Chapter 1 “I’ll miss you”
<Lalaine’s POV>
“mamimiss kita!”
“ou, ako din mamimiss din kita”
“waah..kahit anung mangyari, magkikita pa din tayo ha?”
“walang kalimutan ah? huhuhu”
“walang dedmahan pag magkikita sa corridor ha?”
Haay..puro ganyan ang maririnig mo ngayong last day namin na magkakasama. nakakalungkot lang isipin, na sa loob ng 3 taon na pagsasama namin ay ngayon pa nag-gawa nang patakaran sa school na ito na ireshuffle lahat ng section at by grade pa. Para yung section 1 ay talagang pilot section, yung tipong yung grade nila ay puro ulan. Haay. Dapat kasi nung nagenrol palang kami ay ganito na ang ginawa nila. Para hindi na mahirap mag-adjust.
Ay, oo nga pala magpapakilala ako, ang pangalan ko ay Lalaine Villanueva 3rd year college, incoming 4th yr. kumukuha ng kursong Accountancy sa ***** University. Hindi naman ako ganun kagandahan pero hindi din ako pangit noh? Gandang pilipina ang gaya ko noh, simpleng ganda. Masipag din ako, yah I admit. Magaling kumanta, di naman gnun katalino pero matyaga. Sobrang saya ko nung nakapasa ako sa university na ito, at labis ang saya ko nung nakilala ko ang mga classmate ko sa section namin. Pero heto nga ang bad news paghihiwalayin na kami. Malungkot kasi bagong environment nananaman ang makikita ko, malaki-laking adjustment ang gagawin ko para magkaroon ng kaibigan ulit. Pero sana lang talaga ay may makasama ako sa lilipatan ko kahit isa sa mga classmate ko. Haay.
“Lalaine!” Ay butiki! Sino naman un? At kelangan talagang sumigaw?
“bakit?” sigaw ko din, pero nung paglingon ko ang nakita kong tumawag sa akin ay si Ryan at papunta sa lugar ko. Hmm..Ano naman kayang kailangan nito?.
“wala lang, di mo ba ko lalapitan para sabihing mamimis mo ko? Lalo na yung…..” ay ambot itong lalaking ito, at balak pa talagang ipaalala ulit sa akin yun? Ampf. Tinakpan ko nga tuloy yung labi niya. Ampf naman toh oh.
“pwede ba wag mo ng ituloy yang sasabihin mo?”
“okay sige di ko na nga sasabihin yun. Hahaha. Di ka talaga mabiro. Pero, anu nga? Mamimiss mo ba ako?”
Ay sabay pout nung sinabi niya yun? Ang cute din niya talagang magpout haay. Kung alam lang niya ang pinakamamimiss ko sa kanya ay yung pagkagwapo-gwapo niyang smile. “che! Mamimiss ka diyan, hindi noh? Feeling toh.”
“ganun ba? Kasi ako, mamimiss kita ng sobra, ewan ko ba kahit na ganyan ka sakin, mamimiss kita ng sobra.”
“para namang napakasama ko sayo ah, ang bait ko kaya sau.”
“hahaha. Oo alm ko yun, joke lang yun no, kaw talaga”
“puro ka naman kasi joke, maghihiwalay na tayo oh, di ka ba magseseryoso?”
“hmm..seryoso? gusto mo bang magseryoso ako sayo ngayon? Ready ka ba?”
“ampf, cge wag na, nakakatakot.”
“see, di ba hindi ka sanay na ganyan ako sayo?”
“oo na, kaw talaga”
“ahm..Lalaine..”
“hmm?” bakit ganyan siya makatingin? Bakit ganyan ang mga mata niya parang may sinasabi.
“m-m-m-a-a-mimiss kita. sobra”
Ay! Anu daw? Sabi niya hindi siya magseseryoso. Kasi naman nung sinabi niya yan, ang lamig at ang sweet sa tenga ko eh. “sabi ko, hindi ako ready na seryoso ka eh. Oo na, mamimiss din kita, wag kang mag-alala.”After kong sabihin yan, seryoso pa din talaga siya, then unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin and kiss my forehead.
“uuuuyyyy! Anu yan?” sigaw nung classmate ko,“kayo ha? Ang sweet sweet niyo.”
“at may pakikiss kiss pa sa forehead” kanchaw nung isa
“bakit sa forehead pa? bakit di na lang sa lips.. ayiee” kanchaw pa ulit nung isa.
“heh! Magsitigil nga kayo, pinaalala niyo nanaman yan” sagot ko bigla.
“o siya, tama na yan, wag niyo na nga ipaalala yan sa kanya. Inuman nalang ulit tayo ngayong last day!” Sagot din ni Ryan.
“tamaaaa!! Tara dun ulit sa may videoke” sagot ng mga classmate ko.
HEP HEP!! What?! Inuman ulit? Dun ulit sa lugar na yun? Waaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!
BINABASA MO ANG
Forever Kiss
أدب المراهقينThis is not a typical love story. Maybe for others. Pero nagsimula ang lovestory nila sa isang pangyayari na dapat ay sa dulo nagaganap. magulo ba? hehehe. Ating subaybayan ang mga mangyayari sa kanila. Ito ay istorya nina Lalaine at Ryan, sila ay t...