya ang kamay ko at kumuha ng kapirasong tela sa gilid ng lamesa niya. Ipinapalibot niya ito sa daliri ko.
Ang sarap pala kapag may nag aalaga sa iyong ganito. Seryoso siyang nag nagtatali dito. Ayan tapos na.
Biglang bumukas ang pintuan “Haha oo nga tapos—“ napatingin kaming dalawa ni Chrisnite kay Zrikia na unang nagbukas ng pintuan. Biglang lumaki ang pagkakabukas ng pintuan at isa isa silang nakatingin sa aming dalawa.
“Ehem!” sabi ni Marzi. Binitawan ni Chrisnite ang kamay ko at umayos ng pakakaupo “Ahmm.. Sige shopping muna kami” tumalikod siya tapos “Diba? Treat mo Marzi” mukang nanlaki ang mga mata ni Marzi “Ah.. Oo Treat ko yon” sarcastic nitong sinabi
Sumasarado ang pintuan at kaming dalawa nalang ang natira dito

BINABASA MO ANG
Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]
Teen FictionPano kung ang isang babae BOYISH ay mainlove sa isang romantic guy ? "ANG DREAMBOY KO AY BAD BOY!" yan ang dream boy ni Chrisnite pero pano kung ang tadhana mismo ang magbigay daan para paglapitin ang isang mabangis na LEON sa TUPA? ikaw? anong sati...