Chapter 22 “Reminisce”
Ngayon hindi ko na talaga alam kung saan ako pupunta, ayoko ng bumalik sa klase dahil hindi rin naman ako makakaconcentrate sa mga lesson namin. Sa aking paglalakad ay nakita ko na na lang kung saan ako dinala ng paa ko.
_Flashback_
“Lalaine, pesensya na kung bigla akong nawala, ngayon alam mo na kung saan ako nagpunta, para sayo to” tapos tinuloy ko yung kanta.
After kong kantahin yung Like a Rose at lumapit ako sa kanya at tinugtog yung kantang Forevermore by Side A
There are times when I just want to look at your face
With the stars in the night
There are times when I just want to feel you embrace
On a cold night
I just can’t believe that you are mine now.
“Lalaine, alam kong hindi pa tayo at nasa stage palang ako na nililigawan kita, pero..”
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can’t compare you with anything in this world
You’re all I need to be with forevermore
“pero lagi mong tandaan na Ikaw lang dito sa puso ko, ikaw ang una at ikaw lang forevermore.”
All those years, I’ve long to hold you in my arms
I’ve been dreaming of you
Every night, I’ve been watching all the stars that fall down
Wishing you will be mine
“hihintayin ko lang ang matamis mong oo, kahit ilang taon pa yan, hindi ako maiinip, basta nais ko lang ipaalam sayo na andito lang ako, mahal na mahal ka, sayo lang ang puso ko....sayo lang. Mahal na Mahal kita Lalaine.”
Nagsihiyawan yung tao at tinuloy ko lang yung kanta habang nakatitig sa mata niya.
_End of Flashback_
“Andito pala ako sa auditorium, nalala ko yung panahon na masayang masaya kami sa bagong estado ng relasyon namin.” After kong mapadpad dito ay napagdesisyunan kong pumunta sa park at magpahinga, napagod na kasi ako kakalakad kaso pagdating ko dito ay may alaala nanaman kaming nacherish ni Lalaine dito.
_Flashback_
Pagkatapos ko siyang surpresahin sa auditorium ay dinala siya sa isang park, at asual another surprise nanaman, may table and chairs, flowers, music, wine and whatsoever na sweet tignan pag nag-dedate. Kumain kami, nag-usap, nagkwentuhan at niyaya ko siyang mag-slow dance sa saliw ng kantang My Valentine.
“ahm Ryan?”
“hhmm?”
“paano mo pala nahikayat yung mga tao sa auditorium? Saka bakit may ticket?”
“haha. Yun ba? Pakana nina Nica at Clarence yun eh.”
“ha? Panu nila nagawa iyon?”
“ang alam ko kaibigan kasi ng family ni Clarence yung namamahala ng auditorium sa school, tapos si Nica gumawa nung ticket. Ewan ko nga kung anong ginawa niya at nagawa niyang ipa-excuse yung 3 section sa mga profs nung after lunch eh. Saka buti nalang kamo kilala tayo ng ibang prof at alam nila ang lovestory natin. haha, kaya binigyan din sila ni Nica ng tickets.”
“adik talaga kayo, ang gagaling niyo ding umarte noh? Pero, nasurprise ako, at sobrang saya ko. Sobra. Thank you Ry.”
“welcome, I love you Lai. --- hep, hindi porket sinabihan kita niyan ay oblige ka nang sabihin yan ah? Hahaha. Kasi medyo nagulat ka eh. Aminin mo?” alam ko kasing hindi porket nag I love you ako sa kanya ay dapat ay sabihan niya din ako.
BINABASA MO ANG
Forever Kiss
Teen FictionThis is not a typical love story. Maybe for others. Pero nagsimula ang lovestory nila sa isang pangyayari na dapat ay sa dulo nagaganap. magulo ba? hehehe. Ating subaybayan ang mga mangyayari sa kanila. Ito ay istorya nina Lalaine at Ryan, sila ay t...