Epilogue
<Lalaine’s POV>
Pagmulat ng mata ko, nakita ko si Ryan sa tabi ko, dito kasi sya nagpalipas ng gabi after nang mga nangyaring sigawan at iyakan. Hindi talaga ako makapaniwala dahil kasama ko na siya at ayos na ang lahat sa amin.
Bumangon na ako ng kama, sa sahig ay nakita ko yung scrapbook na binato niya kagabi. Pinulot ko ito at inayos yung mga nasira.
“sorry ha? Kung nasira ko iyan.” Napalingon ako sa kanya. Gising na pala siya, pero hindi pa siya bumabangon, andoon lang siya sa kama nakatingin sa akin.
“ayos lang. alam ko namang gulong-gulo ka noon kaya mo naibato ito.” Bumangon na siya at lumapit sa akin.
“akin na nga ito, tulungan na kita.” Nakakatuwa lang isipin, dahil parang sinisimbulo nito nang nasirang scrapbook na ito ay ang parehas naming pag-aayos ng nasira naming relasyon. Unti-unti naming inaayos ang lahat ng nasira, dinidikit ulit at binabalik sa dating pwesto yung nawala sa pwesto. Parang ang relasyon namin.
Nung natapos na namin ayusin ay napatingin ako sa kanya at naiyak.
“oh? Bakit ka umiiyak?” sabi niya habang pinpunasan ang luha sa mukha ko.
“ang sarap lang sa pakiramdam na ayos na itong scrapbook. Parang tayo.”
“halika nga dito.” Pinaupo niya ako sa kama. “gusto mong balikan natin ang masasayang alaala noon? Yung masasaya lang ha?” napatawa naman ako doon sa sinabi niya. Inumpisahan na naming tignan yung mga pictures dun sa scrapbook. Sa bawat letratong nakikita namin ay hindi namin maiwasang magcomment at mapagkuwentuhan ang mga nangyari noon. Meron pa ngang picture dun na sobra ang naitawa namin, dahil nakakatwa yung nangyari. Basta, ang saya lang. Sobrang saya namin.
*****
Naging stable na ang relasyon namin ni Ryan, syempre bilang Lalaine at Ryan na talaga. Tumagal ang relasyon namin ng isa’t kalahating taon. Bumalik na din si Lalaine Villanueva, ipinaliwanang naming lahat sa boss namin ang nangyari kaya naging madali ang lahat para mawala si Racquel at maibalik si Lalaine.
Sa loob ng isa’t kalahating iyon ay naiparamdam sa akin ni Ryan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Lahat ng naudlot sa amin ay tinuloy namin. Lahat ng hindi namin nagawa bilang mag gf-bf ay ginawa namin. At pinaramdam ko din sa kanya yung pagmamahal na matagal na niyang gustong madama. Kaya ngayon, we’re now official. Official na ang pagmamahalan namin, hindi na magulo, wala ng indenial. Official na talaga. Kami na talaga.
<Ryan’s POV>
“Ryan! Mag ready ka na.” sigaw nung wedding coordinator. “okay. Everybody! Get ready! The bride is here na.”
Bride?! Sinong bride? Sino yung paparating? Hmmmm.
To make it clear to you. Kasal na namin ngayon. Oo! Ikakasal na kami. At andyan na daw siya! Tuloy na tuloy na ang kasal namin.
I think this is the right time para magpakasal na kami. Kahit na sabihin niyong one and a half year lang nagtagal ang relasyon namin bilang official gf-bf ay nagpropose na ko kagad sa kanya. 4 years din kaming nagkakilala ni Lalaine since college. Tapos sa 4 na taon na iyon ay may namuong kakaibang feelings between us, tapos ay ilang buwan na ligawan nung 4thcollege at ilang buwan na relasyon bilang Racquel/Lalaine at ako, at sa hayan na isa’t kalahating taon na opisyal na relasyon. Sa dinadaming pagsubok na dinanas namin ay heto na talaga ang tamang oras para sa amin ni Lalaine.
“you may now kiss the bride.” Ayan na ang sikat na linya sa kasalan. Inuutusan na ako ni father na halikan ang asawa ko. Kaya, hinalikan ko na siya na puno ng pagmamahal.
“I love you.” Sabi ko pagkatapos ko siyang halikan.
“I love you too.”
Pagkatapos ng kasalan ay naghoneymoon na kami. Syempre hindi mawawala iyon sa bagong kasal. ^_^ Doon na namin binuo ang bunga ng aming pagmamahalan.
<Lalaine’s POV>
After 5 years
“Ryan, bantayan mo sila baka mahulog.” Naku ang lilikot talaga nila.
“daddy oh? Ang tigas talaga ng ulo ni Kuya.” Sabi ng anak kong babae.
Oo, may anak na kami. At dalawa pa. Isang lalaki at babae. 4 years old na ang lalaki naming anak samantalang 3 years old na yung babae.
“haay, naku Terrence, halika nga dito, sinabihan kana namin ng mommy mo diba?” saway ni Ryan. Hahaha. Daddy na talaga siya.
“opo. Sorry po.” Yan, mabait na bata.
“tara, punta na tayo dun kay mommy niyo.”
“opo.” Sagot nilang dalawa. Ang cu-cute talaga nila. Mana sa akin. Hahaha. ^_^
“mommy!!”
“oh? Terrence, Natalie. Pakiss nga.” Napansin ko na lang na nakatingin sa amin si Ryan at nangingiti. “oh? Ryan? Bakit ka nakangiti diyan?”
“wala lang. masama ba?”
“para ka kasing.....”
“ano?”
“wala. hahaha” nilapitan niya ako at kiniliti. Tawa naman ako ng tawa. Tapos ay nakisali naman ang mga anak namin.
Ang saya saya namin. Napawi na lahat ng mga pagsubok na dumaan sa amin. At ngayon nalalasap na namin ang masaya at simpleng buhay pamilya.
Pero alam naman naming may mga pag-subok nadadating pa rin sa amin, pero ang mahalaga ay kasama namin nag isa’t-isa. Wala ng iwanan hanggang tumanda na kami. Forever na ito. Kahit na ang lovestory namin ay nagsimula sa halik. Forever naman ang halik na iyon. Our kiss will be forever.
“I love you Lalaine.”
“I love you too Ryan.”
THE END
BINABASA MO ANG
Forever Kiss
Teen FictionThis is not a typical love story. Maybe for others. Pero nagsimula ang lovestory nila sa isang pangyayari na dapat ay sa dulo nagaganap. magulo ba? hehehe. Ating subaybayan ang mga mangyayari sa kanila. Ito ay istorya nina Lalaine at Ryan, sila ay t...