Chapter 13 "date"

19 0 0
                                    

Chapter 13 “date”

<Ryan’s POV>

Kring..kring..kring..

“hmm? Bakit ang tagal sagutin ni Lai yung phone niya?” sabi ko sa utak ko.

“hello?” hayun sinagot na.

“oi Lai. Bakit ang tagal mong sagutin. Nag-alala tuloy ako.”

“kaw naman, nakita mo namang safe mo kong nahatid sa bahay ah. hehe”

“tagal mo kasing sagutin eh.”

“sorry naman, pinakaen muna ko ni mama, kaya yung phone ko naiwan dun sa bag ko sa may sala. Infairness ha? dami ko ding miss calls galing sayo. Bakit ka pala napatawag?”

“wala lang, nangangamusta lang.”

“sus kakahiwalay lang natin kanina eh, namiss mo na ko kagad.” Joke niya sa akin

“haha. Adik lang? haha. Pero oo, medyo. Haha.”

“wala ka ding magawa. ang sabihin mo.”

“haha. Medyo ganun din. Galing mo naman.”

“adik ka din noh Ryan. Hahaha. Wait lang magbibihis lang ako. Ahm. Tawag ka ulit. After 15 minutes?”

“sige.”

And she hang up.

*****

After 15 minutes.

Kring..kring..kring

“oh? Galing ah saktong 15 minutes.” Sagot ni Lai sa tawag ko

“syempre ako pa.”

Blah..blah..blah..blah..

Kung anu-ano ng pinag-uusapan namin, kwentuhan lang ng kung anu-ano. Hanggang sa natapos yung pag-uusap namin, hindi ko nasabi yung purpose ng pagtawag ko. Actually nung ihahatid ko siya dun ko na sanang balak sabihin eh, kaso napipi nanaman ako. Ampf. Ewan. Nakakainis. Halos ilang buwan na kaming ganito, sweet, sweet, sweet. Basta M.U daw sabi ng iba. Gusto ko ng magtapat eh, gustong gusto ko na. kasi na-fall na talaga ako sa kanya. Mahal ko na kasi siya. Sobra. Di ba, hindi ko naman gagawin yung mga ganung gestures pag wala naman akong gusto sa kanya. Nung hinalikan ko siya sa room ko, hindi yun dahil sa natempt ako. Ginawa ko yun kasi iba na talaga tinitibok ng puso ko nun. Gusto ko na siya sa oras na iyon. Basta, hindi ko naman na kasi natatandaan kung kelan nagsimula yung mga ganung feeling, kusang dumadating na iyon eh. Pero ngayon mahal na mahal ko na siya.

“haay. Kelangan ko ng sabihin ito bukas, paano kaya?” tanung ko sa sarili ko.

At sa naisipan kong tawagan ko si Archie, yung friend ko, na classmate namin dati ni Lai, na kumpare ko din.

“hello?” sabi ni Archie sa kabilang linya.

“Archie! I need help!”

“oh? Pare bakit anu yun? Pag tungkol sa acctg yan, naku pre, hindi kita matutulungan mas magaling ka sa akin. hahaha”

“pare naman, hindi yun tungkol dun.”

“oh, eh san?”

“tungkol sa p-p-a-a-g - - ibig??”

“Aysus! Pare! Umamin ka na din!”

“ha? Anu?”

“kay Lalaine yan noh?”

“h-h-a-a? panu mo nalaman.”

“pare in denial ka pa kasi nung una eh, hinihintay ka na lang naming aminin sa sarili mo na gusto mo talaga siya.”

Forever KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon