Chapter 23 "moved-on?"

14 1 0
                                    

Chapter 23 “moved-on?”

Makalipas ng ilang buwan ay dumating na din ang araw na pinakahihintay nina, Ryan, Nica, Clarence, Tommy, at Marie ANG GRADUATION!

<Ryan’s POV>

“wow, pare! Tignan mo itong si Nica, ngayon lang gumanda ah.”

“Clarence? Pwede ba? Pinagtitripan mo nanaman ako.”

“aysus! Kayong dalawa ha? Baka magkatuluyuan kayo. Ayieeeee.” kanchaw ko.

“oo nga, bakit hindi niyo i-try, bagay naman kayo. Ayieeee.”

“anu kami? Damit? Ita-try? My goodness!”

“makareact to? Kala mo?” hindi papatalong sagot ni Clarence

“kala ko anu? Anu?”

“oy, oy, tama na yan. Graduation po natin oh.” Pagpigil ko sa dalawa. Haay hetong dalawa talaga oh.

Makalipas ng 30 minutes ay nagsimula na ang programa, awards, message at ang pinakahinihintay ang announcement ng mga honors.

Out of 300 cum laude ay pasok doon sina Nica, Marie, Clarence at Tommy

Samantalang ako, nawala ata. Haayy.

“And for our MAGNA CUM LAUDE! Mr. Ryan Encarnacion!”

Applause! Applause! Clap! Clap! Cheer! Cheer!

Umakyat na ako ng stage at kinuha ang medalya ko at certificate. Grabe! Ang saya! Naabot ko, hindi lang ang pangarap ko pati ang pangarap namin ni Lalaine. Kung andito ka lang Lalaine. I’m sure dalawa tayong nakatayo dito.

Pagbalik ko sa upuan ko. “woah? Di nga pare? Magna ka? Bakit di mo sinabi samin.” Sabi ni Clarence

“oo nga Ryan, ang daya mo, ang sinabi mo sa aming lahat ay cum laude ka.” Sabi ni Nica.

“kaya pala laking gulat ko bakit wala ka sa listahan ng tinawag na Cum Laude eh. Kaw talaga.” Sabi ni Tommy.

“hahahaha. Sorry, guys, ganun din naman sinabi ko sa mga magulang ko, gusto ko silang i-surpresa.”

A/N: Masayang natapos ang graduation, may kanya kanya silang celebration with their families. Pero nagset din sila ng araw na may celebration ang magkakaibigan. Then ilang linggo after ng celebration ay nagreview na sila for their board exam. Sa awa ng Diyos ay nakapasa silang lahat. =)

********

....After 3 years...

<Ryan’s POV>

Haay, sa wakas at Linggo na makakapagpahinga na ako. Hmm. Maka pag-net nga muna.

*pop!*

“oh? Daming message ah? Anu ito?” binasa ko yung message sa FB na madaming nakatag.

Message: guys! Kamusta na? buhay pa ba kayo? Haha. Namiss ko na ang section natin. Kayo ba namiss niyo na? ahm. May gusto sana akong isuggest eh, ayos lang kaya?

I, Mr. De Leon, the president of section ### for the year 20**-20**, is asking everyone for REUNION =).

 Anu guys? Game?! Message me here! I’ll wait for your response. Miss you all.

“woah! Reunion ng original kong section. Astig. Gusto ko yun. Medyo nale-late na pala ako sa balita, madamidami na ding nagcomment. Makapagcomment nga din.”

Reply: guys? Who’s online? Tuloy pa ba? Count me in! =)

Hmmm. Mukhang walang online, makapagbasa nga muna ng mga comments dito.

*click* *click* *click*

“woah? May time at place na pala at sure na pala ito.”

*pop!*

“oh? May nag message.”

Message from Darryl: Ryan! Kamusta? Oo tuloy pa din ito, andyan na din yung place at time. Sinama na kita sa bilang, sumama ka ah.

