Chapter 10 "pangatlo"

18 0 0
                                        

Chapter 10 “pangatlo”

<Ryan’s POV>

*ding dong* after 10 seconds *ding dong* after 15 seconds *ding dong*

“hmm? Wala bang tao sa baba? Baka si Lalaine na yan”

Lumabas ako ng kwarto, aba at ang dilim ah? Hapon na hapon hindi nila binubuksan yung ilaw. Nasaan ba sina mommy at daddy?

*ding dong*

“ay tipaklong! Andyan na.”

Hmm may note sa door. Anu toh? ‘Ryan, aalis muna kami ng mommy mo. Mag-gogrocery lang kami at dadaan na din kami kay ninang mercy mo. Medyo matatagalan kami ng uwi. Pesensya na kung di ka na namin kinatok. Busy ka kasi kanina nung sinilip ka namin. Sige take care of the house.’

Ahh..umalis pala sila. *ding dong* ay tipaklong may tao nga pala.

“sandali lang”

Pagkabukas ko ng pinto, natanaw ko si Lalaine sa gate na init na init na. wala kasing dalang payong. :)

“oi Lai. Pasensya na natagalan”

“hindi, okay lang, medyo nasunog lang ako ng kunti.” Sabay pout, how cute.

“sorry na, hindi ko naman kasi alam na umalis pala sina mommy at daddy eh. Upo ka muna dito” so pinaupo ko muna siya sa sofa namin at bumalik sa kwarto, chineck ko kung ready ba lahat ng aaralin namin. Hmm. Mukhang all set naman na. pwede na kaming mag-start.

“Lai! Kumain ka na ba? gusto mo bang kumain muna?”

“hindi, okay lang di naman ako nagugutom. Kaso.....”

“kaso ano?”

“hehe. Pwede bang maki-inom ng water? ^_^v”

“aysus! Yun lang ba? Pwedeng  pwede. Sige wait lang kuha lang kitang tubig”

“thank you Ry.”

Pagkabigay ko ng tubig sa kanya ay umakyat na kami sa kwarto ko. Pina-upo ko siya sa study table ko at nagsimula ng mag-aral.

“anu bang gusto mong unahin natin?” tanung ko kay Lai na mukhang natutulala sa sobrang daming aaralin.

“ahm. Hindi ko alam eh. Anu ba dapat?”

“hmm sige yung una nalang natin na lesson para malaman mo yung basic at magets mo na din yung mga sumunod na chapter. Okay lang ba?”

“oo sige. Ganun nalang tapos kung may time pwdeng yung AIS din? Please?”

“oo naman. Sige, san na yung book mo?”

At sa nagsimula na kaming mag-aral. Tinuruan ko na din siya ng basic, at mukha namang nauunawan na niya ngayon.

“ganun pala iyon. Haay. Grabe ngayon ko lang nalaman. Tsk.”

“madali lang naman di ba?”

“oo nga, masyado ko pa lang pinahihirapan sarili ko. oh tara, anu ng next?”

Wow, mukhang nag-eenjoy siya ah. Tinuruan ko pa siya ng iba pa na kailangan niyang malaman. Hanggang sa tumagal na kami ng 3 hrs kakaaral, After nun ay nagpahinga muna kami. Bumaba ako at kumuha ng makakain sa kusina then bumalik ako sa kwarto, pagkapasok ko I saw her na tinitignan yung mga picture ko (yung mga nakaframe na maliliit. Gets niyo ba?) eh ang dami pa namang picture dun na bata ako. Natatawa pa siya, pasaway talaga.

“hey Ry, andyan ka na pala. Look. Ang cute mo dito oh. Nakakatawa. hahahahaha” ay? Akala ko ba cute? Bakit nakakatawa?

“pasaway ka talaga pag tawanan ba” nilagay ko yung dala kong pag-kain sa may lamesa dun sa kwarto ko. “hindi ako cute dyan, gwapo noh.”

Forever KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon