Chapter 7 “meet the family”
<Lalaine’s POV>
Daddy? Tatay niya yung prof namin dati sa Government accounting? Di halata ah. Ni parang hindi nila kilala ang isa’t isa at ang formal ng dating nila pag sa room eh kaya pala same sila ng apilyido. Bakit di ko naisip na baka magkamag-anak sila. Hmm. Haay naku Lalaine. :)
“hija, kaen ka lng ng kaen wag kang mahiya, anniversary kasi namin ngayon ng mommy ni Ryan” sabi sa akin ni Sir Encarnacion, who is daddy ni Ryan.
“opo Sir E---- ”
“hep. Nasa bahay tayo, wag mo na akong tawaging Sir. Tito nalang. Tito Ian”
“opo, tito Ian. Matanung ko lang po anu pong pangalan ng mommy ni Ryan?”
“Raiza, bakit?”
“doon ho ba nanggaling name ni Ryan? Combination po ng names niyo mag-asawa?”
“hahaha. Oo gnun na nga, peo nakakatuwa noh? Ang common ng kinalabasan.”
“opo, tama po kayo diyan. :D”
“nasaan po pala si mommy dad?” tanung ni Ryan
“padating na yun may binili pa sa mall eh.”
“okay po dad.”
“sige na hija, kain ka pa. kaw Ryan, hinay hinay lang. ^_^”
*ding dong*
“ay ayan na ata mommy mo Ryan”
“sige dad ako na lang mag-open ng gate”
Pumasok sa loob ng bahay si Tita Raiza.
“hello, hon! Happy aniniversary, kain kana.”
Uhh.. ang sweet.
“hello po, Good afternoon po.” Bati ko kay tita Raiza.
“Mommy, si Lalaine po, friend ko”
“siya yung laging kinukwento sa atin ni Ryan hon”
Sandali lang, kinukuwento? Knina ko pa iyan naririnig kay tito ah? Anu kayang kinukuwento ni Ry sa parents niya na tungkol sa akin?
“ahm excuse lang po ah? --- Ryan?”
“hmm?”
“anung kinukuwento mo sa kanila about sa akin?”
“hahaha. Hija, wag kang mag-alala. Ayos naman pagkakakuwento sa amin ni Ryan sayo. At mukhang totoo lahat ng sinabi niya.” Sabi ng mommy ni Ryan. Hala narinig pala ako. Hihi.
“po?”
“hahaha. Nevermind hija, tara kainin na natin tong dala kong Ice cream” alok ni Tita.
At sa ayun na nga, kumain lang kami ng kumain, nagkuwentuhan din, tawanan at kulitan. Ang sarap kausap ng magulang ni Ryan. Hinding hindi ka mauubusan ng topic pag kausap mo sila. Pakiramdam ko ay welcome na welcome ako sa kanila.
*******
“haay, busog na busog ako” sabi ni Ryan sabay tayo.
“bakit ba naman hindi ka mabubusog, eh halos nakailang round ka ng kuha eh. hahahaha” pang-aasar ng daddy ni Ryan.
“daddy talaga oh, kayo din naman madaming nakain eh. Ay dad, labas muna kami ni Lalaine magpapaba lang ng kinain”
“eh bakit sasama mo pa itong si lalaine, baka gusto pa niyang kumain eh, kaw tong malaki ang tyan, kaw nalang magpababa ng kinain. hahaha”
“dad?! Kayo talaga”
“haha. Okay lang po. Busog na din po ako. Feeling ko nga po sasabog na tyan ko. hehe” sagot ko naman.
“sure ka ba Lalaine, busog ka na? madami pa oh”
“okay lang po tito. Sige po labas na po kami ni Ryan”
Pagkatayo namin ay dinala ako ni Ryan dun sa Garden nila. Ang ganda ng garden nila para kang nasa paraiso, ang sarap magrelax.
“wow! Ang daming flowers! Sinong nag-aalaga sa garden niyo Ry?”
“kaming tatlo. Mahilig talaga kami sa mga halaman. Actually eto oh (sabay hawak dun sa rose) ako nagtanim niyan.”
“talaga? Ang ganda naman, ang ganda ng pagkakaalaga mo sa kanila.”
“gusto mo ng isa?”
“pwede ba? Baka kasi masayang lang, hindi kasi ako marunong kung paano alagaan yan eh pagkapitas.”
“hindi ayos lang, malanta man yan, edi, itago mo, remembrance.”
“adik ka talaga. haha” pagkasabi ko nun ay pinitas na ni Ryan yung Rose at sabay abot sa akin.
“yan, tago mo ha?”
“Hmm. Ang bango.”
“nagustuhan mo ba?”
“oo naman, sino ba naman hindi magkakagusto pag binigyan ka ng Rose. @~)~~~ ”
Ang ganda talaga ng bulaklak. Tuwang tuwa akong pinagmamasdan eto. Hanggang sa napansin kong nakatitig pala sa akin si Ryan. Ningitian ko lang siya and siya din.....
.....masaya ako, masayang masaya, hindi lang dahil sa binigyan niya ako ng Rose.. basta ang saya ko. Sobra.
BINABASA MO ANG
Forever Kiss
Teen FictionThis is not a typical love story. Maybe for others. Pero nagsimula ang lovestory nila sa isang pangyayari na dapat ay sa dulo nagaganap. magulo ba? hehehe. Ating subaybayan ang mga mangyayari sa kanila. Ito ay istorya nina Lalaine at Ryan, sila ay t...