Reply: hahaha. Okay lang ako. Of course sasama ako. Papalagpasin ko ba iyan. Sige, kita kits =D

********

...Reunion...

“hoy! Ryan!”

“Mga Pare!”

“grabe Long time no see”

“oo nga pare. Kamusta na?” at sa ayun nga nagkamustahan na kaming lahat, unti unti na ding nagsisidatingan ang lahat, parang makukumpleto ata kami ah, kaso..impossible, hinding hindi na pala kami makukumpleto.

“ha? anu? Hindi ka sure sa place? Where are you na ba?” hmm. Sino kausap ni Rose dun? “ahh. Okay, tama naman dinadaanan mo, ahmm sa ***** ka nalang magpark, hintayin mo ko diyan, medyo malapit na iyan dito--- okay, okay. Sige. Can’t wait to see you. Bye.”

“oh Rose sino yun?” tanung ni Erika. Remember her? Yung sa kanila ni Darryl sa truth or dare? Hahaha. Alam niyo bang engage na yang dalawa. =)

“Si Marie, hindi kasi mahanap yung location natin.”

“Si Marie?! Yeay! Makakapunta siya!” patalon-talong sabi ni Erika.

“sino? Si Marie?” tanung ko

“oo, nalimutan mo ba? Yung bestfriend ni Lalai---oopps. Sorry Ryan.”

“ahh, hindi okay lang Rose. Don’t worry naka-move on na ako. Pero syempre pag napapaalala siya sa akin ay nalulungkot pa din ako.”

“sorry talaga ah.”

“yeah, It’s okay. Oo nga pala, anung merun? Naliligaw ba si Marie?”

“some kinda, pero naayos ko na, kikitain ko nalang siya, tapos dadalhin ko siya dito.” Then, after that ay umalis na siya at pumunta kung nasaan si Marie para sunduin.

After 15 minutes dumating na si Marie.

“Marie!”

“kamusta na?”

“wow! Ang sosyal mo na!”

Haha, yan ang pambungad nila kay Marie. Oo nga umasenso na talaga si Marie, hindi lang siya CPA, may-ari din siya ng mga sikat na negosyo, iba-iba nga eh, galing talaga. Nung okay na ang lahat, nagsimula ng mag-kainan at syempre magkuwentuhan at magkamustahan.

“talaga? Sa ***** corporation ka nagtatarabaho Ryan?” sabi ni Erika.

“wow! Ang bongga dun ah? Mahirap daw exam dun kaya hindi na ako nagtry.”

“haha. Oo mahirap nga eh, daig pa mga quiz natin.” Sabi ko.

“sabagay, siya lang naman ang Magna sa atin!” kanchaw ni Marie

“grabe, hahaha. Hindi naman.”

“sus pahumble. Hahaha.” pang-aasar nilang lahat.

“oo nga pala Ryan, balita ko may job offering dun sa company niyo ah?” tanung ni Marie

“ah. Oo, kahit nga hindi fresh graduate tinatanggap nila, yun ang alam ko, bakit?”

“ahh, kasi yung pinsan ng friend ko---”

“wait! Ppppiiinnsaan ng Frrriieend mo??? Ahh! Gets okay! Go!”

“ay anu ba yan, in-analyze talaga? Haha. Oh, ayun nga, naghahanap kasi ng lilipatan na kumpanya. Pero sana nga makapasa siya sa exam. Sasabihin ko sa kanya iyon.”

Hanggang sa kung anu-ano pang napagkuwentuhan namin. Tumagal kami sa place na iyon ng 3 hrs. grabe noh? Todo kamustahan kasi ang naganap eh. Pero atleast nagkita kita na ulit kami. Ang dami na nga ding nagbago sa amin, pero ang kinaparehas naming lahat ay unti unti na kaming umaasenso sa buhay. Lalaine, kung andito ka lang sana. Siguro ay... haay, I’m sure masaya ka naman  diyan.

Forever KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon