Chapter 21 “Revelation”
<Marie’s POV>
Wow ah! First time kong mag ka POV sa story na ito. Hahaha. Ganito pala ang feeling? Halos ilang scenes din akong hindi nagpakita eh (ewan ko ba diyan kay author, akala ko nalimutan na ako eh.) Pero I’m very thankful pa din sa author dahil binigyan niya ako ng chance na makapagsalita. Hahaha.
Hep hep hep, tama na nga yan. Seryoso na, may dahilan kung bakit akin ang POV na ito. =)
Makalipas ang apat na araw after nung aksidente kay Lalaine, ay pinapunta ako ni tita sa bahay nila bago ako pumasok sa school.
“Marie?”
“po? Bakit po tita?”
“heto.” May inabot siya sa aking envelope, tila sulat ata.
“ano po ito?” inexplain naman ni tita kung anong gagawin ko sa sulat na iyan, at bukod pa dun ay may iba pa siyang pinauutos sa akin. Na labis na ikinalungkot ko.
******
..sa school..
“Kinakabahan ako sa gagawin ko. Haay. Anu ba yan. Kaya ko ito! Woo. Kaya ko ito!” sa mga oras na ito ay naglalakad ako papunta sa room ng section nina Lalaine at Ryan. Pero hindi si Ryan ang pakay ko dito. Hala, andito na pala ako. (hingang malalalim)
“ahm, excuse me? Andyan po ba si Nica?”
“Nica! May naghahanap sayo.” Sigaw nung classmate nila na napagtanungan ko.
“yes?--- Wait! Ikaw si Marie di ba? Yung bestfriend ni Lalaine? May balita na ba? Anu ng nangyari? Nagising na ba siya?”
“ahm. Oo ako nga si Marie. Actually kaya ako napadpad dito ay dahil may sasabihin ako sayo tungkol kay Lalaine.”
“kay Lalaine? Anu yun?”
“pag magrereact ka, wag mung lakasan boses mo ha?”
“ahm.....sige. Sige.”
“okay. Kasi ganito iyon. Heto.” Inabot ko yung sulat na binigay sa akin ni tita kanina.
“ano ito?”
“ibigay mo yan sa prof niyo.”
“excuse letter?”
“hmm. Hindi. Kasi, anu? Haay panu ko ba sasabihin? Hmm....okay heto na. Nica, sayo ko ito sinasabi kasi ang sabi ni Tita ikaw daw ang naging kaclose ni Lalaine sa section niyo saka magkagrup daw kayo.” Nag nod naman siya. “anu kasi, Nica, sorry to tell you, but---.”
“but what? Kinakabahan ako sayo Marie.”
“sorry, because Lalaine is already gone last night.” After I said that ay tinakpan ko ang mukha ko at umiyak.
“what?! That’s not true! Hindi kami iiwan ni Lalaine! Hindi!”
“sorry Nica. Iyon lang ang nais kong ipamalita sayo. So please tell your professors na she’s gone. I’m sorry, bye.” After that I am still crying and I run.
Hanggang diyan lang exposure ko. Salamat author! Kahit maikli lang eksena atleast bigatin ang revelation. =)
<Ryan’s POV>
“pare, wala pa din bang balita?” tanung ko kay Clarence.
“pare, wala pa din eh.” Pagkatapos niyang sabihin niyan ay dumating na iyong prof namin.
“ahm sir, excuse me lang po, may ibibigay po sana ako sainyo.” Ibibigay? Anu namang ibibigay ni Nica? Hindi maganda ang nararamdaman ko ah.
“sige, ano iyon?”
“sir eto po” pagkabigay ni Nica ay agad itong binasa ng prof namin, nakikita ko siyang umiiling-iling at naluluha-luha? Hmm. Anu kaya iyon?
“okay class, let’s pray.” Pray? Himala ata at bago magsimula ng klase ay magdadasal muna kami.
Habang pinapakinggan ko ang dasal ng aming prof, napansin kong pahaba na ito ng pahaba at parang pinupunto ng dasal na ito ay sa taong nawala o namaalam. At nagulat na lang ako ng mabanggit niya ang pangalan ni Lalaine. And because of that I break the silence. Tumayo ako sa kinauupuan ko.
“wait! Sir! Anu pong ibig sabihin ng dasal niyo? Hindi pa patay si Lalaine! Hindi pa po! T_T” hindi ko na kinaya at napaiyak na lang ako habang nagsasalita.
“ahm sir, excuse lang po ako na pong magpapaliwanag sa kanya” sabi ni Nica. “Ryan, totoo lahat ng naririnig mo sa dasal ni Sir, yung sulat na iyan ay galing sa mama ni Lalaine, pinaabot lang sa akin kanina ni Marie. Wala na si Lalaine, Ryan. Sorry, pero wala na siya. T_T”
“hindi. Hindi. Hindi totoo yan. Hindi!!!!!” then lumabas ako ng room and I run and run as fast as I can. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko lang makawala sa bangungot na ito. Hanggang malamanlaman ko na lang ay nandito na pala ako sa tapat ng bahay nina Lalaine.
“anung? Bakit ako nandito? Ahhh....tama! dadalawin ko si Lalaine, andyan lang sya sa loob ng bahay nila.” Lumapit na ako sa gate at nagkakakatok. “Lalaine! Lalaine!,--- buksan niyo ito, gusto kong kausapin si Lalaine!. Open the gate!” dahil sa lakas ng sigaw ko ay lumabas si tita.
“Ryan? Anung ginagawa mo dito?”
“tita, please. Gusto ko pong maka-usap si Lalaine.”
“Ryan, hindi pa ba nasasabi sayo? Wala na si La---”
“hindi totoo yan tita. Hindi, andyan lang siya sa kwarto niya, baka po natutulog, please, tita, I want to fix something up to her.”
“sige na Ryan, umalis ka na, ito ang katotohanan, wala na siya, maniwala ka.”
“tita, please, kahit sa huling pagkakataon gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makita.”
“No. hindi kita papayagan na pumunta sa burol Ryan. Nasaktan pa din ako sa nagawa mo. Sorry. Kaya please? Ayaw kong magalit sa iyo dito? Kahit papaano ay tinuring na din kitang anak. Kaya pagbigyan mo na ako. Pati si Lalaine, ayaw na niyang masaktan.”
Ilang pilit at pangugulit ang ginawa ko pero, wala na akong nagawa, kay tita na mismo nanggaling na wala na si Lalaine, naglakad na ako palayo, lugmok na lugmok, kung sino sino na lang ang nabubunggo ko. Hindi ko alam kung makakaya kong tanggapin ang lahat nang ito.
BINABASA MO ANG
Forever Kiss
Novela JuvenilThis is not a typical love story. Maybe for others. Pero nagsimula ang lovestory nila sa isang pangyayari na dapat ay sa dulo nagaganap. magulo ba? hehehe. Ating subaybayan ang mga mangyayari sa kanila. Ito ay istorya nina Lalaine at Ryan, sila ay t...