<Swimming competition>

28 3 2
                                    

POV: Asmudeus

Gising na ako pero nakapikit parin ang mga mata ko. Parang ang bigat ata ng katawan ko. Binuksan ko ang isang mata ko at nakita kong nakapatong ang ulo ni Chrisnite sa katawan kong HOT. Dahan dahan kong kinuha ang kamay ko habang nakadagan sa katawan niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang gumalaw siya. Teka parang ang lambot? Yung kamay ko... nasa bandang dibdib niya. Ang bilis talaga ng pagtibok ng puso ko. Hindi ako makahinga sa sobrang kaba ko.

parang gising na ata siya ngayon. Pinikit ko ang mga mata ko para hindi niya ako suspetsahan na nakahawak sa dibdib niya.

Nawala na ang bigat ng katawan ko 'lumayo na ata siya' "Hubby,hindi ka parin gising?" ang kati ng paa ko pero hindi ako makagalaw. Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko.

nakakaramdam ako ng hangin sa muka ko. Sinilip ko ng kaunti nakapikit siya at.... 'HAHALIKAN AKO NG CHRISNITE?!' mas lalo akong kinabahan.

"WAIT?! HINDI NA HUMIHINGA SI HUBBY?!" hinawakan ko ang leeg niya at pinalapit sa muka ko. Hahalikan ko na dapat siya pero parang may pumipigil sa aking gawin ang bagay na iyon. Ang mga matang iyan! yan ang nagpapakalma sa akin. Para siyang lumiliwanag kapag nakikita ko sa malayuan at mas lalo na kapag harapan

"GISING KANA!" biglang siyang lumayo at hinawakan ang magkabilang balikat ko.Niyugyog niya ako ng malakas at saka niyakap ako ng mahigpit. "Ahhh" natamaan niya ang sugat ko.

"Ang ganda mo Wifey" kahit wala siyang make-up. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pangyayari. Para akong pinipigilang huminga.

"Ayiie! kinilig ako dun Hubby" napakamot lang ako ng ulo tapos tumayo na agad ako

"Nga pala aattend tayo ng swimming competition" huminga ako ng malalim.

"ito ang suotin mo ah" may hawak siyang damit na nakahanger. Naknang! ang galing na sa lahat ng Wifey ko. Pati pala sa fashion marunong siya?

"Ayoko niyan" tumalikod ako. Syempre! papakiligin ko muna siya

"Ito nalang kaya Hubby" tsk! tanungin mo kaya ako kung bakit ayaw ko. Ang slow naman. tumingin ulit ako sa damit na hawak niya.

"Ayoko niyan!" tumalikod ulit ako. Oo nga pala naka short lang ako. Kinuha ko agad ang kumot at itinali ito sa bewang ko.

"Bakit ba ayaw mo?" Yon! dapat ganyan

"Baka kasi pagtinginan ako ng mga babae doon eh" lumapit siya sa akin at pumunta sa harap ko

"Oo nga tama ka Hubby. Sige mag sando ka nalang para mas lalo silang mainggit sa akin" HAHA! akala ko siya ang kikiligin sa pick up line ko! bakit para atang ako ang nadala sa sinabi niya. Palihim lang akong ngumiti at sinuot ang nasabi niyang mga damit. Kitang kita ang mga muscle ko dito.

"May mga damit doon sa kwarto" tinuro ko ang pangalawang kwarto. Pumasok siya doon.

"Ano tara na ba Hubby?" nakita ko siyang naka dress na maikli. Oh my! she's so hot. napansin ko na naman yung dibdib niya.

"Why?" hindi ako makatingin sa kanya ng diretso at iniwas ko lang ang tingin ko.

"Palitan mo yan" ang tagal niya naman lumabas ng kwarto.

"Eto okay na ba?" napahinga ako ng malalim. Ngayon naman fit na fit sa kanya yung damit. may layer itong blach sa gilid ng damit at pink naman ang bumabalot dito. AYOKO NA! Bakit ba laging bakat ang dibdib niya?

"ANU BAYAN! AYOS NGA NG SUOT!" napapakamot ako sa ulo. kumukunot na rin ang noo ko.

"Okay na ba ito?" napapikit ako at minulat ko ang mga mata ko.

Biglang bumilis ang tibok nga puso ko. Nakakita ba ako ng anghel?

"Okay na ba ito Hubby?" nilagay ko ang isang kamay ko sa muka ko at pinadulas ito hanggang bibig.

"Ah..." nakita ko na naman ang dibdib niya. Napakagat ako ng labi.

"Ano na?" ano nga ba ang tanong niya sakin.

"Huh? tara na?" hinawakan ko agad ang kamay niya

"Wait! mag susuot lang ako ng sapatos" nagsusuot siya habang ako naman ay naghihintay dito sa pintuan.

"OUCH!" bigla kong binuksan ng malaki ang pintuan. Nakita ko siya nadapa. Ano ba namang damit yan? Nakita ko na naman yung dibdib niya.

"Ano bang klaseng damit yan!" lumapit siya sa akin "HOY! FYI! ikaw ang pumili nito" napakagat lang akok at napakamot ng ilong.

naglakad kami papuntang elevator

"Hubby? bakit hindi mo ako pinapansin?" bahala ka diyan. Bumukas ang elevator at nauna siya. Niyuko ko lang ang ulo ko para hindi ko na mapansin yon. "Huy!" kaming dalawa lang dito sa elevator. Hawak ko ang bag niyang maliit. "Hubby?" pinindot niya ang pisngi ko at bigla kong nabitawan ang bag niya

"Ehem!" kinuha ko lang ito. "HubbY!" hindi ko naiwasang mapatingin sa kanya. HAY! napansin ko na naman yon. Tumigil ka ngang tukso ka!

"Hubby naman eh" nakapikit akong humarap sa kanya.

"Ano?" biglang tumunog ang elevator kaya lumabas kami

"Hubby?" tsk! ayoko na talaga Wifey

"Yung ano mo kasi... Yung suot mo" iginilid ko ang mata ko at nakita kong tinitignan niya ang suot niya "Bakit?" inakbayan ko siya at inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya "Bakat kasi yung boobs mo" nanlaki ang mga mata niya at bigla siyang lumayo.

*PLAK!

napahawak ako sa pisngi ko. AH! ang sakit ng sugat ko. "HUH?!" napasigaw siya. parang nakita ko sa mga mata niya ang pag aalala. Tinignan ko ang kamay ko at may nakita akong dugo. Pumasok ako sa cr. Agad akong nag buhos ng tubig sa muka.

"WHAT THE HELL?!" mag mga bilog na maliliit ang nakasulat sa muka ko. Kaya pala kanina pa ako pinagtitinginan. Kaya pala may nakakalat na make up sa tabi ng lamesa.

Malakas kong ibinukas ang pintuan "WIFE......Y!" nanlaki ang mga mata niya at ngumiting nakakaloko.

"hehe! kasi ano... hehe"  

Ms.Boyish meets Mr.Romantic Guy [[ON GOING]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon