Chapter 3 “after that incident”
<Lalaine’s POV>
Waahh.. bakit dun ulit! My goodness gusto ba nilang mangyari ulit yung nangyari nung last year Summer class? Maghihiwalay na nga kami eh. Ayaw ko na, nakakahiya. Grabe naman kasi yun eh, nalasing ako ng sobra. Tsk.
“oi ayus ka lang?” kalabit ni Marie, ang bestfriend ko, papunta na kasi kami sa place na yun at mag-iinuman na ulit.
“ha? Ou ayos lang, nakakaloka naman kasi, bakit dun pa ulit, pwedeng sa ibang lugar nalang?”
“Laine, alam mo namang yun na ang pinakamagandang place, may videoke na kasing kasama. Saka wag nalang kayong magtabi ni Ryan para hindi na maulit yun diba?”
“sa bagay may point ka dyan, kasi naman eh! Bakit ba kasi ako na-tempt nun na gawin yun?. Haay. Kahit na ba last year yun nangyari nakalimutan ko na iyon, pero pag napapaalala talaga yung place at yung incident na iyon, naloloka ako kasi mahihirapan nananaman akong maka move on.”
“Lalaine talaga, pero alam mo hindi mo pa din sinasagot yung matagal ko ng tanung sayo after nyong magkiss ni Ryan.”
“huh? Anu namang tanung yun?” si marie naman eh, pahihirapan nanaman ako sa tanung na yan, makapagkunyari na nga lang na di ko na tanda.
“ay Lalaine, limot na kagad? Gusto mo bang itanung ko ulit sayo?”
“kaw bahala”
“bakit mo ba kasi hinalikan si Ryan nun? May dahilan naman kasi lahat kung bakit ginawa mo yun”
“Marie, nasagot ko na iyan ah? Na-tempt ako, kasi nga diba kissable ang lips nya, yun lang.”
“I don’t believe you. bleh :p ”
“eh anu bang sagot gusto mo?”
“na sabihin mo sa akin na kaya mo ginawa yun kasi.....”
“kasi anu?”
“kasi MAY GUSTO KA SA KANYA!! WAAHHH!!” tinakpan ko ng bibig niya,ang lakas talaga ng boses nito pag sumisigaw.
“hoy! Hinahaan mo nga yang boses mo. tsk”
“sorry, kinikilig lang talaga ako. hehehe”
“bahala ka dyan isipin mo na gusto mong isipin”
Haay, eto talagang si Marie oh, tsk. Pero after tlagang mangyari iyon ay hindi ko na alam kung anu mukhang ihaharap ko nun kay Ryan. Nung marealize ko nung araw na yun na we kissed at very passionate pa, agad agad akong tumayo at kinuha ang gamit ko at umalis sa lugar na iyon. Walkout ba ang dating. Umuwi agad ako sa bahay kahit na amoy alak pa ako. Friday nangyari iyon at nung dumating na yung Monday ay hindi ko alam kung papasok ba ako. Hirap na hirap talaga akong magdecide dahil ako mismo sa sarili ko hindi alam kung anung gagawin. Pero, wala eh, mas priority ko studies ko, so pumasok ako hindi ko nalang siya pinapansin, tahimik nalang ako. Maski si Marie ay hindi ko din muna kinakausap, ayoko kasing ma-open nila yung topic na iyon. Pag naririnig kong pinaguusapan nila yung mga nakakatawang nangyari nung araw na iyon ay hindi nalang ako umiimik, hindi ko sila pinapansin.
Pero nung break hindi talaga ako matiis ni Marie, nilapitan niya ako, at in-entertain, kasi mag-isa lang talaga ako. Sinabi ko naman sa kanya na nahihiya ako at walang maiiharap na mukha kay Ryan. Tumagal ng isang linggo na iniiwasan ko si Ryan, dumating na nga yung time na lahat na ng classmate ko ay pinapansin ko, siya na lang hindi.
Hanggang sa isang araw, uwian dali-dali pa din akong umalis ng room, pero biglang may humila sa akin. Paglingon ko, nakita ko si Ryan, tumalikod kagad ako nagpumilit umalis pero malakas ang pagkakahawak niya sa akin, hindi ako makakalas sa kanya. Wala akong nagawa kundi humarap sa kanya nang hindi tumitingin sa mata niya.
Nang bigla siyang nagsalita. “wag mo naman akong iwasan oh.”
Napatingin ako sa mga mata niya nun na wari’y nalulungkot sa nangyayari. Hindi ako makapagsalita, hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Agad agad niya akong hinila, at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Nagpahila lang ako hanggang sa huminto siya, nagulat nalang ako ng makita ko kung saan kami nahinto, andito na pala kami sa garden ng school namin. Walang katao-tao, kaming dalawa lang.
“hindi ka ba magsasalita diyan?” biglang salita ni Ryan.
Napatingin lng ako sa kanya nun at sabay yuko. Nahihiya talaga ako, hindi ko alam ang sasabihin ko.
“alam mo Lalaine, kung iiwasan mo ko, walang mangyayari, hindi naman ako galit sayo or what, kaya wag mo na akong iwasan, please?”
“anu kasi eh” sabi ko habang nakayuko pa din. “ewan, basta nahihiya ako, ewan ko ba, ang baliw ko kasi, hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, promise walang akong intensiyon na gawin iyon, na anu lang talaga ako sa labi mu nun, pero kasi baka isipin mo na kaya ko ginawa yun dahil may --”
“may anu? Na may gusto ka sa akin? Yun ba yun?”
“ha? Ah..oo” nahihiya kong sagot. Galing talaga bumasa ng isip nitong lalaking ito.
“ayun ba iyon? Hehe, wag kang mag-alala, hindi ko naman inisip yun, alam ko namang dahil sa gawa ng alak kaya mo nagawa iyon.”
“sorry talaga ha? Sorry.”
“ayos nga lang, anu ka ba. So....okay na tayo ulit?”
Tumango naman ako “friends?” sabi ko, sabay alok ng kamay.
“friends naman tayo eh kahit pa nangyari iyon, hindi naman nawala ung pagkakaibigan natin kahit iniwasan mo ko.”
At ayon, naayos na din namin ang lahat. Nagpapansinan na ulit kami, nagkukulitan, nagkukuwentuhan. Basta, back to normal na. Ineenjoy nalang namin ang company ng isa’t isa.
Dumating nga yung araw na parang ang sweet sweet namin pag magkasama kami. Pero hindi naman pumasok sa utak ko na gusto ko siya or the deeper one, na mahal ko siya. Basta I’m happy that I have Ryan, my special friend and the most important person to me.
BINABASA MO ANG
Forever Kiss
Fiksi RemajaThis is not a typical love story. Maybe for others. Pero nagsimula ang lovestory nila sa isang pangyayari na dapat ay sa dulo nagaganap. magulo ba? hehehe. Ating subaybayan ang mga mangyayari sa kanila. Ito ay istorya nina Lalaine at Ryan, sila ay t...