Chapter 14 “basta mahal kita”
<Lalaine’s POV>
Pagkatapos ng isang magical night ay halos hindi na ko makatulog nung nakauwi ako ng bahay, laging bumabalik sa isipan ko yung nangyari. Ang saya saya ko sobra, actually hindi talaga ako nakapag salita eh. Pero sana naramdaman niya sa ginawa ko yung sagot ko sa tanung niya. Haay. Sa Monday pagbalik sa school, anu kayang gagawin niya? Panu niya kaya ako liligawan? Haaay. Hindi na talaga ko makatulog pag naiisapan kong liligawan na niya talaga ako. Gusto ko ng makatulog, sana makatulog na ko.
*****
..Monday morning..
“anak!”
“po?”
“alam mo na.”
“haha. opo ma, andyan na po.” Lumabas na ako ng kwarto, shocks. Bakit kinakabahan ako? Haay, hanggang ngayon kasi iniisip ko kung anung panliligaw gagawin niya sa akin eh.
“ingat kayo ha?”
“opo ma, una na po kami.”
“hello, good morning” bati ko sa kanya nakatalikod kasi siya eh.
“Good morning din, para sayo oh? Galing pa yan sa garden namin.”
Wwoww! Boquet of flowers! Ngayon lang niya ko bingyan ng ganyan. Uhhh.. ang sweet naman.
“thanks Ryan.”
“d’you like it?”
“uhuh. =) ”
“umpisa pa lang yan =) “
*******
Talagang tinotoo niya ang sinabi niya, umpisa pa nga lang iyon. Dahil nung sumunod na araw, ay ang sweet sweet niya, may hugs, kisses, flowers and CHOCOLATES! Basta parang pa-sweet ng pa-sweet kada araw. Hanggang sa dalawang lingo na ang nakakalipas pag kasundo niya sa akin ay napansin kong may dala siyang gitara, hindi niya sinabi sa akin kung para saan iyon, pero magulat gulat na lang ako kung saan niya ginamit.
“nasaan si Ryan?” tanung ko kay Clarence nung lunch break, kasi diba dapat sabay kami kakain.
“Naku lalaine, hindi ko alam eh, wala naman siyang sinabi sa akin kung saan siya eh.”
“ganun ba, thanks cla---”
“Lalaine!, Lalaine!. Dapat mong makita to.” Hingal na higal na sabi sa akin ni Nica. Panu ba naman tumatakbo.
“ha? Anu ang dapat kong makita?”
“sumama ka sakin” at hinila ako ni Nica, at dinala niya ko sa may auditorium. Pinaakyat niya ko ng stage at pinatayo sa gitna.
“oi, oi, Nica, anung gagawin ko dito ha? S-s-a-an ka pupunta?! NICA!!” dali daling tumakbo si Nica, sa di ko malamang dahilan kung saan siya pupunta. Tumingin tingin ako sa paligid, medyo nilalamig na ko dahil sa lakas ng aircon. “haaayy. Anu ba yan, wala bang tao dito? Nica naman eh, asan na ba yung sinasa--” napahinto na lang ako nung makita kong nagsisipasukan yung mga tao sa loob ng auditorium, nagsi-upuan na sila na tila excited. “ha? Hala? Anung ibig sabihin nito? B-b-akit may mga tao?---anu yung hawak nila? Ticket?” takang taka ako sa nangyari, di ko na talaga mawari kung anu bang nangyayari, una, nawawala si Ryan, pangalawa, iniwan ako ni NIca, pangatlo ang daming tao dito. “sandali? Si Ryan? Si Ryan nga pala.” Tumingin tingin ako sa mga tao sa may audience area nang biglang...
AND AS I LOOK INTO YOUR EYES
I SEE AN ANGEL IN DISGUISE
SENT FROM GOD ABOVE
BINABASA MO ANG
Forever Kiss
Ficção AdolescenteThis is not a typical love story. Maybe for others. Pero nagsimula ang lovestory nila sa isang pangyayari na dapat ay sa dulo nagaganap. magulo ba? hehehe. Ating subaybayan ang mga mangyayari sa kanila. Ito ay istorya nina Lalaine at Ryan, sila ay t...
