Chapter 15 "selos na ba ito?"

19 0 0
                                    

Chapter 15 “selos na ba ito?”

<Lalaine’s POV>

Tumagal na nang ilang buwan ang panliligaw sa akin Ryan. Dumaan na din ang mga mabibigat na exams, kasama na dun yung midterm and finals. Oo, midterm and finals, kasi second sem na, ganun katagal, pero nakita ko talagang seryoso siya at naghihintay. Minsan nga dumadalaw ako sa bahay nila, para mag-aaral sa mga exams, tapos pag magpapahinga kami ay makikipagkuwentuhan kami kina tito at tita. Oo nga pala, pinakilala na ko ng formal ni Ryan sa kanila na nililigawan niya ko, ganun din kay mama. Hindi naman sila tutol, basta mag-aral daw kaming mabuti. Kaya ayan nga pag may panahon, dumadalaw kami sa isa’t-isa para magbonding at mag-aral din.

Isang gabi nakapagkuwentuhan kami ni mama, tapos ay napadako kami sa usapang tungkol kay Ryan.

“anak, seryoso talaga sayo si Ryan noh?” tanung ni mama sa akin. Nagulat nga ako at ganun bigla yung topic namin.

“opo mama, tama po kayo diyan”

“kasi tignan mo, halos ilang buwan ka niya nililigawan? Tatlong buwan? O apat? Basta ang tagal na.”

“oo nga po mama, pero alam niyo po, kahit hindi ko siya sinasagot, mahal na mahal ko po siya. Hindi ko nga lang po alam kung kelan yung tamang panahon para sabihing mahal na mahal ko siya at sinasagot ko na siya.”

“anak, basta sasabihin naman ng puso mo kung kelan. Hintayin mo lang, pero dapat wag mo na masyadong patagalin, dahil baka hindi na dumating at mawala pa. okay?”

“opo mama. =)”

******

Natuwa ako sa usapan namin ni mama, kaya kinabukasan ay same routine pa din kami ni Ryan. Dumating na kami ng room at pagkatapos ng 15 minutes ay dumating na yung prof namin, pinagrupo niya kami para sa thesis namin. Eh ang alam ko heto pa naman yung activity na mag-oovernight ng wagas sa bahay bahay ng grupo mo, tapos walang tulog. Patay tayo diyan. Tsk

“Hoy Lalaine!” Ay kalabaw! Sino yun? “magkagrupo tayo!! waah” adik talaga itong si Nica, kelangan sumisigaw?

“wow, buti naman, ang galing. Edi makakapunta na ko sainyo.”

“pwede din. Hahaha --- nga pala, sina Clarence at Ryan magkagrupo, tignan mo.” Sabay turo sa kanila

“oo nga noh? Sana tayong apat na lang magkakasama.”

“oo nga, naging close na din talaga tayong apat eh”

“talaga! at ewan ko ba sa inyo ni Clarence at wala ba talaga kayong pagtingin sa isa’t-isa? Ha?”

“Lalaine?! Grabe ha?”

“haha joke lang. ^_^v ”

******

Dumaan na ang ilang linggo at talagang naging busy ang lahat, dumating nga iyong araw na hindi na kami nagkakasabay ni Ryan umuwi, kasi minsan ako kailangan kong sumama sa bahay ng kagrupo ko at dun gagawa ng thesis tapos siya din ganun. Kaya nabawasan kami ng oras na magkasama, pero buti nalang at nagagawa pa din naming magsabay papasok.

“Lalaine, namimiss na kita.” Na singit niya yan habang nasa jeep kami papasok ng school.

“Ryan talaga oh, hindi lang tayo nagkakasabay umuwi, nu ka ba?”

“kahit na, gusto ko nakikita kitang safe pumapasok sa gate niyo eh.”

“lagi naman kitang tinetext pag nakauwi na ko ha? Tapos tatawag ka na.”

“oo nga ganun na lang, pero sana talaga isang araw sabay na tayong umuwi.”

“sige pag may time talaga ha? Wag nating palagpasin iyon. ^_^”

Forever KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon