Chapter 28 "the finale"

17 1 0
                                    

Chapter 28 “the finale”

<Lalaine’s POV>

*kring* *kring*

Hmmm? Sino to? Oh? Si bestfriend.

“hello? Marie!”

“kamusta na Laine!”

“ayos lang ako. Waaah. Namiss na kita.”

“ako din, magkita naman tayo oh? Bonding lang. pwede ka ba ngayon?”

“oo naman. Pwedeng pwede. San tayo?”

“hmm? Sige sa ministop na lang.”

“okay I’ll come? Okay lang ba sayong after lunch?”

“sure.”

Wow! Ang saya! Makikita ko na ulit si Marie! Waaah. Namiss ko na siya sobra. Huli ata naming pagkikita ay yung tinulungan niya akong mag-apply sa ******* Corporation. Tapos nun ay hindi na kami nagkita, kasi hindi nga pwede, alam niyo namang komplikado sitwasyon ko. Kaya ngayon, tago kaming magkikita.

<Ryan’s POV>

“hmmm. Wala na pala akong gatas at pa din kape?----hala? Onti na lang pala mga stocks ko.”

Pagkatapos kong macheck lahat ng mga stocks ko ay napagpasiyahan kong mag-grocery.

Habang nagda-drive ako papuntang grocery ay nakita ko ang ministop, tumigil muna ako at naisipan kong mag-ice cream. Wala lang, namiss ko lang. Di ba, mahilig kami ni Lalaine kumain nito sa tuwing depress siya sa quiz. Pero pagbaba ko. Nagulat ako sa nakita ko.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Si Lalai---ay este Racquel at si Marie, magkausap? Magkakilala sila? Papanung---?

Bumalik agad ako sa loob ng kotse at pinagmasdan ko lang ang dalawa. Habang pinapanuod ko silang nag-uusap ay parang ngayon lang sila nagkita at ang saya-saya pa nila. Parang ang tagal na nilang magkakilala.

Hindi nagtagal ay lumabas na sila. Sumakay sila sa kotse, siguro kay Marie iyon. Sinundan ko silang dalawa. Kung saan-saan sila nagpunta. Tapos kung nasaan sila andun lang ako, nagtatago. Habang nagtatago ako ay narinig kong tinawag ni Marie si Raqcuel na Lalaine. Doon na ako sobrang nacu-curious. Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam ang nangyayari. Bakit tinawag ni Marie si Racquel na Lalaine??

6 pm na, naisipan na nilang umuwi. Grabe. Napagod ako sa kakasunod sa kanila. Sinundan ko padin sila kung saan sila pupunta. Hanggang sa napadpad kami doon sa condo ni Racquel. Nag-elevator sila, ako naghagdan lang. Naghintay lang ako doon dahil alam kong doon din dadaan si Marie pag-uwi.

After 30 minutes ay nadinig ko na silang dalawa papalapit sa elevator.

“Marie, salamat sa oras ha? Grabe, nag-enjoy ako.”

“ako din, namiss kita talaga ng sobra!”

“namiss din kita.” Tapos ay nagyakapan sila. “sana maulit ulit.”

“oo naman, text-text na lang o tawag-tawag.”

“sige ba.” Dinig na dinig ko ang pag-uusap nila dito sa kinatatayuan ko. Pero laking gulat ko sa sumunod kong narinig.

“o siya, sige na uwi na ko. Bye LALAINE!”

“hoy, anu ka ba? Di ba? Ako si----”

“ay oo nga pala, sorry Lala—oppss. Racquel pala. Sige. Bye.”

Forever KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon