Chapter 16 "usok pa lang"

17 0 0
                                    

Chapter 16 “usok pa lang”

<Ryan’s POV>

*gumising ka na! waaah! Gumising ka na!* (A/N: hahaha. Alarm clock po yan.. ^_^v)

“(hikab) haaay, anu ba yan parang di naman ako natulog. Haay.” Gabi gabi nalang ako nakakauwi. 9:30 kami nakaalis sa bahay ni Tommy, tapos naman 10:30 na ako nakadating sa bahay. Di ko na nga natawagan si Lalaine, kasi sobrang pagod at antok na talaga ako. Hmm. Oo nga pala halos hindi na kami masyadong nagkakasabay umuwi at pumasok, tapos maski sa room, hindi na din kami nagkakausap. Sobrang busy na talaga. Hmm. Masurprise ngang sunduin siya.

********

“oh? Ryan? Andito kana pala. Tawagin ko lang si Lalaine ha?”

“sige po tita.”

Makalipas ng 5 minuto lumabas na si Lalaine.

“hi Lalaine, goodmorning.”

“goodmorning din.” Hmm. Bakit ang cold ata niya?

“oo nga pa---”

“himala at wala ka atang gagawin ngayong umaga.” Pagpuputol niya sa sasabihin ko.

“a-h-hh, oo wala eh. Mamayang uwian na lang daw ulit namin tutuloy.”

“ahh, ganun ba, okay.” Ang cold niya talaga. Hmm. Bakit siya ganyan? Hmm. Lambing lang katapat niyan. =)

“halika nga dito.” Ayan, inakbayan ko siya. Haha. Lambing lang katapat nyan.

“Ryan? Anu b--- oh ayan na yung jeep.” Pagkasabi niya nyan ay tinanggal niya yung pagkakaakbay ko sa kanya. Haay. Anu bang nangyayari?

*******

“ahmm. Lai, kumain ka na ba? Pasensya na hindi na ako nakapag-paalam sayo, kumain na kasi kaming apat (thesismate) kanina eh”

“oo, alam ko. Lagi naman. Sige kakain nalang ako mag-isa.” Sabay tayo at labas ng pinto. Hinabol ko siya at hinawakan sa braso.

“sandali nga? Anu bang nangyayari sayo? Kanina pa ganyan asta mo sa akin ha?”

“ha? Nangyayari? Wala, normal ko ito?”

“anung normal diyan? Eh, hindi ka naman ganyan dati eh.”

“ahh talaga? Ewan ko sayo, lawak ng imagination mo.” Sabay alis ulit.

“hey! Anu ba? Mag-usap nga tayo.”

“mag-usap? Alam mo, lagi naman ganito eh.”

“ang alin ba?”

“heto, yung magsosorry ka kasi hindi tayo sabay nakapag-lunch. Alam mo bang yun na nga lang ang time na pwede tayong magkasabay at magka-usap. Pero pati iyon kinuha na din ng mga kagrupo mo.”

“pero para sa thesis naman namin iyon eh. Nagpapalano kami ng gagawin sa bahay nina tommy.”

“ayun na nga eh, magkikita naman kayo sa bahay nina tommy, halos kulang na nga lang pagdikitin na mga mukha niyo eh. Ang hiling ko lang kahit isang araw magkasabay tayong kumain para magkamustahan yun na nga lang ang oras na nakikita kong available tayong dalawa eh. Ni hindi na nga ako nakakapunta sa inyo para mag-aral kasi alam kong maski ikaw hindi pa din nag-aaral. Kaya ang hinihimutok ko dito, kahit konting oras lang bigyan mo ako, magkamustahan man lang di ba? Pero, anu? Wala eh, mukhang wala na talaga. Hirap kasing sumingit sa schedule mo eh. >.< ”

“haayy. Lalaine naman eh, sige. I’m sorry, hindi ko alam na ganyan na pala ang effect nito sayo. I’m really sorry, akala ko naiintindihan mo naman kung bakit ganito.”

“iniintindi ko naman Ryan, sobra! Sobrang-sobra, hanggang sa hindi ko na kinaya. May point naman ako di ba? Yung kaisa-isang lunch break na lang na iyon yung oras natin di ba? Yun lang naman  Ry, yun lang T_T” nung Makita ko na ang mga lumuha nya, agad-agad ko siyang niyakap at pinapatahan.

“shh..Lai, stop, stop crying na. shhh. Sige, sasamahan na kita ngayon kumain, bahala na muna sila dun. Shh. Tama na.”

Pagkatapos ng pag-uusap namin nito ni Lai, ay agad-agad ko itong pinaliwanag sa kagrupo ko, pumayag naman sila na wag nang magmeeting during lunch break. Kasi maski din daw sila hindi na din nila nakakasama friends nila.

Mga dalawang linggo na din ang nakaklipas mula nung pakiusapan ako ni Lai, na sa lunch break ay magbonding naman kami. Nagawa naman namin iyon at ngayon ko lang napagtanto na importante talaga ang communication. Kasi parang namiss ko siya ng sobra. Kumbaga pag magbebell na ay magkakatinginan kaming dalawa at ngigiti. Yung feeling din na naeexcite kasi magkikita na kayo ulit.

*****

“oh Ryan, anung bibilhin natin?”

“hmm. Gusto mo ba ng adobo?”

“hmm. Adobo?.......sige ayos lang.”

“okay.----Ahm, miss dalawang order nga po ng adobo. Salamat po.”

Nung dumating na yung order namin ay kumain na kami at nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Sana hindi na ito mahinto. Ganito na lang kami palagi.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Pero isang pangyayari ang hindi ko aakalaing magpapahiwalay sa amin. At pinagsisihian ko iyon.

Forever KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon