Chapter 26 "unexpected"

25 1 0
                                    

Chapter 26 “unexpected”

<Lalaine/ Racquel’s POV>

“Racquel? Anung ginagawa mo dito? Panu mo nalamang---?”

“sandali lang ha? Isa-isa lang ang tanong.”

“ahhhh, sorry.”

“heto oh? Breakfast?”

“oh, tamang tama. Nagbabalak pa alng ako magluto, pero, para saan toh?”

“gusto ko sanang magthank you sa paghatid sa akin kagabi. Sabi kasi ni Paulo, ikaw daw naghatid sa akin. Wala na kasi akong maalala kaya tinext ko siya.”

“ah, yun ba wala iyon. Halika pasok ka, upo ka.”

Pinapasok ako ni Ryan sa loob nang condo niya. Ni sa panaginip hindi ko naisip na mapadpad ako dito sa condo niya. Pero pwede na din ito, para mapalapit pa ako sa kanya at magawa ko na ang dapat gawin.

“ang ganda pala ng tinitirhan mo Ryan, mas malaki ito ng konti sa akin.”

“hindi naman, parang parehas nga lang eh. Oh, halika ka na dito kain na tayo.”

”naku, wag na, nakakahiya naman. Saka para sa iyo yan noh.”

*grruug*

Hala? Pasaway na tiyan. Nakita kong natatawa si Ryan dahil dinig na dinig yung pagtunog ng tyan ko.

“bakit ka tumatawa?”

“tanggi ka pa, gutom ka na din eh. Tutal sabi mo sa akin na ito, heto oh, binibigyan na kita.”

“sige. Tatanggi pa ba ako? Hehe. Gutom na din ako eh.”

*****

“oh? Aalis ka na?”

“oo sana eh, bakit?”

“a-anu kasi..pwedeng....”

“pwedeng?”

“mamaya na lang?” ha? At bakit naman kaya?, what’s with him? Hmmm. Hindi kaya?

“ahhmm. Sige? Anu bang pwedeng gawin natin?”

“samahan mo ako sa m-mall?”

“sure, why not. Tara?”

Umalis na kami sa condo niya at sumakay sa kotse papunta sa mall. Mukhang sumasangayon si tadhana sa mga dapat kong gawin ah, dito ko kaya simulan? Hmm. Kaso paano? Hmm.

“ui, bakit hindi ka nagsasalita diyan?”

“ahh-ha? Hehe. Pasensya na.”

“may iniisip ka ba?”

“w-wla noh? Adik ka.”

“hehehe. Joke lang.----oh malapit na pala tayo. ”

Naghanap na ng mapagpaparkan si Ryan. Pagkatapos nun ay dumiretso na kami sa loob ng mall.

*boogsh*

“ouch!” nauntog ako sa likod ni Ryan. “bakit ka humito, aww. Ang sakit.”

“ahh-ha? Naku, sorry Racquel. Masakit pa ba? Sorry talaga.” Hinihimas himas niya yung noo ko. Naku wag naman sanang magkabukol.

“eh, bakit ka ba kasi huminto?”

“hindi ko kasi alam kung saan tayo pupunta eh. Hindi naman ako gala masyado.”

“asus! Iyon lang ba? Sige! Ako nalang ang bahala.”

“okay, yeay! So san na tayo pupunta?” excited? Tuwang tuwa? Adik lang.

Forever KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon