Chapter 11 "this is the beginning"

20 0 0
                                    

Chapter 11 “this is the beginning”

<Ryan’s POV>

“haay, naku Ryan. Anu bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan dati ah.” Bulong ko sa sarili ko pagkatapos akong iwan ni Lalaine sa kalsada. Hindi daw siya galit sabi niya pero bakit ganun sinabi niya ayaw na niyang ihatid ko siya? Haay. Ryan naman kasi eh, panu na pagpasok anu ng sasabihin mo pag sinundo mo siya? “arrgggghhh. Makauwi na nga lang” pero ang weird, nag-smile pa siya.

Pagkadating ko ng bahay nakita kong nanunuod lang ng TV sina mommy at daddy. “andito na po ako.” Hindi ko na sila hinintay na sumagot. Umakyat na kagad ako at pumasok ng kwarto. Inayos ko yung mga nakakalat kong gamit. Kaso habang nag-aayos ako biglang may nahulog galing sa libro ko.

“hmm..anu to?” nakita ko yung harapan nakalagay ‘to Ryan’ dali dali kong binuksan, at nakita kong may sulat sa loob at agad agad kong binasa.

‘Ryan, salamat sa oras mo para turuan ako ha? Ang dami kong natutunan, alam mo pwede kang maging teacher, ang galing mong magturo. Alam kong hindi ko to masasabi personally sayo. Kasi after you kissed me ay parang lutang na utak mo at di na ako nakapagsalita. Ewan ko ba sayo kung bakit ka nagkaganyan, eh hindi ka naman dapat magkaganyan eh. Alam kong medyo nahihiya ka sa ginawa mo lately, pero to tell you honestly, nagulat ako sa ginawa mo, but hindi ako nagalit or what para mahiya ka ng ganyan. Promise hindi ako nagalit. Nakakatawa kasi ganyan na ganyan mga kinilos ko nung hinalikan kita sa inuman natin nung 2nd yr. tapos ngayon nagkabaliktad na ang sitwasyon. Maniwala ka, hindi ako galit, promise. Kaya, please? Wag mo na kong tratuhin na ganyan? Wag ka nang mautal o mahiya. Ayaw kong may awkwardness between us. Please? Ayun lang Ry. Salamat ulit.’

Grabe naisulat ni Lalaine ito? Medyo mahaba ha? Pero oo nga tama siya nabaliktad yung sitwasyon, ako na ngayon yung nahihiya. Ewan ko ba pero nung hinalikan ko siya nung inuman last time at nung depress siya sa quiz, ako ang nag-initiate nun pero hindi ako nagkaganito. Pero ngayon bigla nalang ganito. What’s happening to me. Pero ayaw ko din namang malayo sa kanya. Saka hindi naman siya galit, so I’ll be back to normal tomorrow. Magpapakalalaki ako pag nagkita na kami

..Monday morning..

<Lalaine’s POV>

“anak, si Ryan nasa gate na.”

Si Ryan? Wow, buti naman at okay na siya, sana hindi na siya mahiya pag nasa harap na niya ko.

“opo mama. Lalabas na po” pagkalabas ko ng room nag kiss na ko kay mama. “una na ko ma.”

“good morning.” Bati sa akin ni Ryan pagkalabas ko ng gate.

“good morning din. ^_^ tara na?”  agad agad naman siyang sumunod sa akin at kinuha niya ang kamay ko at sinabit sa braso niya. Hmm. Sweet. Pero atleast hindi na siya ilang.

..Lunch break..

“Lalaine.”

“hmm? Bakit Ry?”

“kain na tayo?”

“sige, wait lang mag-aayos lang ako”

“wag na, maganda ka naman sa akin eh”

“sayo lang? dapat maayos ako sa paningin ng iba noh?”

“wag mo na silang intindihan, maging pangit ka man sa paningin nila maganda ka palagi sa akin.” Tapos bilang naglakad na si Ryan palabas ng room.

“wuii. Anu yun ha?” sabi ni Nica na narinig ang pag-uusap namin. “ang cheesy ha? Kayo na ba?” kakatuwa talaga itong si Nica. So far, siya na itong nagiging ka-close ko sa section na ito, dagdag mo na din si Clarence. =)

“oi, hindi ha? Ikaw talaga, gutom lang yan. Sige ha? Habulin ko pa si Ryan. Iniwan ako eh. hehe”

“sige habulin mo na prince charming mo. ^_^v” pang-aasar ni Nica

Pagkalabas ko ng room tinawag at hinabol ko si Ryan.

“hey! Ry!” buti at narinig niya ko, di pa naman siya ganun kalayuan.

“bagal mo naman. Gutom na ko.”

“sorry naman. Bigla mo kasi akong iniwan eh”

At sa kumain na kami ng lunch. Pagkabalik sa room, after 30 minutes ay dumating na yung prof namin. Grinupo niya kami para sa isang case study. Part daw yun ng midterm grade namin. After ng grouping, unfortunately hindi ko talaga makakagrupo si Ryan. Haay. Pinagmeeting naman kaming magkakagrupo ng prof namin. Hanggang sa mag-uwian ay grupo pa din kung mag-usap ang mga tao dito. Kaya hindi kami agad nakauwi ni Ryan. Parehas na my meeting ang grupo namin ni Ryan, medyo matagal tagal ang hinigop na oras ng pag-uusap na ito pero mas naunang natapos sina Ryan.

“haay. Umuwi na ata si Ryan, first time kong umuwi mag-isa ngayon” bulong ko sa sarili ko habang nasa meeting.

“okay sige, mukhang pwede na muna ito, basta ang mga assignments natin sa bawat isa ha? Dapat magawa na natin ito. Sige pwede na tayong umuwi” sabi ng leader namin.

Yes! Uwian na. haay. Kaso wala naman na kong kasabay.

“bye guys una na ko.” Paalam ko sa kanila.

“bye Lalaine, ingat ka.”

“kayo din.” :)

Lumabas na ko ng room, habang naglalakad ay nakasimangot lang ako at medyo tulala, nang biglang may kumalabit sa akin.

“oi. Bilis mo namang maglakad.” Oh? Si Ryan?

“andito ka pa?” gulat kong tanung

“obvious ba? Hinintay kita. Andyan lang ako sa may hagdan, di mo nga ko pinansin eh, dinaanan mo lang ako.” As usual nagpout siya. Alam niyo yan (^^,).

“talaga? Sorry ha? Akala ko kasi, iniwan mo na ko eh, akala ko umuwi ka na. buti at hindi pa pala. Thank you ha?” sa sobrang tuwa ko ay ihuhug at ikikiss ko sana siya sa cheeks kaso, accidentally ang nakiss ko yung lips niya. Smack lang. we’re both shock pero move on kagad. Ngumiti lang kami then naglakad na, na parang walang smack na nangyari.

Forever KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon