Chapter 19 "Is this goodbye?"

11 0 0
                                        

Chapter 19 “Is this goodbye?”

<Lalaine’s POV>

“Uhrgh.. ang sakit ng ulo ko.” Grabe feeling ko hindi na ako magigising ah, kung di lang dahil sa sikat ng araw ay tulog pa din ako. “teka nga? Asan ba ako? Anu bang nangyari?” bumangon na ako sa kinahihigaan ko, tumingin tingin ako sa paligid. Napansin kong si Nica ay natutulog dun sa may couch at si President naman  ay andun natutulog sa may sahig. “teka, bakit andito tong mga ito? Asan ba ako? Anu bang nangyari?” tila nagising ata si Nica sa ingay ko.

“Lalaine, gising kana pala, okay ka na ba?”

“oo nica, okay na ko ng konti, medyo kasi masakit pa ulo ko, asan ba tayo? At bakit tayo nandito?”

“nalasing ka kasi ng sobra eh, tigas kasi ng ulo mo sabi ko wag ka ng uminom pa. hirit ka pa ng hirit. Andito pala tayo sa isang kwarto nung bahay na ininuman natin kahapon, naku buti nalang kamo at walang natutulog ngayon dito dahil nagbakasyon.”

“naku di nga? Ay sandali bakit andito si President?”

“ahh, siya ba? Sumama siya dito kasi responsibilidad niya tayo kasi diba siya nagrenta ng lugar na ito? Saka naghati din kaming dalawa para sa overnight natin dito.”

“naku nakakahiya naman, babayaran ko nalang kayo, kasi tatlo naman tayong natulog dito eh.”

“o sya sige, naku. Tara na alis na tayo dito, mag-ayos ka na ng sarili mo dun sa banyo, gigisingin ko lang si president.”

*******

Pagkatapos naming magayos lahat ay umalis na kami doon at nagsiuwian, nagpasalamat naman ako kay president dahil sa pag asikaso sa akin. Grabe nakakahiya talaga. Samantalang heto si Nica, kasama ko papuntang bahay inihahatid ako.

“ahm, Nica sandali, kayong dalawa ni president ang nagdala sa akin dun sa kwarto?”

“hindi noh, actually, nung natapos na ang inuman at konting negosasyon sa may-ari ay diretso na kagad kami sa kwarto at natulog.”

“anu? Eh sinong nagdala sa akin dun?”

“si Ry--- ayy. Oopps.”

“sino?! Si Ryan?” nag nod naman si Nica. Nung malaman ko yan ay tila unti unting nagbabalik ang mga nangyari sa kwartong iyon.

_flashback_

May narinig akong dalawang nag-uusap, tapos ay sinara na yung pinto. Hindi ko nalang pinansin dahil nahihilo na ako at inaantok. Pero kahit na ganoon ako ay naramdaman kong may humahaplos ng mukha ko at hinawi ang buhok ko na nakatakip sa mukha ko.

“Lalaine, wag mo namang lunurin ang sarili mo sa alak.” Hmm. Pamilyar yung boses niya. After kong marinig iyon ay saka ko na lang napagtanto na hinahalikan na niya ako. Hindi niya tingilan ang mga labi ko. Hanggang sa nagigising na ako at dinilat ko ng konti yung mata ko, nung maaninag ko kung sino, hinayaan ko na lang siya, hindi ko siya pinigilan, I really miss him so much, kaya nadala ako sa halik niya and I kiss him back. Ganun lang kami, hinahalikan niya ako habang nasa ibabaw ko siya. Siguro ay 30 minutes kaming ganun o higit pa, hindi ko alam basta tuloy tuloy lang ang halik namin. Hanggang sa naramdaman kong tumigil na siya at bumangon. Naririnig kong palabas na siya at sinara na niya yung pinto. ‘Umalis na siya’ yun na lang napagtanto ko.

_end of flashback_

“sorry Lalaine, hindi ko dapat sinabi yung name niya sorry.”

“hindi, ayos lang Nica, hayaan mo na. bilisan mo nalang sa paglalakad, and I’m sure sermon ang abot ko neto kay mama.”

******

Ang bilis ng araw Monday na ulit at konti na lang, malapit nang matapos ang mga requirements at gagraduate na kami. Pero mukhang.....haayy. Heto siguro ang kapalaran ko.

Forever KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon